8th Encounter

6.5K 156 18
                                    

8th Encounter


Serenity's POV:


Diyos ko naloloka na yata ako? Anong problema ng mundong ito mga ateng?


Kanina may mga cherub-like creatures na pinagsisira ang mga paso ko. Tas ngayon, nandito na naman ang classmate kong balcony-tresspaser at sinasabi niyang ayaw niya akong makasama sa panaginip!



"—Wait lang ha? Kung hindi ito panaginip, paano ka naman nakakaakyat dito sa veranda ko? Unless member ka nga talaga ng akyat-bahay gang!"


Sa totoo lang, ewan ko sa sarili ko kung bakit ko siya tinatarayan. Pag kinakausap niya ako, he speaks in a very mild tone; almost a whisper. So far hindi naman niya ako sinasaktan.


Ah! May kasalanan nga pala siya sakin! Una, tinitigan niya ako ng masama nung first day niya sa class namin. Pangalawa, he attempted to smash my poor cattleya!


Pansin ko lang, hindi pa niya binibitawan ang kamay kong pinunasan niya. Ang awkward na ng nararamdaman ko kaya babawiin ko na sana. Kaso mas lalong humigpit ang hawak niya dun.


Dahan dahan siyang yumuko at hinalikan ang likod ng palad ko. My God! Feeling niya isa siyang prinsipe. Prinsipe ng mga sangganong puyat, that is.


"—Payagan mo akong dumalaw sayo dito tuwing ganitong oras." aniya.

I pouted. Itinaas ko ang freehand ko at sinalat ang ilalim ng mga mata niya. "Insomniac ka ba at parang gising ka bentekwatro oras? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Mukha kang malnourished na anemic—"


Natigilan ako dahil he suddenly embraced me. He's being too familiar again. It makes me wonder—


"Salamat sa pag-aalala mo, Serenity ko."


"M-matagal mo na ba akong kilala?"
nacucurious na talaga ako dito kay Loki. Wala naman sigurong lalake ang mag-istalk sakin gaya ng ginagawa niya NANG WALA LANG. Unless masyadong nakakasilaw ang kagandahan ko. Choz! Eeh pero sure akong hindi ko pa talaga siya nakikilala before!


Lumayo siya sakin. When he did, he intently gazed at me. Nakakatunaw! "Oo matagal na kitang kilala. Pero ako, ngayon mo lang nakita—"


Holy macaroons! Ito na ba yung 'reincarnation' thingy na sinasabi nila? So what am I supposed to do?


Medyo natuwa ako at the same time, hindi rin. May tao bang papayag na maging replacement ng isang taong nawala just because of that 'reincarnation'?


Kung sinuman yung taong nawala sa buhay ni Loki, I can never be that person.


Sumandal ako sa barandilya at tumingin sa night sky. "Kung sinuman yung taong hindi mo makalimutan, itago mo siya sa memories mo. Don't pretend na nandiyan pa siya kahit wala na talaga. That way, matututunan mong iappreciate ang mga bagong encounters sa buhay mo.."


Hindi siya sumagot.


"—Kagaya ko. Isa ako sa mga taong naencounter mo nung lumipat ka sa Eastville Academy. Kung gusto mong maging magkaibigan tayo, baguhin mo ang approach mo. Magpakilala ka sakin ng maayos."


He gently tapped my shoulder. Lumingon ako sa kanya.


"Ako si Loki, yung new classmate mo. Medyo mahilig lumapit sakin ang gulo, pero sana iconsider mo ako bilang kaibigan."


Ngumiti ako sabay lahad sa kanya ng akin kamay. "Ako si Serenity. Medyo clumsy daw ako sabi ng besy ko. Despite of my shortcomings, salamat at gusto mo akong maging kaibigan."

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon