Chapter XXI - Friendship

2K 66 8
                                    

Grabe. For the first time in forever. Ang bilis ng update ko. Hahahaha sana sipagin pa ako. #AngSipagKongMagUpdate

 

Enjoy reading.

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“I think I miss you…”

 

‘Di naman siguro wrong send ‘yun ‘di ba? Ay oo, wrong send ‘yun. ‘Wag ng humopia ‘teh. Masakit sa damdamin. Pero kahit ilang beses ko mang kondisyunin ang sarili kong hindi ‘yun para sa akin o ‘di kaya, para sa akin pero jina-jamming ako ni Tangkad, ‘di pa rin maiwasang magsilabasan ng landi ko sa katawan.

Ilang beses kong sinubukang reply-an siya pero parang ‘di ko mahanap ang tamang sentence na ipapadala. Mag-i-english ba ako o tatagalugin ko? Mas minabuti kong ‘wag na lang sagutin. Malandi mang turingin, may pagka-hard to get pa rin.

Buong gabi akong ‘di nakatulog. Lakas maka-teenager eh. Nag-antay ako ng ‘good morning’ niya pero wala naman. Baka nga ‘di sincere ‘yung mga ganu’ng pa-gimik niya. Buti na lang at ‘di ko nireply-an. At least kung ‘di man talaga para sa akin ‘yun, I have left myself with some sense of pride.

Dahil Linggo naman at wala akong trabaho, naisipan kong kamustahin si Papa. Ni hindi man lang ako naalalang kamustahin. Hindi niya rin nagawang sagutin ang mga tawag ko. Talagang tinodo niya na ang pagliliwaliw. Kung kelan tumanda, saka pa nag-inarte at naglayas na parang high school. Minsan, mahirap talaga magpalaki ng magulang.

Maya-maya, nakatanggap ako ng text. Si Papa. Ang sabi, okay naman daw siya. Hindi niya raw nasagot dahil busy siya kakaalaga ng mga halaman niya at ‘wag raw akong clingy dahil kailangan daw niya ng peace of mind. Kung nasaan man siya, parang may ideya na ako. Ilang beses niya mang sabihin na okay na siya at tuluyan ng naka-move on sa pagkawala ni Mama, alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Alam kong ayaw niya lang magpakita ng kahit konteng pagkalungkot dahil alam niyang mas dadamdamin ko ang lungkot.

Sino nga ba naman makakapag-move on sa nangyari kay Mama? Ako lang ata. Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang totoong nangyari.

Para naman may kabuluhan ang weekend ko, naisipan kong magsimba. Sa loob ng ilang taon, isang bagay ang lagi kong pinagdarasal. Na sana, makita ko ‘yung taong inilaan ng Diyos para sa akin. ‘Yung taong mamahalin ako despite of everything, iintindihin ako, rerespituhin, aalagaan, ‘di ako huhusgahan kung sino ako at ‘yung taong ilalapit pa akong lalo sa Diyos. Sana ‘yung taong ‘yun will be capable of making me happy, that he will never give me a reason to have insecurities and he will be financially, physically, mentally, spiritually and emotionally capable of having me. Most of us these days fail to pray for our partners in life dahil pre-occupied tayo sa mga maka-mundong gawain.

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon