Chapter XVIII - 21st Choices

2.3K 66 7
                                    

Apat na oras ko po itong inupuan. Pasensya na at masyadong mabagal ang updates ko. <3 Happy 300k reads sa dalawa kong story: Whirlwind Romance and The Meaning of Wife. Salamat sa endless love and support.

 

Get well soon sa aking bae. Haha. Pagaling ka. Heart heart. <3

 

Enjoy this chapter. Mwaahugs. God bless us all.

 

 

-Mia

 

 

 

KIM’S POV

 

Pilit kong kinalma ko ang sarili ko at sabay labas sa kwartong ‘yun. Sa halip na matulog at magpahinga para sa biyahe ko, mas pinili ko na lang na magbasa at mag-aral. Pero wala akong naintindihan ni isa. Naalala kong may pauso pala kaming photo diary ni Xian. Ginawa ko ang una kong entry para naman may pagkaabalahan ako. Ilang oras ang lumipas, nag-hello na si Haring Araw. At talaga naman, sa pag-hello niya, nakiuso rin ng hello ang mabibigat na sako sa ilalim ng mata ko.

Eto ‘yung mga moments na pagharap mo sa salamin eh mare-realize mong mas malala pa sa problema mo ang mukha mo.

Alas nuebe ang flight ko. Kaya maaga akong gumayak dahil itong si Tangkad, ang sabi, an hour before my flight, susunduin ako ng driver. Sosyal, duma-driver na ako ngayon.

Sinigurado kong naka-lock ang buong bahay. Habang nag-aantay ako ng sundo, saktong tumunog ang telepono ko. Agad kong sinagot. ‘Di ako nagkamali sa hinala kong si Xian ang nasa kabilang linya.. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita ko kagabi. Pero gaya nga ng madalas kong marinig, ignorance is bliss. What I don’t know won’t hurt me.

“Oh tangkad! Buti naman at naalala mo pa akong tawagan. Muntik ko ng maisipang isangla ‘tong bahay mo kung ‘di mo ako tinawagan eh.”

“Sorry if I called just now. I had some problems to deal with when I was in Hong Kong. I just landed here in LAX. Sorry for keeping you wait last night.”

 

“At sinong may sabing inantay ko ang tawag mo?” Pero ang totoo, inantay ko naman talaga ang tawag niya. “Mabuti naman at nakarating ka na diyan. Nags-snow ba diyan?”

 

Narinig ko ang malakas na tawa niya. “Kim, hindi naman nagne-nyebe sa California.” Walang hiya. Ba’t ‘di ko alam ‘yun?

“Eto naman, binibiro lang kita.”

 

“Oh, was that a joke? That was really funny. Anyway, anong oras ang flight mo?

 

“Alas nuebe. Inaantay ko ‘yung sinabi mong susundo sa akin.”

 

“Ganu’n ba?”

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon