Chapter II - Instant Husband

6.8K 101 28
                                    

I’m still on my Promo Period. Please help me market this story. Haha. God bless. Fighting!!!

-Mia

KIM’S POV

“Who said so?” Ngumiti ako. Ngiting pang-asar. “Nahuli ka na ata sa balita. I just got married. Last month lang.”

Hindi ko halos maipinta ang mukha niya. Pinaghalong gulat, kaba at inis. Huh! She wants war? I’ll give her war.

“T-talaga? S-sinong napangas-sawa mo?” Nanginginig niyang sabi.

Patay! Eto na nga bang sinasabi ko eh. Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Pero dahil nga artista, hindi ko pinahalata. Hinablot ko ang diyaryong inagaw niya sa akin kanina. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Tangkad sa isang parte ng diyaryo. Bahala na si Batman.

Hinarap ko kay Monique ang diyaryo. “Wanna know who my husband is?”

She nodded. I smirked.

“Eto siya…”

HA?!” Sabay-sabay na sabi sa akin ng mga babae rito sa salon. Lahat sila nakatitig sa akin at tila gulat na gulat. Si Monique naman halos mahimatay. Ano bang meron? Ganu’n na ba ako kalosyang para ikagulat ng lahat na may asawa na ako? Ang mas nakakatakot pa, isa-isa silang nagsilabasan ng mga smart phones nila at sinimulan akong kunan ng litrato. Strange. Really.

“S-seriously, Kim?” Nauutal na tanong ni Monique.

“Mukha ba akong nagloloko?” Matapang kong sagot.

Muntik matumba si Monique mula sa kinakatayuan niya. Mabuti na lang at nasalo ito ni Nathan na halatang-halata rin ang pagkagulat base sa facial expressions nito. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

“Miss, tapos na ba ‘tong buhok ko?” Tanong ko sa babaeng umaayos ng buhok ko na hanggang ngayon eh nakanganga pa rin. Tumango ito kaya pumunta ako sa counter upang magbayad. “Eto, sobra ‘to Miss ha. Pakibigay na lang ‘yung sobra du’n sa babaeng kumulot ng buhok ko. Tip ko ‘yan.”

Sandaling natahimik ang salon. Dahil nga nawi-weirdohan ako sa mga kilos nila, umalis na lang ako. I decided to spend my time at the coffee shop instead. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, pinagtitinginan na ako ng mga tao.

“Siya pala ang napangasawa ni Mr. $^@#%!^. Hindi naman kagandahan.” Sabay turo sa akin. Asawa raw nino?

“Oo nga. Maputi lang naman. Pero sumatotal, hindi naman ganu’n ka-attractive.”

“Sayang talaga ‘yung si Alexander. Ang gwapo-gwapo pa naman.”

Hanep ang mga babaeng nakaupo sa may tabi ng pintuan. Kung makapagchismis, rinig na rinig. Hinayaan ko na lang. Pumunta ako sa counter at um-order.

Nang mag-o-order na ako, biglang natulala ‘yung kahera at napasabing, “OMG!”

“Miss?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“M-Mrs. Lim Uy. K-kayo po pa-pala.”

Mrs. Lim Uy?! What?! “Anong sabi mo, Miss? Anong tawag mo sa akin?”

“Mrs. L-Lim Uy p-po.”

Why does that family name sounds so familiar? Saan ko nga ba unang narinig ‘yun?! “Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko? Ay hindi, teka. Bakit ganu’n ang tawag mo sa akin?”

Bigla itong bumalik sa tamang huwisyo. Dali-dali nitong hinablot ang kanyang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa akin. “Kalat na kalat po sa mga social networking ang mga litrato niyo Ma’am. Kayo rin po ang pinag-uusapan ngayon. Nice meeting you Ma’am. Kayo ho pala ang asawa ng tagapagmana ng Empire Prime Holdings.”

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon