Chapter XXXV - Throwback

1.5K 32 24
                                    


KIM'S POV


Hindi ko siya maintindihan. His words were vague and subtle. With all my heart, I tried to understand him. Hindi ko mawari kung saan ba papunta nag usapan nmin. May namumuong luha sa kanyang mga mata. Bahagya kong hinaplos ang mukha niya at ikinulong sa mga palad ko. He kissed my palm as he closed his eyes.

"You always make it hard for me to do the right things, Kim. Tuwing nakikita kita, nahihirapan akong mag-isip because you occupy every corner of my mind. It's hard for me to end up this way. I love you dearly. I never thought loving could be possible to me. I love you so much that it takes me oceans of tears to let go." Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Pinagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa.

"Naiinis ako, Kim. Naiinis ako dahil pareho tayong biktima ng panahon. Pero alam kong may dahilan kung bakit tayo pinagtagpo. Maybe I was fated to meet you so I would appreciate life because I have you. Baka kaya ka binigay sa akin ay para makilala ko ang sarili ko. You were everything I dreamed of, Kim. Masakit aminin pero sa tingin ko, isa ka sa mga pangarap na hanggang panaginip na lamang."

"P-paano tayo?"

"Hindi ko alam. Bukas paggising ko, babalik ulit ang mga hirap na dinanas ko nu'ng iwan mo ako. Siguro, magbabalik-tanaw na lang ako sa mga alaalang bigay mo at sa mga pangarap na binuo ko kasama mo."

I know deep in my heart na may sapat siyang rason para gawin ito. Inalo ko siya. Yumakap siya sa akin ng napakahigpit.

"Bumalik ako dahil umaasa akong meron pang tayo. Ang dami kong natutunan, nalaman habang magkalayo tayo. I then thought na baka sa mga bagay na alam ko na ay pwede na muli akong bumalik sa'yo. Pero pagbalik ko, nakita kong may iba ka na. Bumalik ka kay Jessica and hell... it hurts like hell na makita kang masaya sa kanya. Pero gaya ng sabi mo, ang tunay na pagmamahal, hindi makasarili kaya nakuntento akong mahalin ka sa malayo." Hinarap ko siya at malungkot na nginitian.

"Ilang beses kong tinanong ang sarili ko, bakit kaya tayo pinagtagpo? Bakit kaya tayo pinaghiwalay? Bakit kaya tayo nagkita ulit? Madalas kong sagot sa sarili ko, kasi tayo ang para sa isa't isa. Pero naisip ko rin, kung talagang tayo ang para sa isa't isa, hindi magiging ganito kahirap, hindi ganito kakumplikado, Xian."

"Pero ngayon, after all we've been through, I finally came up with a conclusion... nagkita tayo ulit kasi kailangan na natin ng closure. Noong una tayong maghiwalay, hindi tayo nabigyan ng pagkakataong humingi ng tawad at magsabi ng nararamdaman natin. Baka ito na 'yun." My words were deep and sincere. Tinignan ko sya at hindi ko mabasa ang mga mata nito. Tumango lang ito sa lahat ng sinabi ko. Hinalikaan niya ako sa noo.

"I'm sorry Kim. Corny may it sound but I am hoping to see you in the next life. Baka sakaling doon, tayo na ang para sa isa't isa. I just have to do this. I need to leave. Jessica needs me, my family needs me. Sana balang araw 'pag nagkita tayo, we'll catch up at magagawa na nating tawanan ang lahat ng 'to. Sana baling araw, maipaintindi ko sa'yo kung bakit ganito. This will never be easy to me, alam kong ganoon din ito sa'yo Kim. I will hope and pray na sana makahanap ka ng taong mas mamahalin ka, mas ipaglalaban ka kasi hindi ko 'yun nagawa para sa'yo. Naging mahina ako."

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ko ang kanyang mukha. I pulled his nape down and sealed his lips with a kiss. My tears gushed. I immediately stopped myself. Tinanguan ko siya. Agad naman niyang naintindihan na isa itong senyas na makakaalis na siya.

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon