Chapter XX - Labels

1.8K 62 11
                                    

Ako’y nagbabalik-loob sa Wattpad. Muntik ko ng i-hiatus ang story na ‘to forever. Thank you Danica, Praise, Klaire and Cristel sa pag-encourage na ituloy ko ang kalandian kong ito. Hahahaha. At salamat dear readers sa ‘di pag-iwan sa akin kahit matagal akong ‘di nag-u-UD. <3

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

KIM’S POV

“Bakit ka nandito?”

 

“Ba’t ‘di ka umuwi ng bahay?”

 

“Eto ang bahay ko.”

 

“But you’re technically living with me.”

 

“Am I obliged to stay wherever you are or ask your permission kung sa’n ko gusting pumunta?”

 

“Yes, because you’re my wife.”

 

“Oscars wife. Alam mong palabas lang lahat ng ‘to.” Tumahimik siya. Ganu’n din ako. Talaga naman, Wife. Wow, big word!

He sighed. “Kim, may problema ba tayo?”

 

“Meron nga ba?” I looked away. Meron nga ba? Walang problema pero bakit pakiramdam ko, ako ‘yung mismong nagiging problema?

“Kausapin mo ako ng maayos. Talk to me, please?”

 

“Kinakausap kita ng maayos.”

 

“Stop this nonsense joke. Talk to me. Why are you acting cold?!”

 

“Do I seem like a joke?” Tinitigan ko siya. Mukhang ‘di niya nagugustuhan ang pagsagot siya. Bahala siya. Mas okay ‘yun. Para mainis siya at tantanan niya ako. Kung sabihin ko kayang mabantot siya na kahit anong ligo niya, ag yucky pa rin, para tantanan niya ako? O ‘di kaya sabihan ko siyang may nakakahawa akong sakit. Ebola. Trend ‘yun ngayon ‘di ba?

‘Di naman kaya ako magmukhang isip-bata nu’n?

Buong gabi kong inisip ang sinabi sa akin ng lola niya. Oo nga naman. Sino ba naman ako para buong-lakas at kapal ng mukhang dumikit-dikit dito kay Tangkad? Kung status lang naman ang pag-uusapan, unlikeable ang posisyon ko kung ikukumpara sa kanya.

“Gusto ko lang mapag-isa. Wala tayong problema at wala tayong dapat gawing problema. It’s just that, ‘di na natin kailangan umasta na parang concerned citizen tayo sa isa’t isa. Walang nakatingin. ‘Di natin kailangang magkunwari.” Huminga ako ng malalim. Ang lakas ng loob kong sabihin na ‘wag masyadong concerned sa isa’t isa, pero ako mismo, concerned na concerned sa kalagayan niya. Gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya na tigilan na namin ‘to, habang maaga pa at habang wala pa akong masyadong feelings para sa kanya.

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon