PORTAL 12

242 23 0
                                    

********

PORTAL 12

********

                Nakakailang katok na si Tita Esme pero di ko parin binubuksan. Di ako sumabay sa kanila sa umagahan, hanggang sa hapunan. Di ako lumabas ng kwarto at alam kong nag-aalala na siya o sila sa akin. Nakadapa ako ng minutong iyon at nakahubad, naiinitan kasi ako. Gabi na pero naiinitan parin ako. Siguro dahil sa hindi ako naligo ngayon araw na iyon. Ayaw ko kasi talagang lumabas. Ano bang ipinaglalaban ko? Kapag ba di ako lumabas may mangyayari bang pagbabago sa sitwasyon ko? Wala rin naman diba? Para akong gago. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko, sinasabe ko na maaayos din ang lahat. Makakabalik din ako sa panahon ko, pero hindi. Masyado nang nagiging malala ang mga pangyayari.

                “Bukas yung hearing ng kaso mo, kailangan mo nang magpahinga. Matulog ka na ah?” pagpapaalala pa sa akin ni Tita Esme. Isa pa yun. Paano ako nadamay sa kasong ito? Ni wala sa isip ko na makagawa ng ganoong bagay. Ni pagpatay ng puso o aso di ko pa nagagawa ang pagpatay pa kaya ng apat na tao? At isa pa anong motibo ko? Tama kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong makatakas kundi baka hindi na ako makabalik sa panahon ko kung mamamatay ako rito.

                Kaso paglabas ko pa lang ng pintuan, nakaabang na si Ivy.

                “Saan ka pupunta?” nakacross-arm pa nitong harang sa pintuan.

                “Gusto ko nang makabalik sa panahon ko.” Giit ko pa sa kanya.

                “Paano ka makakabalik?” taas kilay niyang tanong sa akin.

                “Hahanap ako ng paraan, mukha kasing wala kayong balak na tulungan ako.” Dinaanan ko lang siya.

                “Saan ka pupunta?”

                “Sa mars.” Pabalang na sagot ko.

                “Saan ka nga pupunta?”

                “Sa lugar na di kita makikita.” Sinundan ako ni Ivy, hinila ang damit ako dahilan para mapaharap ako sa kanya.

                “At bakit?” tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hangin na lumalabas sa kanyang bibig at ganun din sa butas ng ilong nito ng mga oras na iyon.

                “Bakit mo kailangang malaman?”

                “Gusto kong malaman!” giit pa niya.

                “Wala ka na doon,” muli ko na naman siyang dinaanan. Pero inaasahan kong pipigilan niya ako sa paglabas ko ng pintuan, pero mali ako di na siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Sa pagharap ko nakatitig lang siya sa akin at para bang nagsasabi ang mga mata niya na wag akong umalis. Napabuntong hiningan ako sa ng malalim ng minutong iyon. At ginulo ko ang ulo ko.

                “Maliligo lang ako, ang baho ko na kasi.” Saka ako dumiretso sa banyo at doon ako ay naligo nga ako. Noong natapos akong maligo, inaantay parin pala ako ni Ivy sa labas ng banyo.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon