PORTAL 28

194 19 0
                                    

********

PORTAL 28

********

"Okay ka lang anak?" ito ang tinanong sa akin ni Mommy ng umagang iyon. Hindi ako nakatulog ng buong gabing iyon, ang dami kasing nangyari. Hindi maaaring nasundan si Shane ng mga kalaban, kaya marahil ay ipinapalayo muli ng kanyang Daddy si Shane ay para hindi na muli silang masundan ng mga kalaban nilang mga Dark Witch. Akala ko sa loob lang ng portal iyong nangyayari. Pero papaanong maski sa panahon ngayon ay narito parin sila at nang-gugulo?

"Ma, pwede bang hindi muna ako makakapasok ngayon. Ang sama kasi ng pakiramdam ko e," pagsisinungaling ko pa, saka ako umarte na masakit ngang katawan ko at ulo ko. Hinimas ni Mommy ang ulo ko at saka ito hinalikan.

"Sige, kakausapin ko nalang uli ang teacher mo, ayaw mo ba talagang mag-padala sa ospital?"

"Nope! Kaya ko ito, kailangan ko lang mag-pahinga promise. Magiging okay din ako." Sabi ko. Pagkalabas niya ng bahay ay kaagad kong tinawagan si Makoy tinanong ko kung kumusta na ba si Shane. Sinabi niya na wala raw siyang balita, maski raw kasi siya ay hindi na pinayagang makapasok sa loob ng bahay. Ano raw ba talaga ang nangyari at bakit raw ako tinutukan ng baril ng Daddy ni Shane, hindi ko muna sinabi sa kanya. Kailangan kong makausap si Shane. Hindi pupwedeng maging ganito ang mindset niya tungkol sa mga nangyari. Alam kong totoo ang mga nangyari, totoong nagkaroon kami ng relasyon ng ina niya, pero that was long-long ago. Ang hirap ipaliwanag. Maski ako sa sarili ang hirap ipaliwanag. Mahal ko si Ivy, mahal ko rin si Shane. Hindi ba pupwedeng mahal ko silang dalawa?

Naglakad-lakad ako sa labas ng bahay nang may isang batang babae ang lumapit sa akin at hinawakan nito ang kamay ko, napatingin ako sa kanya. At doon na tumulo ang luha ko. Kinuha ko siya't niyakap ng mahigpit.

"Ivy..." maingak-ngiyak na sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Bitawan mo ako, Ebony, ang baho mo." Infairness to her ang dami na niyang sinasagot sa akin. more than three words na iyon. saka ko siya binitawan at pinisil-pisil ko pa ang pisngi niya.

Sa pagbaba ko sa kanya, ay pinunasan niya ang luha sa aking mga mata habang nakangiti.

"I-Ivy..."

"Ebony, ang laki na ng pinagbago mo. Nakita ko ang lahat. Nakita ko ang lahat kung papaano mo minahal ang anak ko."

"Si Shane..."

"Alam ko, ang weird lang. Ang bata-bata ko pa, pero may anak na ako. Kasi nga hindi ko mundo ito, kasalanan ko kung bakit nakapasok ang mga Dark Witches dito sa panahon niyo. Dahil sa pagnanais kong makita kang muli ay ito ang nangyari,"

"Patawarin mo ako." Lumuhod ako sa harapan niya. Tinapik-tapik niya ang balikat ko't pinapatayo ako.

"Diba ang sabi ko sa iyo, wag kang humingi ng patawad kung hindi mo naman kasalana."

"No! Nagkasala ako sa iyo, nasira ko ang pangako ko sa iyo." Sagot ko, habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Hindi mo sinira, ang tawag doon, ay tadhana. Kayo talaga ni Shane ang nakatadhana,"

"P-pero dahil sa akin, naging miserable ang buhay mo, at ng pamilya mo."

"Yun ang kasalanan ko, at wala kang kinalaman doon." Sagot naman niya sa akin.

"I-Ivy,"

"Ebony." Saka ako hinalikan ni Ivy sa aking labi.

"Ebony!" napalingon ako sa likuran ko, and it was Shane na gulat na gulat sa mga nakita niya. Lumapit siya sa akin at sinampal ang mukha ko, at ang sama naman ng tingin niya sa batang nasa harapan ko.

"Ang manyak mo! Pati ba naman bata pinatulan mo?" napatingin ako kay Ivy, naka-cross arm ng minutong iyon sa aming harapan.

"At ikaw?" sigaw pa ni Shane sa kanya.

"Magsalita ka! Ke-bata-bata mo pa e ang landi-landi mo." Parang gusto kong matawa kasi hindi ba siya aware na nanay niya iyong kinakausap niya?

I'm just a liitle caught, in the middle life is a maze and love is a riddle...

Nagpanganga si Shane ng marinig niya ang mga iyon galing sa boses ni Ivy. Baka pampatulog ni Ivy ang kantang iyon kay Shane noong bata siya.

"The Show, first song na natutunan mong kantahin. 12 years old ka noong una kang nagkaperiod. May peklat ka sa likuran mo, hugis puso. May poknat ka sa gilid ng tainga mo kasi nasubsub ka noong naglalaro ka sa slide no'ng six years old ka. Apple pie ang paborito mong pie, ube flavor ng ice cream ang gusto mo. Kulay Yellow ang favorite color mo, at ako ang best mom in the world sabi mo."

"M-mommy..." nauutal pang sabi ni Shane habang tumutulo ang luha nito. Napatingin ako kay Ivy, papanao niya nalaman ang bagay na iyon? ibig sabihin binabantayan niya ang kanyang Anak? Simula pa dati?

"Ako nga ito, mas mukha nga lang akong bata kaysa sa iyo, pero ako ito anak. Weird!" mukhang nagbago na nga ang ugali si Ivy, marunong na siyang magbiro. Patakbong lumapit si Shane sa kanyang ina.

"I miss you so much mom," umiiyak na sabi ni Shane habang yakap-yakap nito ang kanyang ina.

"Pero papaano po kayo bumalik sa mundo? At paano kayo naging bata muli?" tumingin siya sa akin. at ngumiti naman ako sa kanila.

At sabay sabing... dahil sa akin bumalik sa mundo si Ivy. Napalingon si Shane sa akin. ipinaliwanag ng kanyang ina ang tungkol sa naging relasyon namin ni Ivy sa ibang panahon. At mukhang naniwala na siya sa lahat ng mga sinabi ng kanyang ina.

"I'm sorry mom for everything." Umiiyak na sabi ni Shane sa kanyang ina.

"I told you before not to say sorry if it's not your fault in the first place. Ganyan ang lagi kong sinasabi kay Ebony, I'll make this short, because we're running out of time. Alam kong gumagawa na ng paraan ang mga kalaban para sumalakay dito."

"Actually sumalakay na po ang isa sa kanila kagabi," sabi pa ni Shane.

"Sinasabi ko na nga ba, we need to find the portal."

"Pero papaano nating makikita ang portal?" sagot ko sa kanya.

"Wait, what is portal?" sabat pa ni Shane. Hindi pa pala niya alam ang portal.

"Portal ay isang daan papunta sa ibang dimension." Simpleng paliwanag ni Ivy sa kanyang anak.

"Saan natin makikita ang Portal?"

"Naalala mo pa ba si Anna Katrina Rose R. Neria?" sabay tingin sa akin ni Ivy. Si Anna? Ang makulit na batang iyon? marahil ay matanda na siya ngayon. Sinong hindi makakalimut sa kakulitan ng batang iyon? at isa pa, lagi silang nag-aaway ni Ivy.

"Wag mo akong tignan ng ganyan," babala pa sa akin ni Ivy. Sumimangot naman si Shane. Mukhang nagseselos sa kinikilos ng kanyang ina sa akin. hays ang hirap nito! Dalawang taong mahal ko ay nasa harapan ko ngayon.

Familiar raw ang pangalan na Anna Katrina Neria. Kung hindi nakakamali si Shane ay isa itong sikat na Fantasy Fiction Wrter ngayon sa bansa. Isa sa bestseller ngayon sa bansa ang mga gawa niya. At kung hindi rin siya nagkakamali sa iniisip niya, mayroon siyang sikat na series na pinamagatang Portal Series. Kaya sinerch namin sa internet shop na kung saan nakatambay ang mga kaibigan ko. Nagtaka nga sila kung bakit magkasama kami ni Shane at may kasama pa kaming isang bata. Hindi ko na sila pinansi, kaagad na akong umupo at niresearch ko ang pangalan ni Anna. Langya! Addict naman ako sa mga libro pero bakit hindi ko alam na bestseller pala itong si Anna? Pero... tama. Napatayo ako sa kinauupuan ko at sabi ko babalikan ko sila. Umupo si Shane sa upuan ko at siya na itong nagresearch tungkol kay Anna. Habang ako patakbo akong bumalik sa bahay.

At nang makarating na ako doon ay kaagad kong kinalkal ang bookshelves ko, pero... bakit gano'n? hindi ko makita? Hindi ko makita ang librong iyon? tinanong ako ni Mommy kung ano iyong hinahanap ko, pero sabi niya wala naman raw siyang nakita na ganoong klaseng libro gaya ng sa sinasabi ko. Napaupo nalang ako sa upuan ko't huminga ng malalim. Hindi pupwedeng mawala iyon. Sinabi sa akin ni Mommy na pangalawang beses ko na raw itong tinanong sa kanya, bakit raw ba imporntate raw ba iyong librong iyon? may project ba raw akong kailangang gawin? Napailing nalang ako saka ako tumayo at lumabas ng kwarto. Nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Shane.

PORTALDonde viven las historias. Descúbrelo ahora