PORTAL 9

237 24 0
                                    

********

PORTAL 9

********

                Nasa polisya na kami ngayon. Kanina lang noong nasa loob kami ng kotse, marami ang mga taong nasa labas at yung iba pinagbabato nang kung ano-ano yung kotseng sinasakyan namin. Sinabe ko sa kanila na wag na nilang isama si Ivy, ngunit nagpumilit na sumama ito. Wala na rin naman akong nagawa kasi gusto niya at kapag gusto niya, wala na kaming choice kundi ang sundin din ito.

                Noong oras na pala lumabas ng kotse, nakatanggap ang mukha ko ng isang malakas na sampal galing sa isang babae. Napatingin kaming lahat sa lakas ng sampal na inabot ng mukha ko sa kanyang galit na galit na kamay. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

               

                “Hayop ka! Hayup ka! Bakit mo sila pinatay?” hinila ng isang pulis yung babaeng nanampal sa akin. Umiiyak na ito sa harapan ko ng minutong iyon. Di ako nakasagot kasi, di ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, guilty ako na hindi naman dapat. Napaghihinaan na ako ng loob ng minutong iyon nang bigla nalang may humawak sa kanang kamay ko. At pinagaan nito ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa kanya, nakangiti ito sa akin. Ngayon ka nalang ulit siya nakita ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap-sarap.

                “Maghulos dili kayo Mrs. Monteverde,” awat pa ng pulis sa kaniya. Ibig sabihin siya yung asawa noong mayor ng Quezon city?

                Doon na ako hinila nila Tita Esme upang pumasok sa loob ng pulis station. Sa pagpasok namin sa loob, nagsilapitan naman yung mga media personnel para tanungin ako, ngunit hinawawi lang sila ng mga alagad ng pulis, at sinabe sa akin ni Tito Samuel na wag na wag raw ako magsasalit sa kanila. Pangarap ko dati ang pagkaguluhan ng mga katulad nila. Pangarap ko rin kasi na maging sikat, pero di sa ganitong paraan. Di sa ganitong eskandalo. Ni wala sa utak ko na mangyayari pala ito sa buhay ko.

                Pagpasok namin sa isang kwarto, nandoon si Chief Julio, at ibang mga pulis at siyempre nandoon din si Mrs. Monteverde na namumula parin ang mga mata.

                “Maupo kayo,” utos ng pinakahead police ng station na iyon. Umupo ako doon sa harapan niya, samantala sila Tita at Tito, gayun din si Ivy ay nasa likuran ko lang. kaharap ko si Mrs. Monteverde.

                “Ano ang pangalan mo hijo?” tanong sa akin ng pulis. Tumingin ako kanila Tita Esme. Napalunok ako ng oras na iyon, di ko alam ang sasabihin ko. Baka kasi kaunting salita lang ang lumabas sa bibig ko, magiging dahilan na siya ng kapahamakan ko.

               

                “Ako po si E-Ebony Dela Cruz,” nauutal na sabi ko. Napalunok pa ako ng laway ko ng minutong iyon dahil sa sobrang kaba.

                “Kaano-ano mo ang mga marasigan,” bigla nalang nasalita si Tita Esme.

                “Anak ko siya.” Giit pa nito, napatingin tuloy ako sa kanya.

                “Mrs. Mamaya tatanungin ko rin ho kayo, pwede? Siya po muna ang sumagot?” tumahimik nalang si Tita Esme sa sinabe ng pulis sa kanya.

PORTALWhere stories live. Discover now