PORTAL 19

248 25 0
                                    

********

PORTAL 19

********

                “Bakit parang kanina ka pa di nagsasalita?” kaagad na napansin ni Anna ang pagiging tahimik ko pagkatapos nang pag-uusap namin sa loob ng kwarto ni Ivy. Lumabas ako para makalanghap ng sariwang hangin.

                “Wala to. Wag mo nalang akong pansinin.” Tugon ko sa kanya.

                “Alam mo po, kahit na di ko naiintindihan ang mga nangyayari. Alam kong may problema kang dinadala… at alam ko sa sarili ko na may kailangan akong gawin para mawala yun sakit na nararamdaman mo.” Kaagad akong napatingin sa kanya sa sinabi niyang iyon. At saka ako tumawa ng malakas. Kaso siya naman itong sumimangot.

                “Oh? Bakit ka sumimangot?” tanong ko.

                “Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ako!” ginulo ko ang ayos ng buhok niya na siyang kinairita niya ng minutong iyon at kaagad ko naming tinigilan.

                “Napaka-bata mo pa para maging seryoso. Ang dapat na ginagawa mo e magsaya at maglaro sa labas.”

                “Kaso… wala pong gustong makipag-laro sa akin.” Doon na siya nagkwento. Simula noong bata pa siya, wala siyang tinuturing niyang kaibigan. Di kasi niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga bata sa kanya ang makipagkaibigan. At lagi raw siyang tinatawag na malas. Noong una di niya ito maintindihan. Hanggang sa parang siya itong pinagbintangan na dahilan kung bakit namatay yung kaibigan nitong babae noon. Nasagasaan ng isang truck yung kaibigan niya dahil sa iniligtas siya nito. Natrauma si Anna noon dahil kinder palang raw siya nito. Pero… napatuloy ang pangyayaring yon hanggang sa ngayon ay ganun parin ang tingin sa kanyan ng mga tao. Lalong lalo na ang mga kapitbahay nila, maski ang mga kamag-anak nila ay siya ang sinisisi. Sa pagkamatay ng kanilang padre de pamilya. Ngunit ayaw naman itong paniwalaan at ayaw talaga ng kanyang ina na sa kanya isisi ang lahat dahil nga di pa nito gaano na iintindihan ang lahat.

                “Di ka malas,” ani ko pa sa kanya.

                “Alam ko. Ang laging sinasabi sa akin ni Inay. Na isa akong blessing. Blessing ako na galing kay God.” Giit pa niya na para bang pinipilit nitong ngumiti.

                “Ngumiti ka na, sige ka papangit ka niyan.” Biro ko pa sa kanya. Saka naman siya ngumiti.

                “Ayan maganda ka na.” sabay pisil ko sa pisngi niya. Nang bigla nalang sumulpot si Ivy at ang sama ng tingin sa aming dalawa.

                “Talaga ho bang magkapatid kayong dalawa? Bakit di kayo magka-mukha?” napatingin ako kay Ivy na masama parin ang tingin sa aming dalawa. Di man siya naka-cross-arm ngunit ramdam ko yung tension na namamagitan sa dalawang batang babaeng ito.

                “O-oo…” nauutal na tugon ko.

                “Oo? Talaga?” di parin siya kumbinsido.

                “Ganito nalang. Mas matanda kasi ako kay Ivy kaya di kami magkamukha at magka…”

                “Hindi kami magkapatid.” Napalingon ako noong si Ivy na ang sumagot para sa akin. Napakamot nalanga ko ng ulo ko sa di ko maintindihan na irereak ko sa nangyari.

                “Bakit naman ako maniniwala sa iyo?” taas kilay na tanong ni Anna kay Ivy.

                “Kasi… wala kang choice kundi ang maniwala sa akin.”

PORTALWhere stories live. Discover now