EPILOGUE

433 25 6
                                    

********

Epilogue

********

Naramdaman ni Ivy na mayroong nangyaring masama kay Ebong kaya kaagad itong lumabas ng bahay at sinundan naman siya ni Richard at ni Shane, pagkalabas niya ng bahay ay nandoon si Anna.

"Nasa panganib si Ebong," bulalas pa nito sa bata. Tumakbo ng mabilis si Ivy upang hanapin kung saan naroroon ang pinagtaguan nila kay Ebong. Sa isang sementeryo sila dinala ng kanilang mga paa.

"Hindi ko inaasahan na ganito mo kami kabilis mahahanap." Sabi pa ng isang babaeng may itim na bolang krystal na hawak-hawak.

"Nasaan mo dinala si Ebong?" matapang pang sigaw ni Ivy sa tila lider ng mga Dark Witches.

"Nasa paligid lang siya."

"Hanapin niyo dali," utos pa nito kay Shane.

"Pero Mom, paano po kayo?"

"Kaya na ito," sabi pa niya.

"Sigurado kang kaya mo kami? Gayong nasa ganyan kang anyo?" ngumisi pa ang kalaban nila.

"Napaslang ko na ang ilan sa mga kalahi niyo, sisiw lang ang mga katulad niyo." do'n na uminit ang ulo ng lider ng Dark Witches. Lumipad sila gamit ang mga walis na kung saan sila sumakay at lumipad-lipad sa langit. Ibinigay naman ni Anna ang isang walis na ginawan niya ng dasal, sinabi niya na sana gumagana pa iyong mga kaalaman niya sa pag-gawa ng mga gamot at spell. Ngunit naniniwala at nananalig si Ivy sa kakayahan nito. Naflatter naman si Anna. Maski siya ay lumaban na rin sa isang sumugod sa kanya at natamaan niya ito. nagpalipad-lipad si Ivy gano'n din ang ibang mga Dark Witches, habang hinahanap naman ni Shane sa loob ng sementeryo ang katawan ni Ebong. Nang may biglang lumapit sa kanya gamit ang kakayahan niya ay pinalutang niya ito at hinagis sa kung saan sa lugar ng sementeryo at nagpatuloy na siya sa paghahanap. Nang nagulat siya ng makita niya sina Andrew, Timothy, Hanson at Makoy.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Mukhang kailangan niyo ang tulong namin e,"

"Tsk. Bahala kayo, pero mag-iingat kayo ah? Kailangan nating mahanap si Ebong at kailangan niya ang tulong natin." Sabi pa ni Shane.

"Mukhang exciting 'to ah?" binatukan naan siya ni Makoy na seryoso ng minutong iyon.

"Magseryoso ka, Hanson wala ka sa mundo ng dota nasa tunay na mundo ka." Sabi pa ni Makoy habang hinihimas ni Hanson ang ulo nito sa pagkabatok ng kaibigan.

"Kahit kailan talaga lampa itong si Ebong," kumento pa ni Andrew.

Isang malaking bolang apoy ang hinagis ng kalaban ni Ivy sa kanya, ngunit nakaiwas siya dito. Bumawi si Ivy at nag-ipon din siya ng lakas sa kanyang kamay at hinagisan niya ng kulay azul na apoy ang kalaban at natamaan niya ito. Bulls eyes! One down! Sabi pa niya. More to come, sabi pa niya sa sarili ng sumugod ang ilang sa mga ulupong ng mga Dark Witches. Naghabulan sila sa langit ang ilan ay natamaan ng mga kable ng kuryente ang ilan naman ay hindi nakaiwas sa mga billboard kaya nahulog. Pero natamaan ang Magic Walis ni Ivy at dahilan para mawalan ng balanse ito't mahulog siya sa lupa mabuti nalang at nasalo siya ni Richard. Hinalikan niya ito sa noo, at saka naman pinagrarat-rat ni Richard ng baril ang mga nagliliparang mga Dark Witches na tila mga ibon sa kalangitan. Ang bala na mayroon si Richard ay gawa sa mga pulbura na pinag-aralan niya upang ipanglaban laman sa mga Dark Witches, tinuro din ito sa kanya ni Ivy.

"Ayun si Ebong..." wika pa ni Makoy nang biglang may lumabas na mga kamay sa ilalim ng lupa. Nakatali ang katawan ni Ebong sa isang malaking puno. Saka isa-isang nagsilabasan ang mga bangkay. Nagsigawan sina Hanson at Timothy, mga kalalaking tao pero kung makasigaw daig pa ang mga babae. Ginamit ni Shane ang kapangyarihan niya upang makawala ang dalawa sa mga bangkay na iyon.

PORTALWhere stories live. Discover now