XIII: Apologies

92 5 4
                                    

I kept looking at what Elmo gave and read the words a hundred times until I realized it's gonna be the last photo I'll ever get from him. Tumulo ang luha ko habang iniisip kun paano ako makakahanap ng malilipatan, wala akong malaking pera, wala akong masyadong ipon dahil ako lang naman ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan ko. Mali ba ko ng pilitin kong umalis si Elmo ng hindi pinapakinggang ng mabuti ang mga sinasabi niya? Naririnig ko ang mga salita, pero ngayon ko lang naintindihan ang karamihan sa mga sinabi niya. Narinig kong nagbukas ang pinto at pumasok ang nurse kaya pinunasan ko agad ang mga luha ko
"Ma'am aalisin ko lang po ang IV line niyo" paliwanag niya habang unti unting inaalis ang nakatusok sa akin
"Pwede na kong lumabas?"
"Yes Ma'am, kakapirma lang po ni Dr. Magalona nung discharge niyo. Okay na rin po sa billing"
"Kanina pa ba siya umalis?" Mahinang tanong ko
"Si Doc po?" At tumango lang ako bilang sagot
"Nasa labas lang po siya ng pinto, hindi pa po siya umaalis dun simula ng lumabas siya"
"Ha?"
"Inutos niya lang po yung discharge niyo kanina"
"Anong ginagawa?"
"Nakaupo lang po sa sahig, okay na po Ma'am, pwede na po kayong mag ayos tapos pakita niyo lang po yung discharge slip sa guard mamaya"
"Ah okay salamat"
Sandali akong nag isip ng dapat kong gawin, kakausapin ko ba siya? Pero paano eh inaway away ko siya kanina..
Hindi ko alam ang gagawin pero dinala ako ng mga paa ko sa labas ng pintuan at nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakayuko. Tumabi ako sa kanya at agad naman siyang tumingin sakin
"Day 16" matipid na sabi ko sabay abot ng litrato niya

 Nakita kong ngumiti siya at natawa kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko"Tayo ka diyan, madumi diyan" Aya niya sakin habang tumatayo at binibigay ang kamay sakin"Usap tayo?" Tanong ko sa kanya"Sige pero tayo ka muna diyan?" Mahina ang boses niya at...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakita kong ngumiti siya at natawa kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko
"Tayo ka diyan, madumi diyan" Aya niya sakin habang tumatayo at binibigay ang kamay sakin
"Usap tayo?" Tanong ko sa kanya
"Sige pero tayo ka muna diyan?" Mahina ang boses niya at alam kong malungkot siya, niyaya ko siya sa loob ng kwarto
"Upo ka muna dito" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang espasyo ng kama sa tabi ko. Umupo siya pero may distansya, at hindi rin siya tumitingin sakin
"Kwento mo?" Lumingon siya sakin at nakita kong namumula ang mata niya "This time makikinig na ko" sabi ko sa kanya
Huminga siya ng malalim saka tumingin ulit sa malayo
"Tumawag si Daddy one night, sabi niya naloloko na raw ang daddy mo sa isang babae, nalaman niya na unti unti nang nauubos ang kayaman niyo dahil nailipat na ni Tito sa pangalan nung babae, pati trust fund at savings na nakalaan dapat sayo, kaya umuwi agad ako"
"Umuwi ka dito sa Pilipinas?" Tanong ko at tumango lang siya
"Bakit hindi ko alam?"
"Nagpunta ako sa bahay niyo pero wala ka, sabi sakin baka nasa school ka pa daw, pinuntahan kita sa school pero pagdating ko dun sumakay ka sa taxi, sinundan kita, nagpunta ka sa restaurant malapit sa opisina ni Daddy, tapos pag pasok ko ayun, nakita kita, yakap ka na nung isang lalaki, kakasagot mo lang pala sa kanya" malungkot na kwento niya
"Moe..."
"Okay lang yun, umalis din naman ako agad. Nagkita kami ng Daddy mo kasama yung abogado ni Daddy, ayaw niya kasing ihandle mag isa kasi personal matter daw. Nag usap kami ng Daddy mo, sabi niya sakin may mga kailangan daw kasing ayusin para sa law school fund mo kaya niya binebenta, pero siyempre alam ko na yung totoo. Nagalit ako kasi ginagamit ka niya para pagtakpan ang mga kalokahan niya, inofferan ko siya ng doble ng offer ng isa pang sinusubukan niyang bentahan kaya hindi siya nakahindi"
"Grabe si Daddy no? Nakilala niya lang yun nakalimutan na niyang anak niya ko" sabi ko habang tumutulo na ang luha ko
"Hey" agad namang humarap si Elmo para punasan ito. "It's okay, I'm here" nginitian ko lang siya at tinuloy niya yung kwento niya
"Nung mafinalize yung deal, pinaasikaso ko na sa abogado na malipat sayo yung title, bago pa ko umalis ulit ng Pilipinas tumawag si Daddy, ang sabi niya lumapit ka daw sa kanya, gusto mong magtrabaho sa company sa pakiusap na bibilhin niya yung bahay at lupa niyo tapos kalahati lang ang sweldo mo para unti unti mong mabayaran yung utang mo"
"Nakaka 2 years na nga ako eh, so 23 years na lang bayad ko na sana siya" biro ko sa kanya. Ngumiti siya habang nakatingin sakin
"Ipon mo yun"
"Ha?"
"Gaano kadalas mong chinecheck yung trust fund mo sa banko?"
"Moe wala na kong trust fund simula nung umalis si Daddy"
"Meron"
"Ha?"
"Lahat nung binabawas ni Daddy sa sweldo mo nilalagay namin sa trust fund mo"
"Bakit?"
"Kasi sigurado akong hindi ka papayag kung malalaman mo yung totoo"
"Moe naman"
"Pera mo yun Jules, pinaghihirapan mo yun araw araw"
"Kunin mo na lahat please, hindi na ko magrereklamo sa bahay at lupa, basta kunin mo na at gamitin mo sa sarili mo yung pera"
"Ayoko"
"Moe"
"Alam mo ba kung san galing yung perang pinangbayad ko sa Daddy mo?"
"Saan?"
"Sa ipon ko para sa future natin"
"Ha?"
"Simula nung nakilala kita, nag iipon na ko, kasi sigurado akong ikaw na yun eh, ikaw na yung babaeng makakasama ko habang buhay"
"Moe"
"Sa susunod na uulitin mo yung pangalan ko may bayad nang kiss" biro niya sakin
"Alam mo ikaw, ang seryoseryoso ng usapan lumalabas na naman yung kakulitan mo"
"Akala ko ba gusto mo yung kakulitan ko?" And he pouted his lips
"Napacute mo nakakainis" sabi ko sa kanya habang tumatawa
"Galit ka pa ba?" Seryosong tanong niya
Tumingin ako sa mga mata niya at wala akong ibang naisip kung hindi ang nararamdaman ko para sa kanya
"Lapit ka nga dito, bakit ba ang layo mo"
"Baka kasi ayaw mong madikit sakin" sabi niya habang umuurong palapit sakin pero napakastiff pa rin ng katawan
"Moe relax"
Huminga siya ng malalim saka ko siya niyakap
"Jules.." bulong niya
"Hm?"
"Marami pang kwentong hindi mo pa naririnig, natatakot ako baka isang araw isa sa mga ito yung maging dahilan para tuluyan ka nang mawala...." malungkot na sabi niya
Tumingin ako sa mga mata niya at ibang Elmo ang nakikita ko, hindi na ito puno ng saya, mas marami na ang pagod at takot
"Let's take it one story at a time, simula ngayon mas makikinig na ako, hindi ko mapapangako na hindi ako masasaktan o hindi kita masasaktan pero Moe.."
"Hm?"
"Wag mo kong susukuan please?" Tumingin siya sakin ng may pagtataka "Alam kong mahirap akong mahalin, pero sana wag kang bibitiw" paliwanag ko sa kanya
"Never" maikling sagot niya at niyakap ako ng mahigpit
"Moe.." tawag ko sa kanya at agad naman siyang kumalas at tinignan ako sa mata
Inabot ko sa kanya ang isa pang picture na nasa bulsa ko
Nakita kong napangiti siya
"Ito yung araw na sinagot mo ko noon" sabi niya sakin habang nakangiti

" tawag ko sa kanya at agad naman siyang kumalas at tinignan ako sa mataInabot ko sa kanya ang isa pang picture na nasa bulsa koNakita kong napangiti siya"Ito yung araw na sinagot mo ko noon" sabi niya sakin habang nakangiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinitigan niyang mabuti hanggang sa mabasa niya ang nakasulat
"Mahal?" Tanong niya na may pagtataka
"Mahal Kita" maikling sagot ko sa kanya

History of Ex LoversWhere stories live. Discover now