XI: Meeting You

81 3 2
                                    

Ramdam ko na yung init ng araw sa mukha ko, ramdam ko rin ang malakas na ihip ng hangin. Minulat ko ang aking mga mata saka ko narealize na nasa balcony pa pala ako. Pag angat ng ulo ko nakita kong si Elmo pala ang kasama ko. Nakayakap siya sakin ng mahigpit habang mahimbing na natutulog. Sinubukan kong alisin ang kamay niya ng hindi siya naiistorbo pero hindi ako nagtagumpay at nakita kong dumilat ang mga mata niya
"Good Morning" bati niya agad sakin ng nakangiti
"Morning, gusto mong magcoffee?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo sa bean bag
"No I'm good, prepare ka na lang, pagluluto kitang breakfast"
"Wag na Moe, late na rin kasi. I need to be in the office in 30 minutes"
"Ayan ka na naman sa di pagkain"
"Kakain ako mamaya sa office don't worry"
"Fine, go take a bath. Maliligo lang din ako para mahatid kita" He stood up at niligpit ang mga ginamit namin kagabi
"Ahm Moe..."
"Hm?"
"Wala naman akong kalokohan na ginawa last night?"
Tumayo siya at lumapit sa akin, he held my cheeks and smiled at me "Di kita hahayaang gumawa ng kalokohan if I know na hindi mo na rin maaalala kinabukasan"
"Thank you" I said as I hugged him tight
"Alam ko namang nakakatempt ako so control yourself" sabi niya sakin habang tumatawa, a reason for me to push him
"Okay na eh, nagfifeeling ka na naman"
"Haha joke lang love, sige na uwi muna ako"
Pababa na kami ng hagdan when I felt a sudden pain in my abdomen kaya napakapit ako kay Elmo
"Everything okay?"
"Ha?"
"You look like you're in pain"
"Ahm yeah.. sumakit lang yung tiyan ko, baka sa position lang ng pagtulog"
"Are you sure? Let me take a look"
"Ha? Wag na okay na" I told him while I let him go at tuluyan na akong bumaba ng hagdan
"Sure ka? It looked serious"
"Hindi okay na Moe, wala na kong nafifeel. Ligo na muna ako"
"Oh okay. See you in a bit"
Hinatid ako ni Elmo sa office pagkatapos umuwi muna siya para matulog. 5 pm na kaya oras na para magligpit ako at pumasok. Buong araw kong nararamdaman ang sakit ng sikmura ko pero sinusubukan kong wag nang ipahalata sa mga tao lalo na kay Elmo kasi alam kong mag aalala siya. Paglabas ko ng office nakita kong nakapark na ang sasakyan niya, paglapit ko I saw Elmo sleeping inside the car. Ayoko sana siyang gisingin kaya lang baka mahuli din siya sa trabaho kung hahayaan ko siya kaya kinatok ko ang bintana niya. Agad naman niyang minulat ang mga mata niya, ngumiti, at agad na bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto
"Antok ka pa?"
"Ha? Hindi, di ko lang namalayan nakatulog pala ako"
"Lalim na kaya ng mata mo"
"Hindi naman ah"
"Ayan oh, may eyebags ka na"
"Wala, ikaw kaya yung kanina pa nakahawak sa tiyan mo. Everything alright?"
"Ha? Yeah, baka PMS lang"
"Sure ka?" I saw a dash of worrying in his eyes
"Oo naman, ako pa ba? Simpleng sakit lang ng puson to. Wag ka nang mag alala okay?"
"Fine, I love you"
"Hm?"
"Sabi ko I love you"
"Alam ko, narinig ko" sagot ko sa kanya habang tumatawa
"Sinusuguro ko lang haha, basta pag may problema tawagan mo agad ako"
"Kaya ko to, saka di pwede nasa trabaho ka kaya"
"Love, priorities" paalala niya sakin and gave me a wink. Ngumiti na lang ako at pagdating namin sa school ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. Nagpasalamat lang ako at ngumiti, hindi ko siya magawang yakapin dahil tanaw ko na ang mga kaibigan kong nakatingin sa amin. Ramdam kong nadisappoint si Elmo pero hindi siya nagreklamo, hindi naman kasi talaga siya mareklamo sa mga bagay na kaya at hindi ko kayang ibigay sa kanya. Sumakay na lang siya ulit sa kotse at umalis na, agad namang lumapit sakin ang mga kaibigan ko
"Girl, pogi naman nun kahit nakatalikod, sino yun?" Tanong ni Gabbi
"Yun ba yung Jowa mong abogado?" Dagdag naman ni Barbie
"Ha? Hindi" matipid na sagot ko
Hindi ako nagkwekwento sa kanila tungkol sa lovelife ko dahil hindi ko rin naman maiharap si Ben sa kanila noon. Ayaw kasi niya ng social gathering sa mga taong mas mababa kesa sa kanya kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipakilala siya.
"Teka, familiar yung kotse. Di ba yun yung sa ex mo?" Sabat naman ni Val
"Ex mo? Bakit hinahatid ka?" Pagtataka ni Gab
"Ano.. nanliligaw ulit" mahinang sagot ko
"Hala? Eh pano si attorney jowa?"
"Break na kami"
"Ha? Sayang naman! Pero abogado din?"
"Hindi"
"Anong trabaho?"
"Hindi ko alam, basta ang alam ko ganitong oras ang pasok niya tapos umaga na siya matatapos"
"Ah call center" Disappointed na sabi ni Barbie
"Wag mo namang ijudge" saway ko sa kanya
"Girl kasi naman from abogado to call center agent? Bumaba ang standards?"
"Wag mo siyang ikumpara don, hindi niya deserve makumpara don, he's a much better person than that guy"
"Ay defensive?"
"Hindi niyo kasi nakikita lahat ng ginagawa niya para sakin, saka ano naman kung call center agent siya? Marangal yung trabaho na yun saka baka nga mas matatalino pa sila satin"
"Girl hindi ko minamaliit yung trabaho niya, sorry na. Napakatriggered mo naman. Kelan ba kayo nagbreak ni attorney?"
"2 weeks ago?"
"Bilis makamove on te?" Sabat ni Val
"Hindi, iba kasi siya, parang fresh start sa lahat ng pinagdaanan ko? Saka nanliligaw pa lang naman"
"Ay nako mga ate girl, malelate tayo kakatuligsa niyo sa future jowa nito" paalala naman ni Gab
"Naglalakad na kami papuntang class nung maramdaman ko yung mas tumitinding sakit ng sikmura ko, napaupo ako sa isang bench habang hawak ng mahigpit ang tiyan ko
"Girl okay ka lang? Namumutla ka"
"Yeah.. Medyo sumasakit lang yung sikmura ko"
Naririnig ko ang mga boses nila pero hindi ko na nauunawaan ang mga sinasabi nila. Unti unting parang umiikot ang paningon ko, nagsisikip ang dibdib ko, at bigla na lang nagdilim ang paligid hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyari
Pagdilat ng mata ko nakita ko ang maliwanag na kwarto, naririnig kong nagkwekwentuhan ang tatlong kaibigan ko
"Anong nangyari?" Tanong ko at agad naman silang naglapitan
"Ay nakakaloka ka girl, bigla kang nagcollapse kanina sa school kaya dinala ka na namin dito sa ospital"
"Ha?" I confusingly asked hanggang nakita ko ang IV line na nasa kamay ko, paglingon ko sa lamesa, I saw three red roses and an instax picture
"Pwedeng paabot?" Tanong ko at agad namang binigay ni Gab

History of Ex LoversWhere stories live. Discover now