XII: Proud

80 5 0
                                    

Tahimik ang kwarto nung magising ako, umaga na pero nasa ospital pa rin ako. Mahimbing na natutulog si Elmo sa tabi ko. Halatang pagod sa buong araw niya kahapon. Hindi ko naisip na isang doctor ang taong to, napakakulit niya kasi, sino ba naman ang mag aakalang may matinong bahagi pala siya. Hinawi ko ang buhok niya, paborito ko itong gawin dahil gustong gusto kong nakikita ang mukha niya. Niyakap ko siya at kahit alam kong hindi niya ako naririnig ay kinausap ko siya
"Salamat ha? Kasi kahit anong gawin ko andiyan ka pa rin. Andiyan ka lang kahit alam kong minsan napapagod ka na" I kissed him on his cheeks at sakto namang bumukas ang pinto at narinig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko
"Ay nako girl, di pa kayo magjowa niyan ha?" Pang aasar agad ni Gab saka naman tumawa ang dalawa
"Shhhh!" Suway ko sa kanila "Kakatulog lang ni Elmo wag kayong maingay"
"Ay sorry Madam, nagdala lang naman ho kami ng breakfast niyo, ano wala kang balak bumitaw diyan sa yakap mo?"
Instead na makaramdam ako ng hiya ay mas lalo kong niyakap si Elmo, tama siya, hindi importante ang opinyon ng iba, ang importante ay ang nararamdaman ko pag nandito siya
"Ay ang landi girl" biro naman ni Val
"Pake niyo ba?"
"Kung ganyang level na rin pala edi sagutin mo na si Doc Pogi para naman wala nang issue issue"
"Girl yung kaibigan lang naman kasi natin yung may issue, mukhang kay Doc Pogi maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkagusto kay Madam"
Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila "Nandito po ako, naririnig ko kayo, saka ano bang problema kung ayoko pa? Mas nagmamadali pa kayo sa kanya"
"Girl unfair kasi sa kanya, siya todo bigay ikaw di pa sure?"
"Ay wow di pa siya sure niyan kung makayakap parang linta" pangaasar naman ni Barbie kaya natawa kaming lahat
Naramdaman ko nang gumalaw si Elmo at pagtingin ko sa kanya ay nakadilat na siya pero parang hindi pa gising ang diwa. Maya maya pa ay napatingin siya sakin "Good Morning" bati ko sa kanya.
Agad naman siyang ngumiti at yumakap "Good Morning Love"
"Ehem ehem, nandito po kami ano po?" Parinig ni Val
"Opo may bisita po kayo dito, tatlong binibini at kita yung landian niyo" dagdag pa ni Barbs
"Oh sorry" Sabi agad ni Elmo at agad na bumitaw sa pagkakayakap niya at umupo na lang sa kama. Naalala ko ang sinabi niya nung magkausap kami, na ilulugar niya ang sarili niya kapag may ibang tao, pero bakit nga ba siya yung laging nag aadjust para sakin?
Niyakap ko siya at alam kong nagulat siya "Tulog ka pa?" Yaya ko sa kanya "Kakatulog mo lang eh"
"Ay iba!" Asar naman ng mga kaibigan ko
"I'm okay na, I need to check your chart, balik ako mamaya" he got up and kissed my forehead and said goodbye to my friends
Tuloy tuloy naman ang ingay ng tatlo, mas kinikilig pa sila kesa sakin
"Girl, ganto ba lagi kasaya ang umaga mo?" Biro nila at tumango tango lang ako
"Ay! Ganung level? May pagtulog together na nagaganap?"
"Uy hindi ah. Magkatapat lang kasi yung bahay namin kaya madalas bago pa ko magising nandun na siya"
"So never pa siyang nagsleep over"
"Once pa lang"
"Ay!" Malakas na reaction nila at alam ko na agad ang iniisip nila
"Hoy walang ganun"
"Weh?"
"Oo nga, di rin naman intentional yung pagtulog niya, saka nasa balcony kami noon, di niya lang talaga ako maiwan hanggang sa makatulog na siya"
"Nako nako girl"
"Seryoso nga, saka bakit ba andito pa kayo? Anong oras na di ba may mga trabaho kayo?"
"Ay oo nga pala! O siya, alis na kami, eto yung breakfast niyo ni Doc Pogi. Mahirap na baka kung anong mabreakfast niyo" paalam ni Val
"He! Siraulo ka talaga, sige na umalis na kayo, thank you sa pafoods"
Naiwan akong mag isa sa kwarto ng mga isang oras tapos narinig ko nang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Elmo
"Umalis na friends mo?"
"Yup, kanina pa"
"Matagal ba ko? Sorry may inayos lang ako sa admin"
"Okay lang, kumain ka na? May iniwang food sila Val"
"Ah talaga? Tell her thank you" I nodded at him as he sat next to me
"How are you feeling?" He asked
"Better, ikaw?"
"Hm... still in love with you" then he smiled and winked at me
"Aga ng kalokohan, anong oras duty mo?"
"Hm? Wala" sabay ngiti sa akin
"Anong wala?"
"Nagleave ako hanggang next week"
"Ha? Bakit?"
"Aalagaan kita"
"Okay naman ako, saka papasok din naman ako sa trabaho agad"
"Nope, di ko pipirmahan clearance to work mo"
"Moe"
"Saka nakausap ko na si Daddy, next week ka na daw pumasok"
"Ay nako, madaya, gumagamit ka ng super powers"
"Ganun talaga, para makapagpahinga ka naman"
"Pano school?"
"Sem break niyo na po"
"Ha?"
"Di mo alam? Di ba nga sem ender party niyo na dapat this week?"
"Ay oo nga pala"
"See, doctor knows best, kaya pahinga ka lang diyan"
"Speaking of that, but di mo sinasabing doctor ka?"
"Baka kasi masyado kang mapogian sakin yayain mo kong magpakasal"
"Eh.. Moe naman eh" iritang sabi ko
"Ano?" Tumatawang sagot niya
"Bakit nga?"
"Ano... baka kasi maturn off ka?"
"Ha? Okay ka lang? Kelan pa nakakaturn off maging doctor?"
"Hindi, kasi nga di ba, baka matakot kang mawalan ako ng oras sayo, edi mas dehado na ko sayo"
Tumingin ako sa kanya at nakita kong hindi siya nagbibiro "Alam mo, kung may dapat man akong maramdaman ngayon? Yun ay sobrang proud ako sayo"
"Hm?"
"Proud ako sa narating mo" at nginitian ko siya
Hapon na at ilang oras nang nakaupo si Elmo sa couch habang nagfifill up ng charts ng mga pasyente niya bago niya iwan ito dahil sa leave niya
"Busy ka?" Tanong ko sa kanya
Umiling siya ng hindi tumitingin sakin "Kelan ba ko naging busy pagdating sayo?"
"Ano ba yan?"
"Charts ng pasyente"
"Eh bakit dito mo ginagawa"
"Malayo yung lounge, wala kang kasama"
"Kaya ko naman, tapusin mo na muna yan"
"Ayaw po"
"Cute mo para kang bata, doctor ka ba talaga?" Biro ko sa kanya
"Hindi, nagpapanggap lang ako para magpaimpress sayo" sabi niya sabay kindat
"Ay nako"
"Kilig ka?" Tanong niya
"Ewan ko sayo" natawa lang siya at bumalik na sa ginagawa niya
"Moe.."
"Hm?"
"Tagal pa yan?"
"Lapit na po"
"Okay" mahinang sagot ko, tumayo naman siya agad at tinigil ang lahat ng ginagawa niya saka umupo sa kama ko
"What's wrong" tanong niya agad
"Grabeng radar naman yan, what's wrong agad"
"Hey I know you, that face is your I wanna tell you something face"
"Ehhh"
"Ano nga?"
"Pirmahan mo na discharge papers ko?"
"Ayaw"
"Eh bakit? Sige na para makabalik na ko sa trabaho"
"Leave ka nga"
"Hindi pwede, may usapan kami ng daddy mo"
"Anong usapan?"
"Wala" matipid na sagot ko saka ako nanahimik
"You mean the agreement that you work for him with just half a salary to buy your house back?" Lumaki ang mata kong napatingin sa kanya
"Alam mo?"
"Siyempre"
"Pano mo nalaman?"
"Because"
"Ano nga?"
"Because you're you and I'm me"
"Eh ayusin mo yung sagot mo"
"Ahm..."
"May tinatago ka no?" Pagdududa ko sa kanya
"Sasabihin ko naman dapat sayo"
"Oh ngayon na sabihin mo" seryosong sagot ko sa kanya
"I own your house"
"Alam ko, binenta ni Daddy sa family mo yung bahay"
"No, I mean I, me, myself and I, SOLELY, own your house. I bought it with my personal money"
"Ha? Paano? Nasa Australia ka pa noon, saka hindi na tayo nag uusap nung panahong yun"
"Dad called me, told me about what's going on, sabi niya he'll buy it so Tito won't sell it to someone else, atleast pag siya daw he'll give you enough time para mabawi yung bahay"
"So pano naging sayo?"
"I told him I want him out of it, I bought it from Tito through my dad's lawyer"
"So I owe the money to you and not to your dad"
"Ahm... not really?" He's face is weird and crumpled up
"Moe... bakit ganyan yung mukha mo? What did you do?"
"I'll tell you pero bawal kang magreklamo"
"Hindi maganda yung kutob ko sa ganyang statement mo, anong kalokohan na naman ang ginawa mo"
"Promise muna di ka magrereklamo?" Then he squinted his eyes as if he's about to say something I won't like
"Fine. What?" Masungit na sagot ko
"Well legally you own the house" I gave him a look that tells him I don't get him
"I paid for it but had it be transferred under your name"
"Moe!"
"Look I'm sorry I was worried okay? With Tito selling all your properties and dad finding out he's changing accounts under your name to her mistress, I got mad. I don't want you left with nothing so I did what I could"
"Bakit mo ginawa yun? Alam mong ayokong nagiging charity case. Kaya siguro super lakas ng confidence mo pagdating sakin kasi alam mong pag nalaman kong may utang na loob ako sayo hindi ako makakahindi!" I shouted at me with disappointment
"Hey alam mong hindi totoo yan"
"Ah talaga? So ano? Gusto mo lang talagang ipamukha sakin na mapera ka? Na mayaman ka pa rin habang ako pinabayaan na ni Daddy para sa isang babaeng kakakila niya pa lang?"
"I did it because I was protecting you okay"
"Protecting me? What do you know about protecting me when my own parents didn't even know such thing?"
"We can talk about it naman, we can fix it the way you want it"
"Wow so ngayon kinoconsider mo pa talaga ako?"
"Julie what do you want ba?"
"I want you to change that title under your name and get out and sign my damn discharge papers para makahanap na ko ng bahay na lilipatan, yung hindi mo pag aari"
"Jules come on, just calm down muna"
"Just get out"
"Jules"
"Elmo please just get out"
"Look I'm sorry, but there's more to the story that you need to hear okay? I'm here, whenever you need me"
He placed a film on my bed and got up and walked out the door just like I asked
"Day 17" he whispered as he closed the door

 Kaya siguro super lakas ng confidence mo pagdating sakin kasi alam mong pag nalaman kong may utang na loob ako sayo hindi ako makakahindi!" I shouted at me with disappointment"Hey alam mong hindi totoo yan""Ah talaga? So ano? Gusto mo lang talaga...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
History of Ex LoversWhere stories live. Discover now