IX: Priorities

77 4 1
                                    

Maulan ngayon kaya ang sarap sa pakiramdam matulog, weekend pa kaya walang kailangang habulin na oras. Ramdam ko na ang kaunting sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana ko. Pagmulat ng mga mata ko nakita ko si Elmo, nakangiti habang nakatitig sakin
"Good Morning" mahinang bati niya
"Morning" ngiti ko naman sa kanya
"Namiss kita" sabi niya habang nakatitig lang sakin
Last night ang huling kita namin, pero nasa isang linggo na rin kasi siyang busy simula nang magsimula siya sa trabaho. Sinusundo niya pa rin ako sa umaga, pero hindi na kami nakakapag almusal ng magkasama kasi kagagaling niya lang sa trabaho at walang tulog. Susunduin niya ako sa hapon para ihatid sa school pagkatapos ay didiretso na sa ulit siya sa trabaho. Pag uwi ko andun na rin siya, ginagamit niya lagi yung 30-minute break niya para iuwi ako. Hindi ko alam kung anong trabaho niya, lagi niyang sinasabing secret agent daw siya, pinagtatawanan ko na lang at hinahayaan siya.
"Galing kang office?" Tanong ko sa kanya habang bumabangon sa kama. Tumango lang siya at umupo sa sahig ng kwarto ko
"Wag ka diyan di pa ko nagwawalis" habang tinutulak siya patayo "Upo ka na lang sa kama"
"Ayaw madumi ako"
"Sige na okay lang, laundry day ko rin naman, magpapalit akong sheets mamaya" Nakita ko siyang umupo habang papasok naman ako ng bathroom para magtoothbrush "Kumain ka na" tanong ko pero wala akong narinig na sagot galing sa kanya. Pagsilip ko sa kwarto nakita kong nakahiga na siya at mukhang mahimbing na natutulog. Napangiti ako habang hinahawi ko ang buhok niya "Tulog ka muna, pagod ka siguro"
Kinuha ko ang camera and took a picture of sleeping Elmo, napangiti ako, hindi ko alam yung nararamdaman ko, I wrote words on the picture then placed it in my pocket. Sakto namang naramdaman kong gumalaw si Elmo
"Nakatulog ba ko?" He asked with his eyes half open
"Yup"
"Sorry" sabi niya with an apologetic smile
"Okay lang, mukhang pagod ka eh, breakfast tayo?"
"Luluto ka?"
"Gusto mo?"
"Opo"
"Sige sunod ka na sa baba"
Pagbaba ko I started making breakfast, not long after I heard Elmo's footsteps coming near.
"Coffee?" I asked habang inaabot yung mug sa kanya
"Thanks love"
Nagulat ako when he called me love, sinilip ko siya at mukhang hindi niya rin narealize yung sinabi niya, siguro dahil sa antok na rin, binalewala ko na lang yun ng parang wala akong narinig. Niyaya ko siya to have breakfast on the balcony, malamig kasi yung weather kaya masarap tumambay dun
"Ano ba kasing trabaho mo?"
"Secret agent"
"Moe naman"
"Fine, macho dancer" he said jokingly and winked at me "Gusto mo sample?"
Tinawanan ko lang siya and continued drinking my coffee. Bigla ko lang naisip na parang wala na nga akong alam sa buhay ni Elmo kahit araw araw kaming magkasama. Hindi ko alam kung kasal na ba siya at may pamilyang inuuwian sa gabi. Hindi ko alam bakit hindi siya makwento sa personal na buhay niya kasi dati naman open siya sakin. Siguro kasi hindi na kami? Kasi wala nang kami?
"Lalim ng iniisip ah?"
"Ha?"
"Kanina pa ko nagsasalita di ka naman nakikinig" ramdam kong nagtatampo na siya
"Moe, kwento ka"
"Ayoko"
"Bakit?"
"Di ka naman nakikinig"
Lumipat ako sa tabi niya. Usually sa isang araw siya ang nauuna, pero pakiramdam ko ngayon ako naman.
Sumandal ako sa braso niya saka inabot sa kanya yung picture niya

Matagal siyang tumitig habang binabasa niya ito ng nakangiti"Gwapo ko pa rin kahit tulog no?""Kapal" sabi ko sa kanya habang tumatawaNiyakap niya ako at nagulat ako, he moved closer and whispered "Thank you Love"Ngumiti lang ako sa kanya, alam kon...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matagal siyang tumitig habang binabasa niya ito ng nakangiti
"Gwapo ko pa rin kahit tulog no?"
"Kapal" sabi ko sa kanya habang tumatawa
Niyakap niya ako at nagulat ako, he moved closer and whispered "Thank you Love"
Ngumiti lang ako sa kanya, alam kong dapat binawal ko siya sa sinabi niya pero hindi ko magawa dahil gusto ko rin ang pakiramdam na marinig ang salitang binitawan niya
Buong araw si Moe sa bahay, first off niya ito mula sa trabaho niya kaya sinusulit niya raw para makasama ako. Pinagbigyan ko na lang. Pinagluto ko siya buong araw.
Pagkatapos naming maglunch tumambay na kami sa sala at nagsimula na akong magbasa para sa classes ko next week. Si Elmo naman ay naglalaro sa phone niya habang nakahiga ang ulo sa mga hita ko. Hindi na ko nagreklamo sa paglalambing niya, sigurado din naman akong hindi siya magpapasuway
"Jules" tawag niya sakin pero nakafocus ako sa binabasa ko
"Love" tawag niya ulit kaya tinignan ko siya ng masama pero nakangiti lang siya
"Uy"
"Hm?" Ingit ko habang nakafocus pa rin sa librong hawak ko
"San mo gustong magbakasyon?"
"Di pwede may trabaho ako"
"San nga"
"Di nga pwede"
"Kung pwede nga, saan"
"Beach"
"Bakit?"
"Maulan ngayon, walang masyadong tao"
"So?"
"Hindi crowded" Hindi ko siya tinitignan habang sumasagot ako kaya nagulat ako nang kunin niya ang libro at humarap sakin
"Ganyan ka ba talaga sumagot?"
"Moe, may ginagawa ako, marami pa to" Sabi ko at inagaw ang libro sa kamay niya
"So mas importante yan?"
"Syempre" Hindi ko alam kung bakit sumasagot ako ng hindi nag iisip
Nakita kong tumayo at naglakad si Elmo, inayos ang mga gamit niya at nagsuot na ng sapatos. Nakatitig lang ako sa kanya habang hindi naman siya tumitingin sakin
"San ka punta?" Hindi siya sumagot
"Alis ka na?"  Hindi niya pa rin ako sinagot at dumiretso na siya sa pinto palabas
"Ang arte mo" sigaw ko sa kanya habang sinasara niya ang pinto. Hindi ko siya pinigilan, hindi ko rn siya sinundan, hindi naman kami para gawin ko ang mga bagay na yun
Umakyat na ko sa kwarto dahil nawala na rin ako sa mood mag aral. Nakita kong nakaayos na ang bed sheet at napalitan na rin ito ng bago, naalala kong iniwan ko nga pala si Elmo dito kanina habang nagluluto ako. I felt guilty kasi nasungitan ko siya at hindi ko man lang siya binigyan ng oras dahil alam kong talagang nag eeffort siya para makasama lang ako. Pero ayoko naman siyang puntahan sa kanila kasi baka mawili siya at isipin niyang easy to get ako.
Paghiga ko sa kama nakita kong may nakapatong na bulaklak sa bed side table ko. Pag angat ko dito, nahulog ang isang instax photo at naalala kong hindi pa nga pala niya ako naabutan nito ngayong araw. Araw araw may ganito siya, consistent. Pinulot ko ang picture at binasa ang nakasulat

Napangiti ako at mas lalong naguilty sa nangyari kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napangiti ako at mas lalong naguilty sa nangyari kanina. Tinawagan ko yung phone niya pero hindi niya sinasagot. Sinilip ko ang kwarto niya sa balcony at nakita ang mga ilaw, mukhang naglalaro siya. Kinuha ko yung laser pointer sa may desk saka tinuro sa balcony niya. Maya maya nakita ko siyang lumabas at pinakita ko ang phone ko. Bumalik siya sa loob at paglabas niya uli ay tumawag siya
"Hello?"
"Yes?"
"Found the picture you left"
"Hm?"
"Ano ulit yung nakasulat sa dulo?"
"Ha?"
"Di ko kasi mabasa"
"Kaya mo yan"
"Sige kung ayaw mo wag na, Bye" Ibaba ko na sana pero he spoke again
"Jules"
"Hm?"
"Pwede ba kong manligaw ulit?"
"Mm?"
"Okay lang naman kung gusto mo munang pag isipan"
"Moe"
"Hm?"
"Galingan mong manligaw ha?" Tumahimik na siya pero nagngingitian kami mula sa distansya namin
"Jules"
"Hm?"
"Mahal kita"

History of Ex LoversWhere stories live. Discover now