Chapter 17: I can work

316 14 3
                                    

Chapter 17

Dalawang araw ng nakakalipas yung shoot sa Tagaytay. Kahapon nag supermarket kami ni Krissy at di ko inaasahan na makikita ko si Lyn doon. Dahil ilang linggo na kaming hindi nagkikita. Kinausap ko si Krissy kung pwede sumama muna ako kay Lyn. Pumayag siya at naggala gala kami sa Mall. Kwentuhan kami. Sinabi ko sa kanya na nagkaroon na ako ng kapatid, kung bakit ako umalis at kung saan na ako nakatira. Sinabi ko sa kanya ang address namin para kung may kailangan at wala siyang makausap pwede syang pumunta sa akin.

Sinabi ko din na hahanap ako ng sagot sa nangyari sa kanila. Pinapabalik nga niya ako sa kanila pero di na pwede. Lalo na ngayon...

"Krissy alis na ako."

"Sure ka na dyan?"

"Oo naman..." nung nasa Tagaytay kasi kami nagtanong ako kay Louie kung may alam siyang trabaho na pwede kong pasukan. Sabi niya pumunta daw ako sa building ng kompanya nila at bibigyan daw niya ako. Ok na nga sa akin janitress, marangal naman iyon basta kumita ako ng pera. Dala ko din yung resume ko at kung ano pang mga papeles na pinagawa namin ni Krissy noong nakaraan sa Dad ni Isaiah.

Pagkarating ko doon, tinanong ko kung nasaan si Louie at mabilis naman ako nakarating sa office niya.

"Nandito ka na pala"

"Anong trabaho ang mabibigay mo sa akin? Ikaw ba may-ari nito?" umupo ako sa harapan niya kahit di pa niya ako pinapaupo. Bigla na lang talaga nagbago ang tingin ko kay Louie nung nakasama ko siya sa Tagaytay eh. Kaya ganito ako. Ayos naman sa kanya yan. Si Louie pa ba..

"Hindi, Dad ko. Empleyado din ako dito. Patingin nga ng resume mo... Ano ba natapos mo?" binigay ko sa kanya yung folder at binasa naman niya yung mga papel.

"Fine Arts natapos mo tapos okay na sayo janitress? Itatapon mo lang ba pinag-aralan mo?" napakamot ako ng ulo di ko naman kasi alam yan.

"Saan ka ba mahilig?" mahilig ako sa matatamis! Biro lang. Ang kabuhayan namin sa Faylinn ay pananahi.

"Pananahi."

"Ah! Perfect! May friend ako sa Toy Factory dyan sa Mandaluyong kulang daw sila sa mananahi. Gusto mo doon ka na lang mag apply? Kesa dito sayang pinag-aralan mo tapos janitress lang."

"Sige sige!"

"Pero mas malaki ang sweldo dito kesa doon. Doon kasi per day dito per hour."

"Nahirapan na tuloy ako mamili."

"Pero kung ako sayo doon ka na lang kahit contractual lang. Kapag natapos kontrata mo edi balik ka dito haha."

"Sige sige!" basta magkatrabaho ako at magkakapera ako. Ayos sa akin basta marangal.

"Bilis mong pumayag. First time mo ba ito? Ayusin mo na lang uli itong resume mo. Tawagan ko siya na pupunta ka doon. Ok lang ba sayo? Ngayon na?"

"Oo!! Salamat Louie!!" tumayo ako at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

"Ehem..." napalingon kami sa likuran, sa pintuan.

"Caloy..." sambit ko. Anong ginagawa niya dito?

CL's Standpoint

Monday na naman. Maaga na naman ang gising ko para ipagluto ang kapatid ko ng almusal. Babalik na lang ako sa tulog pagkaalis nito. Pinapanuod ko syang kumain. Ang tagal naman. Kahit dalawang araw ng nakakalipas yung shoot lagi pa rin akong puyat kasi ineedit ko yung mga kuha ko.

"Kuya, paabot nito kay Ate Fyglia." may inabot sya sa aking envelope na puti.

"Ano ito?"

"Basta. Iabot mo na lang. Wag mong bubuksan. Tapos ito pala yung address niya..." aba ayos ito. Si Fyglia di sinabi sa akin kung saan siya nakatira pero sa kapatid ko sinabi. Naalala ko na naman yung sa Tagaytay. Ayos sila! Pagtripan ba ako? Napapansin ko din mas close na si Fyglia kay Isaiah at kay Louie din.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon