Chapter 21: Really jealous

311 17 4
                                    

Chapter 21


May humahaplos sa mukha at buhok ko. Pagkamulat ko si Krissy agad ang namataan ko.

"Kamusta na? Okay ka na ba?"

"Huh? Teka..." wala akong maalala. Sumakit ang ulo ko para alalahanin kung anong nangyari kagabi. Totoo ba iyon? May naalala na ako. Sila Isaiah, yung party, sa C.R...

"You passed out. Si Caloy nagsabi sa akin. Hinanap pa niya ako sa dance floor para puntahan ka sa C.R. Mabuti na lang ako tinawag niya dahil for sure mahihimatay ang makakakita sayo doon."

"Bakit?" wala akong maalala pa basta alam ko si Caloy at ako nasa C.R. Teka, ang pangit pakinggan.

"Nakalutang lahat ng gamit doon habang ikaw nakadapa sa bathtub. Grabe talaga Fyglia..." tapos hinimas ni Krissy ang noo niya may napansin ako sa brasong niyang pasa. Hinawakan ko iyon pero mabilis niyang nilayo sa akin.


"Ano yan?"

"Wala. Wag ka ng maglalasing Fyglia. Kung ayaw mong malaman ng iba pa ang sikreto mo. Iba pa naman sila sa atin. Tama ng may dalawang tao ang nakakaalam tungkol sa atin."

May kutob ako na ako ang may kagagawan niyan. Gusto ko pang magtanong pero kita ko sa mukha niya na wala na siyang balak sabihin pa. Ang laki siguro ng perwisyong ginawa ko sa kanya kagabi.


"Pasensya ka na Krissy."

"I think Ciel deserve that apology." bigla niyang sinabi. Sa pagkakatanda ko si Caloy may kasanalan sa akin. Hindi nawala sa utak ko na sinipa niya ang lamesa patungo sa akin.

"Namamaga ang dalawa niyang pisngi. At di lang iyon... ah, siguro puntahan mo na lang siya ng makita mo."


May pasok pala ako!


"Anong oras na Krissy?"

"Ah 9 am."

"Late na ako!!!"

"Gaga. Day-off mo ngayon. Kung di lang inabot sa akin ni Louie yung kontrata mo. Tsk. Siya aalis na ako. Kumain ka na dyan. Puntahan mo din si Ciel."

"Ayoko." tinignan niya ako ng masama.

"I know what happened between the two of you. May naalala ka pa ba bukod sa lamesa slash sipa then you went to the C.R kagabi?" umiling ako.


"-pumunta ka nga doon." tapos tinalikuran na niya ako. Bakit kailangan ko pang pumunta doon? Para malinawan na galit nga talaga siya sa akin? Sige na nga pupunta na ako para makonpronta ko rin. Kumain, naligo at nagbihis ako sa matino kong itsura bago ako pumunta doon.


Nasa gate pa lang ako nariring ko na silang nag-aaway. Namimiss ko na si Lynlyn! Matagal tagal na rin kaming di nakakapag-usap.

"Good for your face ginawa niya sa'yo yan!"

"Anong good for my face? Wag kang kakain nitong niluto ko!"

"Ang sama mo!! Kapatid mo ko! Obligasyon mong pakainin ako niyan!"

"Magtigil ka!"


Baka anong mangyari sa away nung dalawa. Binuksan ko yung gate at nagulat ako nung natigil sila.

"May tao kuya..."

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon