Chapter 14: Fyglia Mortel

369 17 4
                                    

A/N: Dedicated sayo natuwa lang ako sa comments mo sa Cherish You eh. Hope you don't mind ;)

Chapter 14

Propesyonal na nga si Krissy sa kayang trabaho ngayon. May ramp ngayon ang mga clothing line dito sa Resorts World. Nakaupo ako dito malapit sa stage. Mabuti kasama ko si Krissy pakiramdam ko kasi ang mahal ng bayad dito kung gusto mong manuod. 

Panay ang flash ng camera sa mga modelong lumalakad na walang emosyon na may suot na magagarang damit. Sa tuwing lalakad si Krissy ay pumapalakpak ako ng malakas meron ding akong naririnig na sumisigaw sa likod ko na

"Go Krissy, my loves!!!" 

Ang galing niya talaga. Lahat sila. Sa ilang minuto lang kasi kailangan nilang makapagpalit  ng damit tapos lalakad ulit sa stage. Ang mahirap doon yung mga damit nila ay madetalye na kung magkakamalaki ng lakad ay masisira ito tapos ang tataas din ng takong ng sapatos nila. Mabuti ang galing ni Krissy.

"GO Krissy!!!" sigaw ko. Panay ang flash ng mga camera sa mga modelo ng sila ay lumakad na ng sunod sunod. Yung mga tumahi ng damit na sinuot nila ay nagsitayuan na at pumalakpak. Bigla akong kinabahan ng makita ko si Mother sa likod ng mga photographer. Nandito ba si Caloy? 

Tapos nakita ko si Kaylee  nakaupo pala siya dito sa harap. Hindi naman niya ako napansin kasi madilim na sa lugar ko bali yung stage lang talaga yung may ilaw tapos yung mga camera na panay flash.

Pinuntahan ko agad si Krissy sa backstage pwede naman kasi ako pumunta dito kasi sinabi naman ni Krissy na kasama niya ako. Grabe nagkakagulo sila panay ang yakapan at sigawan nila pagkapasok ko.

"Krissy ang galing mo!" bati ko agad sa kanya. Tinutulungan siya nung bakla na hubarin yung damit niya. 

"Thanks Fyglia... wait lang ha"

Pagkatapos niyang makapag-ayos di agad kami umalis kasi may picturan pa silang ginawa ng mga kamodelo niya. May biglang tumabi sa akin,

"Bakit di ka sumali sa kanila?" tinignan ko siya at kung di ako nagkakamali ay modelo din siya dito. Base sa kisig ng katawan niya at may itsura siya...

"Hindi naman ako modelo sinamahan ko lang si Krissy..." 

"You look familiar.." tapos nag-isip siya. "-ah! I remember you! Ikaw yung—"

"Stop it Joe, you're flirting with her.." biglang dumating si Krissy at hinatak na ako palayo kay Joe daw. Nakasimpleng damit na siya ngayon. Sumunod ako sa kanya papunta sa parking lot. Ang galing ni Krissy sa ilang taon na nandito siya sa mundong ito ay nakapag pundar na siya. Sana ako din...

Maganda nga rin siguro ang pagmomodelo. Grabe nga kanina pahirapan palang gisingin si Krissy kaya siguro nagpagising siya sa akin. Natuwa naman siya sa pagkaing hinaing ko. Salad ulit pero iba naman sa ginawa niya kagabi. Bago kami pumunta dito gusto ko siyang tanungin tungkol kay Caloy. Nabanggit niya kasi sa akin kagabi.

Pero naisip ko pagkatapos na lang ng ramp.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Kay Attorney... okay lang ba sa'yo magpapanggap tayong magkapatid sa mundong ito? Sabi kasi sa akin ni attorney kagabi yun na lang ang madaling remedy na kaya niyang gawin sa atin. Nagpagawa kasi ako sa kanya last last year ng fake birth certificate ko tapos diplomas na nag-aral ako sa mga ganyan. " 

"Oo naman. Pero Krissy hindi kita agad mababayaran sa mga ito. Sana mahintay mo ako pangako pagnakatrabaho na ako babayaran kita ng paunti-unti." ngumiti na lang siya sa akin tapos naramdaman ko na mas bumilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila Isaiah!

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon