Chapter 2: Cosplayer

739 35 3
                                    

Chapter 2

Paulit-ulit na nag p-play sa utak ko yung kataga ng loka lokang si Fyglia. Kasintahan ko daw siya... Tch! Ano ba naman ito? Pasalamat na lang talaga ako at hindi naman siya kasama. Naku, mawawalan na ako ng loob na ligawan pa siya. Pero hindi pa din talaga good thing na sinabi niya iyon lalo na sa mga kaibigan ko.

Grabe wala silang tigil sa pang-aasar sa akin. Badtrip! Sumama pa kasi itong Fyglia na ito pauwi. Ano ito titira siya sa amin? Hayss.

"Taga saan ka Ms. Fyglia?" tanong ni Miguel na walang hiya.

"Nakatira ako sa Faylinn." sagot niya, nung tignan ko yung mukha ni Miguel. Nakakunot ang noo nito at hindi magets ang ibig sabihin ni Fyglia.

"Ah, saan iyon?" singit naman ni Patrick. Nakasakay kami ngayon sa Van ni Isaiah at nasa front seat si Louie at kami nila Fyglia at Miguel dito sa backseat. Peste!

Tinignan ko si Fyglia at mukhang nag-iisip siya.

"Manahimik na nga kayo, mga peste kayo iniwan nyo ako.." sabi ko na lang

"Uyy si Caloy nagtatampo.. Ok lang yan may chicks ka naman na uwi eh"

"Oh shut up!" tapos sumandal na ako sa bintana. Mabuti dito ako nakapwesto at nasa gitna namin si Fyglia baka bugbog sarado na itong si Miguel sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng katabi ko pero hindi ko siya sinagot. Nababadtrip talaga ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya na Fairy daw siya. Wala namang ganoon eh! Sa libro at palabas lang iyon nag e-exist! Pero hindi ko pa rin maiwasan magduda sa mga nakita ko kanina. Hayss, sumasakit ang ulo ko dito!

Kailangan ko ng makauwi, paniguradong patay na naman ako sa kapatid ko nito. Baka wala pang hapunan iyon.. Kasi naman hindi matutong magluto eh, laging umaasa sa akin.

"Lalim ng iniisip mo pare ah" napatingin ako sa rareview mirror at tinignan ko si Isaiah. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "-nagtext sa akin kapatid mo, sabihin ko daw sayo. Wala ka daw kwentang kuya. Nakikain na lang daw siya sa kapit-bahay"

"Hayss, kapal talaga ng mukha" sabi ko. Kainis talaga yang Lynlyn na yan. Pero wala akong magagawa. Gumimik ako kaysa intindihin ang kapatid ko. Eh kung hindi lang ba kami iniwan ng mga magulang namin hindi sana magkakaganito. Gusto ko pang mag-aral pero wala eh, kailangan ko ng mag trabaho at rumaket para may gagastusin kami ng kapatid ko araw-araw. Mabuti na lang talaga at scholar siya sa pinapasukan niya. Dahil patay talaga kami nito.. Hindi kaya ng sweldo ko magpaaral.

"Saan ang bahay mo Fyglia?" tanong ni Louie

"Napag desisyunan namin ni CL na magsama na sa iisang bahay.."

"WOAH!" sigaw ng apat. Bigla akong napatingin kay Fyglia at nakangiti siyang nakatingin sa mga kaibigan ko. Napahampas na lang ako sa noo sabay sabunot ng buhok ko. Peste may dumagdag pa sa palamunin ko. Anong gagawin ko sa babaeng ito? Leche lang!

Nakarating na kami sa bahay habang itong loka loka na kasama ko tinitignan ang bahay namin.

"Ang ganda naman ng tirahan nyo."

"Tch" tapos pumasok na ako sa loob. Baka panget kamo, hindi kaya matiis ng mga kaibigan ko ang liit ng espasyo ng bahay namin kaya paanong naging maganda ang bahay namin? Derederecho lang ako sa loob at binuksan ko ang ilaw.

Hindi pa rin umuuwi ang magaling kong kapatid. Umupo naman sa sofa itong si Fyglia.

"Saan ang tulugan ko?" inirapan ko sya at dumerecho sa kusina para uminom ng tubig. Kitang ang liit ng bahay na ito naghanap pa ng sariling kwarto. Siksikan na nga kami ni LynLyn sa higaan dahil iisa lang ang kwarto dito.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon