Chapter 13: Abandoned

299 18 1
                                    

Chapter 13


Fyglia's Standpoint


Kilala ko na yung babae na katabi ko kanina. Nagmadali akong lumabas ng sasakyan at umaasa na mahahabol ko pa siya. May magkakaibigan ako na nakasalubong. Sana kilala nila iyon... Pero paano ko sila tatanungin... Paano ba makipag usap dito sa mundong ito? 


"Teka—" tawag ko lumingon naman agad sila sa akin. Tinaasan nila ako ng kilay.

"Napansin niyo ba yung babaeng morena, na bilugan ang mata tapos kulay asul ang damit na hanggang dito ang haba ng palda at paganito ang istilo?" minuwestra ko yung hugis ng damit sa bandang itaas. 


"Nose bleed." 

"I think we know her." sagot nung isa.

"Krissy Mortel." 


"Uhm alam niyo ba kung saan siya nakatira?" tanong ko na nag aalangan. Masyadong personal itong tanong ko. Umiling agad sila.

"Salamat..." dagdag ko.

"But you may try to ask some boys inside. She's a popular model."

"Okay. Salamat talaga." ginawa ko yung sinabi niya. Pumasok ulit ako sa bar at nakita ko sila Louie na busy sa pakikipag-usap sa iba't-ibang babae. Nakita ko ulit yung lalaking nagtatanong sa akin kanina kung may kasama ako. Nilapitan ko siya... kinalbit.


"Hey..." pagewang gewang siyang humarap sa akin. Naparami na ata siya.

"Kilala mo ba si Krissy Mortel?" 

"Whaaaat?!" lumapit siya sa akin at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Kahit naaasiwa ako sa paglapit niya sa akin, hinayaan ko na lang. Malakas din kasi ang tugtog.

"Kilala mo ba si Krissy Mortel?"

"Ah yeah, why?"

"Alam mo kung san siya nakatira?" lumayo siya sa akin at nginitian ako. Tapos nag-isip siya ng siguro mga sampung segundo. 

"Sun Residences..." tapos tinalikuran na niya ako dahil may babaeng lumapit sa kanya. Okay, Sun Residences. Bakit kaya niya alam? Pero paano ako makakapunta doon? Wala akong pera. Bigla akong may napansin na asul na papel sa lamesa na dapat na uupuan ko kanina pero di ko tinuloy dahil may magkasintahan. 


Umupo ako doon at tinititigan ko yung asul na papel. Kailangan ko ito. Pero kung kukunin ko ito kahit di naman sa akin. Masama iyon. Gagamitin ko na lang ang lakas ko. Maghahanap ako ng mga bulaklak. 


Lumabas ako ng bar at naglakad lakad. Umaasa na makakakita ako ng bulaklak. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin. Kaya ko pa ito. Makakahanap din ako. May mga ilan akong nakasalubong na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Napapikit na lang ako ng mata. 


Iba talaga sa mundong ito.


Ito na rin ang pinili ko kaya dapat harapin ko ito. Hindi ko na siya gagamitin sa misyon ko. Alam ko may paraan pa. Bigla kong may nakitang iilang bulaklak sa gilid ng isang kainan. Maraming tao sa loob nito. Siguro naman di ako mapapansin na kukuha dito. Mabilis akong lumapit sa mga bulaklak at kumuha ng madami na sa palagay ko ay kayang mapabalik ng lakas ko.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon