Part 6

16.1K 374 41
                                    

PART VI



VOTE


COMMENT


RECOMMEND


MARAMING SALAMAT


MUAH MUAH TSUP TSUP


SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS




XIV

Gabi na ng umuwi silang dalawa mula sa bahay ng kapatid ni Migz na si Matt, nakapaghapunan narin silang magkaripan sa bahay ng mga ito, tinulungan pa niyang maghanda ng hapunan nila si Graciella na agad niyang nakapalagayang loob, hindi mahirap pakisamahan ang babae, hindi nga lang ito ganoon kadaldal kagaya niya pero hindi rin naman ito tahimik, palagi lang itong matamis na nakangiti sa kanilang lahat lalo na sa asawa at sa anak nito, napakamalumanay rin nitong magsalita.

Agad na pumasok sa banyo si Migz dahil init na init daw ang pakiramdam nito, dahil talaga namang maalinsangan ang panahon. Hinayaan nalang niya ito, hinarap niya ang kanyang computer, gaya ng sabi niya kanina ay gusto niyang mag research tungkol sa katipan.

Nagbabasa siya ng iba’t ibang article tungkol dito sa ilang society pages na meron sa internet, pero palaging pahapyaw lang at ang mas focus ay ang kapatid nitong si Matt, pero may nahigilap ang mata niya. “Migz de Angelo getting married” yun ang title. Binasa niya ang article.

“The oldest heir is getting married to an unknown woman, sounds like a fairytale isn’t it? So let’s see some of the Wedding preparations…” patuloy ang pagbabasang ginawa niya, nang matapos ay nanlalambot na sumandal siya sa sandalan ng kanyang kinauupuan, nakita niya ang date kung kailan na i-post ang balita, June 2012 pa iyon, mga ilang buwan na rin ang nakakalipas, hindi nakalagay dito kung kailan ang kasal.

Niloloko lang ba siya ni Migz? Is she his mistress? Ayaw niyang isipin ang bagay na iyon pero hindi niya mapigilan, ayaw man niyang aminin ay parang nagkapira-piraso ang kanyang puso. Umaasa pa naman siyang si Migz na ang lalaking para sa kanya, goodness, she’s not getting any younger, kailangan na rin talaga niyang humanap ng mapapangasawa pero nang inakala niyang nahanap na niya ang lalaking para sa kanya ay palagay niya ay nagkamali siya. Hindi si Migz iyon, pag aari na ng ibang babae si Migz. Hindi sila ang para sa isa’t isa.

Sa gitna ng kanyang pag iisip ay bumukas ang pintuan ng banyo kung saan ay iniluwa noon si Migz. Nakatapis lamang ang tuwalya sa baywang nito na siya lamang sa palagay niya ay nagtataklob sa kahubdan nito, nanuyong bigla ang lalamunan niya pagkakita dito, hindi maikakaila ang naghuhumiyaw na kakisigan nito. Ipinilig niya ang ulo, hindi dapat niya pinapansin ang kakisigan at ang kagwapuhan nito, mayroon siyang dapat linawin dito at dapat na masinsinan nilang pag usapan na dalawa.

“Hey babe, you look serious” sabi nito na nagpalakad lakad sa harap niya na para bang modelo.

Naiinis siya sa iniaasal nito, bakit ba napaka kalmado nito samantalang masama na ang timplada niya.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon