Part 12

11.4K 280 28
                                    

Part XII

 VOTE

COMMENT

RECOMMEND

SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS

XXXVII

Kanina pa nila tinatawagan si Bridgette pero hanggang ngayon ay di parin nito sinasagot ang kahit isa sa mga tawag nila. Nag paalam lang ito na lalabas saglit at kanina pang tanghali yon, alas otso na at di parin ito umuuwi, nag aalala na silang lahat dito.

“Ma, I should probably look for her” He suggested.

“Talaga yong si Bridgette! Pinasasakit ng batang yon ang ulo ko, tawagan mo muna ulit, baka pauwi na rin yon, madalas na ginagabi ang batang yon, sandali, tawagan mo si Nathalie o si Eliss pati na si Chase, ang mga yon ang palaging kasama niya” Ibinigay nito sa kanya ang cellphone nito. “Hanapin mo dyan ang number ng mga batang yon” Utos nito sa kanya na agad niyang ginawa.

“I don’t know any of her friends” komento niya habang hinahanap ang mga pangalan ng mga ito sa contacts.

“Palagi ka kasing wala hijo, si Matt ang may kilala sa mga yan”sabi lang nito at tinalikuran na siya. Inisa – isa na niyang tawagan ang mga ito, nauna niyang tawagan si Chase daw.

“Hello? Tita?”

“Ah, hey, this is Bridge’s brother” parang ang awkward ng pakiramdam niya bigla, but hell nasaan na ba kasi ang kapatid niyang iyon.

“ah, kuya Matt?”

“the other one”

“oh, kuya Migz? Ano po yon?”

“I’m just gonna ask if my sister is with you or do you have any idea where Bridge is?”

“ah, wala po eh, di po kami nagkita ngayong araw, tanong niyo nalang po kila Eliss, baka po sila ang kasama”

“I see, thanks, can you call me in case she called or text you?”

“Sige po, walang problema”

Agad niyang pinutol ang tawag at idi-nial naman agad niya ang number ni Eliss.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon