Part 7

14.7K 369 41
                                    

Part VII

 VOTE


COMMENT


RECOMMEND


SALAMAT NG MARAMI


MUAH MUAH TSUP TSUP


SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS






XVIII

 

 

Umuwi siya ng bahay ng matamlay, alam niyang wala na siyang dadatnan pang Migz sa bahay niya, bumuntong hiniga siya, kaya naman niya to alam niya, makaka move on din siyang kaagad mula sa pagkakabaon ng puso niya sa pagmamahal dito.

Kakalabas niya lang ng elevator at naglalakad sa pasilyo nang may mapansin siyang mga taong nasa labas ng bahay niya, kumabog ang dibdib niya, si Migz ba yong lalaking nakatalikod? At sino ang kasama niyang babae? Eto na ba ang fiancée nito?

Hindi siya nagsalita at dumerecho lang siya papunta sa pintuan niya.

“excuse me” tipid na sabi niya sa dalawang tao na nakatayo sa labas ng bahay niya.

Sabay pa ang paglingon na ginawa ng dalawang ito.

“Hey! Aya, it’s nice to see you again” sabi ng lalaki na si Matt de Angelo, mali pala ang akala niyang si Migz ito.

“Hi Ate Aya” sabi naman ng babae na kasama nito. Nakakunot siyang tumingin dito “ako nga pala si Bridgette, Bridge nalang itawag mo sakin” nakangiting sabi nito sa kanya.

So ang mga kapatid pala ng dati niyang kasintahan ang narito ngayon sa harap ng bahay niya, ano naman ang pakay ng dalawang ito sa kanya?

Marahan niyang binuksan ang pintuan niya at pinapasok ang dalawa.

“Maupo muna kayo, drinks lang ang maii-offer ko sa inyo, so orange juice, pineapple juice or water?” tanong niya sa mga ito.

“si Kuya Migz, mahilig sa pineapple juice, pero ako mas gusto ko ang orange juice kaya orange juice nalang sakin Ate Aya” sabi ni Bridgette sa kanya, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya nang marinig ang pangalan ng dating kasintahan at ang bagay na tungkol dito, napapansin niya rin na mahilig ito sa pineapple juice, sa katunayan nga ay ito ang bumili ng pineapple juice na ngayon ay nasa fridge niya, mas prefer naman kasi niya ang orange juice, parang gusto niyang maluha sa ala-ala ni Migz, namimiss na niya talaga ito kahit isang araw palang naman silang nag hihiwalay.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon