Part 11

11.8K 263 14
                                    

Part XI

VOTE

COMMENT

RECOMMEND

THANKS NG MARAMI

MUAH MUAH TSUP TSUP

SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS

XXXII

 

She received a call from Bridgette this morning, na talaga namang ikinagulat niya.

“Ate? Good morning, uhm available ka ba ngayong tanghali?” Bridgette asked.

“yeah, wala naman akong gagawin, bakit?” sagot niya rito.

“eh kasi, ate, kailangan ko kasi ng makakausap eh, hindi ko naman makausap sila kuya kasi it’s a girl thing, ayoko rin naman abalahin si Ate Grace kasi aasarin lang ako ni Kuya Matt, baka palayasin pa ko non sa bahay nila, sabihin niya nanggugulo lang ako, tapos busy naman mga friends ko, kaya ayon, naisipan kong tawagan ka.”

“oh, okay, walang problema sakin”

“yes! Ate, I’ll see you later ha, punta nalang ako dyan sa bahay mo ha, tapos saka nalang tayo mag decide kung saan tayo pupunta, okay?” excited na sabi ni Bridgette sa kanya, napangiti nalang siya.

“yes dear, no problem, I’ll see you soon, keep safe.” And she hangs up.

Naupo siya sa sofa at nagsimula na naman siyang mag isip, naalala na naman niya si Migz, hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung nasaan ito at hindi niya alam kung alam ba nila Bridgette kung nasaan ito, ayaw naman niyang mag tanong ng kahit anong detalye sa mga ito tungkol kay Migz.

Hinaplos niya ang tiyan niyang hindi pa naman nahahalata at palagay niya ay matagal tagal pa bago mahalata iyon.

Lalaking walang ama yata ang anak niya.

Naramdaman na naman niya ang paghapdi ng mata niya, iiyak na naman ba siya? Pagod na pagod na siyang umiyak, masyadong maraming luha na ang pumatak mula sa mga mata niya para kay Migz, bakit ba kasi ganito niya kamahal ang lalaking yon? Naiinis na siya sa sarili niya. Nagpapakatanga na siya. Inunahan na niyang pawiin ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata, ayaw niyang Makita siya ni Bridgette na namumugto ang mata mamaya.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang banyo.

XXXIII

 

Tumigil yata ang pag tibok ng puso niya ng marinig niyang sinabi ni Bridgette na makikipag kita it okay Aya.

His Aya.

Kahit air-conditioned ang buong silid sa ospital na inuukopa nila ay pinapawis siya dahil lang sa pagkakarinig sa pangala nito, ngali-ngali niyang bumuntot kay Bridgette Makita lang si Aya pero pinigilan niya ang sarili, hindi pa ito ang tamang pagkakataon upang magkita silang dalawa ni Aya.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon