Part 15

17.8K 406 83
                                    

Part XV

VOTE

COMMENT

RECOMMEND

THANKS A BUNCH

SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS.

XLIX

Bumalik na siya sa loob ng ospital matapos makausap si Kat, he felt good after talking to her, they already settle things out, they closed their book.

Wala si Aya at si Bridgette pagpasok niya sa kwarto ng tatay niya, lumabas daw ang mga ito para may bilhin. Naroon naman ang mag asawang si Matt at Grace kasama ang anak na si Maddison.

Sa ngayon, halos magaganda ang mga nangyayari at ikinatutuwa niya yon, gising rin ang kanyang ama na masama ang tingin sa kanya pero nginitian niya ito. Sinenyasan siya nito na lumapit dito, may palagay siyang mahaba – habang sermon ang aabutin niya. Pero okay lang yon, pagkatapos naman non eh alam niyang okay na sila.

“Sorry dad” inunahan na agad niya ito.

“pag gumaling na ako ng tuluyan dito, humanda ka saking bata ka, makakatikim ka sakin” banta sa kanya ng tatay niya na tinawanan nilang lahat.

“so, let the sermon begin?” sabi ni Matt mula sa likuran niya.

“Hindi pwede, saka na yang sermon nay an, ipagpapaliban na muna natin yan para sa ikakagaling ng tatay niyo” sabat ng mom nila sa kanila.

“Aw! Sayang naman, Ma, tawagan niyo ako pag sesermonan na si Migz ha, manunuod ako” pagkatapos sabihin ni Matt yon ay nakita naming kinutusan siya ni Grace, hindi ko napigilan ang tawa ko.

“Anyway, mom, dad, Matt, I have something to tell you”

“Ano yon?” tatay niya ang sumagot para sa lahat

“I want to marry Aya”  di na siya nagpatumpik – tumpik pa.

“Congratulations!” si Matt. Napatayo naman ang nanay niya at agad siyang niyakap.

“Congratulations Migz” matamis na pagkakangiti ni Grace sa kanya.

“Well, nag propose ka na ba?” tanong ng tatay niya.

“Hindi pa nga eh, but don’t worry, I will, soon.”

“very well, I want to see her now, magkakaapo nap ala ako sayo, mabuti naman, akala ko eh di na ako magkakaapo sayo” nahiga na ulit ang dad nila matapos sabihin yon, nakangiti ito sa kanya.

“Dad, sa gwapo mong yan, syempre gwapo rin mga anak mo, isa pa, sa tindi ng kamandag mo, ganun din kaming mga anak mo, magkakaanak ako.” Yabang niya.

“may sinabi ding tama si Migz dad” si Matt.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon