Part 3

22.8K 496 64
                                    

Part III


VOTE


COMMENT


RECOMMEND


SALAMAT NG MARAMI


MUAH MUAH TSUP TSUP


SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS 


BOINK





VI

Hindi mapaniwalaan ni Migz ang mga sinabi niya kay Aya.

Inaya niya itong maging girlfriend nya ng ganun ganun nalang.

Ang bilis ng mga pangyayari pero nararamdaman niya ang kasiyahan sa kanyang damdamin dahil sa mga ginagawa at sinasabi niya.

Pero talagang Masaya siya sa nangyari.

At natatawa pa rin siya sa ekspresyon ng mukha ni Aya kapag naalala niya ang kung paano ito nag react sa mga sinabi niya dito.

““then get to know me tsaka sige, from now on, boyfriend mo na ko, single ka naman diba?” idineklara na niyang agad dito na girlfriend na nya ito bago pa man niya itanong ang status nito.

At hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan ng tumango ito bilang pag sagot ng oo sa kanya.

“good, single din ako, pero hindi na ngayon” matatag na pagkakasabi niya rito at saka ito hinalikan, hindi na talaga niya maintindihan ang sarili pero Masaya siya sa mga ginagawa niya.

At ngayon nga ay ihahatid niya ito sa trabaho, kahit sa unang araw nila na mag kasintahan ay inaaway na siya nito dahil sya raw ang dahilan kung bakit ngayon ay late na late na ito, lalo pa itong nagalit dahil nung nakaraang araw ay sya rin ang araw kung bakit naaatrasado ang trabaho, pero nginingitian niya lang ito dahil talaga namang naaliw siyang pagmasdan ang gusot nitong mukha.

“Gusto mo ako magpaliwanag sa kanila kung bakit ka late?” alok niya rito.

“Ano namang gagawin mo don?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

The UsedWhere stories live. Discover now