Part 2

25.6K 597 105
                                    

PART II



VOTE


COMMENT


RECOMMEND


SALAMAT NG MARAMI


MUAH MUAH TSUP TSUP


SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS





IV

“Hey, mauna na ako sa’yo, late na kasi eh, besides maaga pa ako bukas” paalam ni Aya sa kanya habang nasa kalagitnaan siya ng pag ubos sa natitirang blueberry cheesecake niya, pero ayaw niyang sa ganoon nalang sila magkahiwalay ni Aya kaya nama itinigil niya ang pag kain at tumayo na rin.

“Ihahatid na kita” alok niyang agad dito.

“naku, wag na, malapit lang naman yung tinutuluyan ko rito eh” sagot sa kanya nito, pero hindi talaga siya makakapayag na basta nalang ganun ang mangyari.

“yun na nga, malapit lang naman pala dito ang tinutuluyan mo eh, kaya mabuti na rin na ihatid na kita” agad niyang buwelta rito.

“hmmp, sige na nga, papayag na ako, total kaibigan na naman kita ngayon, tama ako diba?” nakangiting sabi nito sa kanya.

Bilang sagot dito ay ngumiti rin siya at marahang tumango.

“sayang yung blueberry cheesecake mo, ubusin mo na muna” sabi nito sa kanya, dahilan para isubo niyang lahat ang natitirang blueberry cheesecake sa plato niya.

Punong puno tuloy ang bibig niya ngayon, dahilan upang ikatawa ito ng babae, gusto niya na rin tuloy matawa pero pinigil niya dahil lalo siyang magmumukhang tanga.

“Pasensya ka na talaga dun sa kanina” hinging paumanhin niyang muli dito

“Ano ka ba Migz, tutal ikaw naman ang sasagot sa gastos kaya wala na yun sakin ngayon.

“You’re funny” sabi nalang niya rito

May kakaiba talaga sa babaeng ito, hindi niya alam kung ano man yon pero agad kasi ay parang lumiwanag ang madilim niyang mundo.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon