Together Again [2]

7.7K 139 23
                                    

Chapter 2

Parang nagtigil ang pagikot ng mundo, pati ang pagtibok ng dalawang puso.

Hindi makapaniwala si Ivan sa nakikita niya ngayon. Para siyang binuhusan ng yelo at hindi makagalaw. Hindi niya inalis ang tingin niya sa dalaga, ni kumurap di niya nagawa. Sinisigurado niyang si Hanikka nga ang nasa harap niya.

This must be a dream. Sabi niya sa sarili pero napatunayan niyang totoo ito nung magsalita ang dalaga.

"H-hi." all she can say. Expected na ni Eka na sa pagbabalik niya, magkikita ulit silang dalawa, pero hindi ganito kabilis. Sa totoo lang hindi pa siya handang makita ito pero heto na, magkaharap na sila.

Ilang segundo ulit silang nagkatitigan. Feeling nilang dalawa parang may gusto silang gawin pero parehas silang hindi makagalaw na parang nastuned sa presence ng isa't isa.

Narealize ng dalaga na mukha na silang ewan sa pinto kaya naman nagsalita ulit siya.

"Come in" she manage to compose herself as if everything's normal.

Dun na din natauhan si Ivan. "Thanks" napayuko ito at tuluyan ng pumasok sa loob. Inilapag niya yung bitbit niyang mga inumin sa may center table. When he turn around, parehas silang dalawa na napaatras sa sobrang pagkagulat na parang may multo lang na biglang sumulpot. Kahit sinong makakita sa kanila ay matatawa dahil sa wierd na ikinikilos nila, but as for them, puno ng 'that awkward moment' ang paligid.

"Uhm nasa likod yung ibang boys." si Eka ulit ang nagsalita. Sa totoo lang, kung hindi sila magkakilala siguro kanina pa ito tawa ng tawa dahil ang wiwierd nila.

"Si-sige. Thanks" Umiwas ito ng tingin at tsaka naglakad papunta sa may kusina. Pero imbis na tumuloy siya kung nasan ang ibang boys, sa banyo siya pumunta. Tinawag pa nga siya ng girls pero hindi niya ito pinansin.

Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala. Si Hanikka nga yung nakaharap niya kanina. Hindi niya alam pero parang gusto niyang matunaw sa kahihiyan nung makita niya ito. Kahihiyan hindi lang dahil sa kanina kundi sa lahat ng nangyari. Naiinis siya sa sarili dahil natameme siya, nawalan siya ng lakas ng loob, at parang naduwag. Nanatili siya sa loob ng banyo hanggang sa kumalma siya at maging normal yung bilis ng tibok ng puso niya.

Sa kabilang dako, sa loob ng isang kwarto ay may massacre na na nangyayari.

"You @ss! Bakit mo siya pinapunta dito?? Ha!" mahina niyang sigaw dito habang hinahampas si Zed ng bag niya.

"Ahhh! Ahh-AhhOuch! A-akala ko ba nakamove on ka na? Ahhh." patuloy parin ang paghampas ng bag sa kanya.

"Eh di pa nga ako ready na makita siya eh. Leche ka! Aaarrgghh!" out of frustration, napaupo nalang siya sa kama.

"Ok lang yan Hani, mas mabuti ng ngayon mo na siya harapin kesa patatagalin mo pa." ginulo nito ang buhok ng dalaga na parang bata tsaka siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Mula sa pagkakaupo, she laid the half of her body off to bed. Hindi niya alam kung anu na ang nararamdaman niya. Halo halong emosyon ang nangibabaw sa kanya after seeing him.

Bigla niyang naalala yung tanong ni Arvin kanina.

"Pag bumalik kaya yung girl at nagkita ulit sila, you think patatawarin niya yung guy?"

Ang sabi niya sa sarili niya nakamove on na siya sa mga nangyari. Pero nung makita niya si Ivan? Nagkaroon ng confussions. Not because she still has feelings for him. Definitely not! Dahil kung itatanong sa kanya mismo ang tanong ng binata, hindi niya alam ang isasagot niya.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon