Together Again [9]

5K 110 34
                                    

Chapter 9

Yung totoo? Buong gabi ba ko mao-OP dito?

Magkakatabi ang tatlong love birds, Bea obviously with Zai, Mimi and Sid, Kaylie and Rye. Habang yung mga natitirang boys have their own circle. Katabi ko si Kaylie at kahit papano kinakausap naman niya ko. Magkakasama kami sa iisang table but I feel like I don't belong.

Then it come up to my head,  saming apat dati ako yung may ka 'couple', ngayon ako na lang yung single. And with that thought, hindi ko namalayang kinuha ko yung isang large mug na puno ng beer and without thinking, ininom ko 'yun hanggang sa maubos. Agad kong naramdaman ko yung sama ng epekto ng beer sa lalamunan at tyan ko pati na rin sa ulo ko.

Pagkalapag ko ng  mug sa table, nakita ko silang lahat na nakatingin sakin.

"What?" tanong ko sa kanila na parang hindi makapaniwala na uminom ako ng beer.

"Anong what? Ginawa mong tubig yung beer!" sabi ni Mimi.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kaylie na katabi ko. Napatingin ako sa kanilang lahat na nakatingin parin sakin, then my eyes stopped at him na nakaupo next to Elmer na nasa tapat ko. I can see the concern and agony in his eyes pero hindi ko nalang pinansin at iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Yeah." Sagot ko. Sumandal ako sa upuan ng maramdaman ko yung ulo ko na parang hinead bang dala ng beer na ininom ko. At feeling ko, kapag gumalaw pa ko, in no time, i'm really gonna throw up.

"Lasing na yan." rinig kong sabi ni Bea. Shit! Ayoko ko ng igalaw ang mga mata ko dahil parang umiikot ang paligid ko. But still, pinilit ko pa rin dahil ayokong magpahalatang malakas yung tama sakin. I rested my head para hindi lumalala yung pgkahilo ko.

"Really Bea, just leave me alone. Jan ka na sa Zai mo." pabiro kong sabi.

"May naalala ako, two years ago." Sabi ni Mimi. "Nung nandun tayong apat sa condo nila Kay, nag-inuman tayo nun at si Hanikka ang unang bumagsak."

"Ah! Yun ba yung..." nakatingin sakin si Bea, Mimi at Kaylie habang nakangiti ng pang-asar. Hindi ko maalala yung sinasabi nila at ayoko ng alalahanin dahil sumasakit na yung ulo ko.

"Teka, yun ba yung tumawag si Elmer at pinasundo kayo?" Sid

"Eh bagsak din naman kayo nun eh! Hahaha!" Zai

"Atleast hindi ako yung una." Bea

"Eh pano, tinulugan ka na namin ni Kaylie nun, nagkunwari kaming lasing na para tumigil ka na sa pag-inom." Mimi

"Kaya ikaw Zai, bantay-bantayan mo yang si Bea, hindi pa naman nagpapaawat yan." Kaylie

"Bakit sila nalasing nun?" Hindi ko alam kung si Brent or Zed ang nagtanong.

"Well, may pinagdadaanan kasi yung kaibigan namin nung mga panahong yun." Bea

"Dinadamayan lang namin." Sabi ni Mimi habang nakatingin silang tatlo sakin.

Tapos bigla ko nalang naalala, "Ah, that time I got so pissed and jealous because of the bitches wandering around Ivan. And that's when I realized that I fell in love with him."

And before I knew it, I spilled out loud through my talkative mouth what was supposed to be in my head. Awkwardness breaks into our table at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tingin nila sakin. I heard someone cleared his throat. Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano.

Pinilit ko ang sariling hindi tumingin sa direksyon niya, but in my peripheral view I know he's staring at me at pakiramdam ko malulunod at matutunaw ako.

Gosh! Feeling ko lalo akong nahihilo. And the next thing I know, umiinom nanaman ako ng beer . Shit brick! This is insane! I am insane.

Nakita ko ulit yung tingin nila sakin, this time full of concern and worry. Pero may nakikita pa ko, awa. Nakikita ko ang awa sa mga tingin nila. Alam kong aware sila sa kung anong nangyayari, sa kung anong problema at alam ko ring nag-eefort sila na hindi yun mabrought up sa harap ko o sa saming dalawa.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon