Together Again [8]

4.9K 88 18
                                    

Chapter 8

Akalain mo nga naman, akala ko tatagal ako sa ganung set-up. Nakakatawa, nakita ko lang yung baby shoes na binili niya para sa anak niya ganun na naging reaksyon ko, paano nalang kaya kung nakita ko na siya na karga-karga mismo yung anak niya, kasama yung evil-bitch na yun? Baka kung ano nalang magawa ko.

Napabuntong-hininga ako at napatungo sa desk. Ano ba namang buhay 'to! Nakakasira ng ulo.

Maya-maya dumating na yung prof at pakiramdam ko isang taon ang lumipas bago natapos ang discussion niya. Pagdismiss ng prof, napatungo ulit ako sa desk. Hindi ko alam, pero ayaw kong gumalaw sa kinauupuan ko o makita ang kahit sino. Nanatili lang akong nakatungo habang naririnig ko silang nag-aayos na ng mga gamit at naghahanda ng umuwi.

"Hanikka, hindi ka pa ba uuwi?" rinig kong tanong ni Mara. Umiling lang ako.

"May problema ba?" tanong ng isa ko pang classmate. Alam kong hindi nila ako titigilian kaya inangat ko na ang ulo ko.

"Okay lang, medyo pagod lang ako. I'm gonna rest for while here then uuwi na rin ako."

"You sure?"

"Yeah, thanks." Then isa-isa na silang umalis hanggang sa ako nalang ang natira.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 3 o'clock palang ng hapon, maaga pa sa usual na uwian namin. Saan ba ko pwede pumunta? Gusto ko sa lugar na makakapagrelax ako, sa lugar na pwede akong makapagisip-isip o makapagmuni-muni.

Napatungo ulit ako, ayokong pang gumalaw sa kinauupuan ko. Hay, Hindi ko alam kung anong gagawin ko. At hindi ko rin alam kung ano ba 'tong nangyayari sakin. Hindi kaya nababaliw na ko?

"Aargh!" This is so 'effin frustrating.

"HUY!" halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng marinig ko yung malaks na boses. Nung makita ko si Zed, parang gusto kong ihagis sa kanya yung isang upuan,but instead, tumakbo pa ko sa kanya at niyakap siya. Naramdaman kong medyo nagulat pa siya pero ilang sandali lang, naramdaman ko na rin yung kamay niya sa likod ko at sa likod ng ulo ko.

"Anong problema at para kang timang kanina? May pasipa-sipa ka pa."

"Zed," All I can say. Ngayon alam ko na, kailangan ko ng kausap at mapaglalabasan ng sama ng loob. Kailangan ko ng advice tungkol sa kung anong nagyayari at kung anong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong malinawan, gusto kong mawala yung confusions sa utak ko na kagabi ko pa dinadala.

I know I need him, isa siya sa nakakapagpakalma sakin sa mga ganitong sitwasyon. Isa rin siya sa tumulong sakin dati nung bago palang ako sa abroad with all the shit. Alam kong matutulungan niya ko.

"Uh, Hani, ang-ang daming nakatingin satin. Baka isipin nila-"

"The hell I care." Sabi ko habang nakayakap padin.

"Kapag nalaman 'to ni Anya, naku ma-" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Anya?"

"Kaya ako pumunta dito kasi-"

"Kayo na?"

"Hindi pa, per-"

"Weak."

"Sige ikaw na, ikaw na! Di mo na pinapatapos lahat ng sasabihin ko. Nahiya naman ako sayo." Napangiti ako. Kitams, wala pa siyang ginagawa pero napapangiti na niya ko.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong yung mga napapadaan na mga studyanteng napapatingin samin. Hindi ko nga alam kung samin ba o kay Zed.

Kinuha ko yung bag ko then naglakad na kami palabas ng building.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon