Together Again [3]

6.7K 106 24
                                    

Chapter 3

Ang galing ko! Ang galing galing ko. Akalain mo nga namang kumagat siya sa drama ko? Nakakatawa.

Natatawa ako sa katangahang ginawa ko. Tingin mo Eka may mapapala ka sa pagpapanggap mo? Nagpanggap kang di mo siya maalala, akala mo ba dun na matatapos at maayos ang lahat? Mawawala na yung sakit na ginawa niya?

Sana totoo nalang lahat. Sana talaga nagkaroon nalang ako ng amnesia at kung anomang tawag dun sa kadramahang ginawa ko. Edi sana ngayon hindi na ko nahihirapan ng ganito, hindi lang pagkatao niya ang makakalimutan ko, pati lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

Tingnan mo ngayon, umiiyak ka nanaman. Sinaktan ka niya pero ano? Mas nasasaktan ka dahil nasaktan mo siya sa ginawa mong pagpapanggap. Sinaktan ka niya, mas nasasaktan kang isiping umiiyak siya ng dahil sayo. Na kahit sinaktan ka niya, mahal mo pa rin siya. Baliw ka na Eka.

"Drama mo lang pala yun?" Parang napatalon ako sa sobrang gulat. Si Marco, nakatayo siya sa may pinto at ngayon papalapit pa sakin. Agad ko namang pinunasan yung luha ko.

"Lokong Ivan, utu-uto." Sabi niya sabay tawa. Really? Nakuha pa niyang tumawa ah!

"Anong drama?" painosente kong tanong. Alam kong lame pero malay ko ba kung iba ang pagkakaintindi niya.

"Hindi ako utu-uto tulad niya kaya wag mo kong dramahan..." abang lokong 'to! Ang kapal ng mukha ah! "Sinabi mong di mo siya maalala tapos ngayon iiyak-iyak ka. Tsk!" iling niya. Gusto kong magalit sa kanya at sigawan siya. Ano ba kasing pakialam niya diba? Feeling niya close na kami eh kelan lang naman kami nagkakilala. Di porque na comfort na niya ako dati at lagi niya kong nakikitang down na down eh kung makapagsalita siya parang kilalang kilala na niya ko. Pero wala na akong lakas para gawin yun.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko yun. Siguro akala ko makakawala ako sa sakit na nararamdaman ko pag nagpanggap akong di ko siya maalala. Pero it turns out na, mas lalo pa akong nasaktan.

"Ayoko naaa! Sana natuluyan nalang ako!" Para na akong batang iyak ng iyak. Grabe! Ang tanga tanga ko talaga!

Umupo siya sa kama, katabi ko at tumingin lang sakin ng seryoso,

"Let him go." napatigil ako sa pag-iyak at parang nabingi ako sa sinabi niya. "Alam ko at alam mo sa sarili mong mahal mo pa siya, pero tandaan mo, hindi ka makakalaya sa sakit na nararamdaman mo kung hindi mo palalayain yung taong nagdulot niyan sa puso mo." Nakatingin lang ako sa kanya at parang nabato na sa kinauupuan ko. Parang hindi nagsink-in sa utak ko lahat ng sinabi niya o baka naman nagsink-in, pero hindi lang matanggap ng utak ko na tama lahat ng sinabi niya.

"Hindi naman masamang magmahal eh, pero kung nasa maling panahon, maling lugar, maling pamamaraan o sa maling tao, dun na magkakatalo-talo."

---

Nung mga sumunod na araw, binigyan lang ako ng doktor ng kung anu-anong test, nagtanong pa nga ng kung anu-ano at baka nagkaroon daw ako ng post-traumatic amnesia. Mukhang okay naman at wala naman daw akong amnesia o kahit anong memory loss o head injury. It means, wala akong sira sa ulo, maliban lang dun sa pagpapanggap na ginawa ko.

Then nagtaka ako sa barkada dahil wala silang alam dun sa ginawa ko kay Ivan. Sabi ni Marco, sa kanya lang daw sinabi dahil siya lang yung nasa labas after akong kausapin ni Ivan. Wag na din daw niya ipaalam pa yun sa kanila pati sa doktor. Okay na daw at siya ang nakalimutan at di ko maalala. Ang sakit lang. Feeling ko ako na talaga ang pinaka wlaang kwentang tao. Pero kung iisipin, hindi naman mangyayari sakin 'to kung di dahil sa kanya o sa kanila. Kapag may ibang babaeng lumalandi sa kanya, nagagalit na ko, yung makabuntis pa kaya siya, at yung bitch pa na yun. Shit lang kapag naaalala ko yun gusto kong magwala. pero ano pa bang magagawa ko, the damage has been all done.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon