Together Again [4]

5.9K 107 13
                                    

Chapter 4

It's been one week since I came back and i'm actually doing good here so far. Maybe because I did nothing the whole week except going out everyday with my friends, sinusulit namin yung last week ng vacation because this coming week, back to school na.

And speaking of school, I received a news and I really don't if it is good or bad.

Akala ko pa naman maeenjoy ko pa ng mas matagal ang pagbabalik ko dito, but it seems like this letter don't want me to enjoy more. It says here, starting on Monday, balik narin ako sa pag-aaral. Wala namang kaso sakin yun but the thing is, sa Westfield University ako mag-aaral! It was like, SERIOUSLY?

"Well face the reality girl. Nakatadhana talaga na muli tayong magsasama-sama." sabi ni Kaylie. Well she's right. That's the good news.

"At muli kayong magsasama ni ex-husband." sabi naman ni Bea. And I think that's the bad one.

"Ano ba Eka, wala namang masama kung dun ka mag-aaral noh! Naayos na ni tito ang lahat, anong gusto mo maghanap pa ng ibang university na papasukan? Hay naku, you're just wasting your time." Mimi said and she has a point. Bakit naman kasi yun pa ang pinili ni papa.

"True! Tsaka kung inaalala mo si Ivan, wag kang mag-alala, hindi masyadong magtatagpo ang landas niyo." Mimi. Napansin ko lang, bakit lagi siyang nasa topic?

"And why is that?" tanong ko.

"Yiiieeeh! Bakit ka interesado?" pang-aasar ni Bea. Yeah, as always.

"Eh kasi naman, napaka busy na ng taong yun. Kung makikita mo man siya sa loob ng university, once in a blue moon na lang." Mimi.

"That's because, he's the former Vice President of the Student Council..." Kaylie

"And this year's newly elected President." Bea.

"Really? Well, good for him." I said with plain emotion. But the truth is, hindi ako makapaniwala. Nung magkasama pa kami, siya yung tipo ng mayaman na parang walang direksyon ang buhay, kala mo mauubusan ng babae. Well, that was two years ago and forsure marami ng nagbago ngayon.

After a small talk, nagsiuwian na kami. Yes, I called them just to inform about my admission to that university.

Mabilis naman akong nakarating ng bahay ko. And yes, its my own house. My father gave this house and good thing pagkarating ko dito eh kumpleto na sa gamit kaya wala na kong naging problema.

Yun nga lang, I'm all alone. Again. Pero okay lang din dahil sanay na rin naman ako.

It's only four in the afternoon, maaga pa para magstay dito sa bahay. What if I go to the resto and visit those people there? Kailangan lubos-lubusin ko na ang paggagala dahil sa monday, I'm all stuck up.

So when I got there, hindi ko alam kung naligaw ba ko or what. It looks different. Pati yung pangalan nag-iba na rin kaya naghesitate na tuloy akong pumasok. But I'm certain that this is the place dahil from here, nakikita ko yung playground. Magtatanong-tanong nalang siguro ako.

Umupo muna ako sa isang table tsaka may lumapit sakin na waiter at inabot ang menu. Pero hindi ko tinanggap, instead... "Just coffee, thanks"

"Right away ma'am."

Tumingin ako sa paligid. Ibang-iba yung ambiance dito sa loob, pang mayaman yung furnitures. Asensado! At napansin ko ring lahat ng nagtatrabaho dito eh puro lalaki, and I must say, they are all good-looking.

Nakakapanghinala naman si sir Albert, kung maka hire naman ng mga waiters, kulang nalang eh bumuo siya ng modeling agency.

"Here's your coffee mam."

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon