Together Again [14]

3.6K 109 51
                                    

Chapter 14

7 o'clock na kami dinismiss sa last subject namin. I was thinking about him the whole period dahil hindi ko nasabi sa kanya na gagabihin ako.

Pagbaba namin sa may lobby, nakaupo siya doon sa mga benches. Napakagwapo at seryoso lang yung mukha niya habang naghihintay. Maya-maya may mga lalaking lumapit sa kanya na mga kasabayan lang din namin na lumabas. Okay? Nagassume ata ako na ako ang hinihintay niya.

"Hala! Si Ivan yun diba?" tanong ni Mara

"Ano? Kinikilig ka nanaman?" sabi agad ni Lia.

"Hindi noh! Bakit kaya siya nandito? Ngayon ko lang siya nakita na nakatambay dito sa lobby."

"Oh ano? Ikaw din Hanikka?" turo niya sakin nung nahuli niya kong nakatingin din kay Ivan. "Hay naku, bahala kayo jan. Kung aawra pa kayo, ako uuwi na." Naglakad na palabas ng building si Lia kaya sumunod na rin ako. "Tara."

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, si Mara kwento ng kwento tungkol kay Ivan. Kesyo madalas na daw niya itong nakikita, minsan dumadaan daw ito sa room at inamin na niyang crush niya talaga ito mula pa nung first year siya.

"Kahit naman di mo amining crush mo siya at kuntodo deny ka halata naman sayo." mataray na sabi ni Lia.

"Che! Medyo showy lang talaga ako di tulad mo, nasa loob ang kulo. Alam mo ba Hanikka, crush niya si Stanley. Kaya nga siya nakikipagkaibigan sayo kasi alam niyang friends kayo." Tumingin ako kay Lia nun at namumula siya. So it's true.

"Sorry girl. Taken na si Sid."

"Who cares? Nagagalingan lang naman ako sa kanyang magbasketball."

"Eh ikaw Hanikka, diba si Ivan din crush mo? Okay lang sakin, hindi ako magseselos." natawa ako sa sinabi niya. Kung pwede nga lang na crush lang 'tong nararamdaman ko. Hindi sana ako nagkakaganito ngayon.

Sasagot na sana ako nung biglang may tumawag sakin. Napalingon kaming tatlo. Speaking of, it's him. Nung makita ko siya parang nakaramdam ako ng excitement. Oh my gosh did I just felt that?

Tumakbo siya papalapit samin. "Hi!" sabi niya nung makalapit.

"Hi Mr. President, uhh... anong kailangan mo?" tanong ni Mara.

"Ikaw ba si Hanikka?" sagot ni Lia

Nagkatinginan kaming dalawa. Tapos napatingin din ako sa dalawang kasama ko na nakatingin saming dalawa. Alam kong may tumatakbo na sa isip nitong dalawa tungkol samin. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa dalawang 'to.

"I'll go ahead. Hoy Mara, umuwi ka na nga." biglang sabi ni Lia na parang nakaramdam.

"Huh? Ah. Oo nga uuwi na ko. Bye Hanikka, Mr. President. Mauna na kami." bumeso lang sakin si Mara then umalis na sila.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa na parang nangungusap kung ano ng gagawin namin or saan kami pupunta. Hindi siya nagsasalita kaya...

"Uhm. San tayo?"

"Ikaw... I mean, ikaw bahala kung saan mo gusto."

Bahagya akong natawa, "Huh? I think it's up to you kung saan tayo mag-uusap."

Bahagya din siyang natawa. "I think it's up to you dahil babae ka."

"Anong connect?"

"Wala lang. Syempre, I'm the gentleman here."

"Gentleman?" srsly, is he making fun of this? Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nag-usap ng walang kasense sense at nag-isip kung saan kami pupunta. In the end nandito lang kami sa sasakyan niya na nakapark sa parking area ng university. Good thing at tinted ang sasakyan niya at gabi na dahil kung hindi, ewan ko nalang.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon