Ngayon

18 1 0
                                    

Minsan nagkakaroon ng wrong timing. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng sitwasyon, at sa lahat ng panahon. Di ko alam kung anong papasok sa isipan ko, kung yung nirereview ko ba o yung mga blangkong wala namang halaga. Wala lang gusto ko lang muna isulat dito sa blog yung mga dapat nilalabas ng utak ko para mabura ang iilan sa mga alaala ko rito. Minsan kailangan din, pero dapat hindi mo talaga makalimutan ang lahat. 

Sa ngayon, mistulang nagbago ang takbo, naghingal yung aso, kumahol yung pusa, tumilaok yung pato at naglalakad na kaagad yung bagong panganak na tuta. Maraming gulo sa mundo, away sa kanto. Nagkapatayan dahil lang sa nail cutter, o kaya naman nagsapakan dahil nagtampo yung isa dahil hindi nabigyan ng yema. Saklap diba? Mahirap isipin kung ano ba talaga yung mga pakay ng tao sa isa't isa, 

Babangon, mag-aalmusal, maliligo, magsisipilyo, magbibihis, tapos matutulog ulit. Magadang umaga. Para sa isang yugto nanaman ng kabagalan ng oras. Pero mararamdaman mo nalang na gabi na pala, ambilis ng oras, himala. Sa sarili mo iniisip mo na ambilis ng panahon, parang kahapon lang ako iniri. Ngayon patuloy na umuusad ang oras, at marami pang bagay ang nangyayari.

Pakikisalamuha, di ko tipo. Mas mabuti nang matulog nalang ako dahil wala naman akong saglit para matanong ko man lang kung saan ba yung guard na tulo laway na sa balcony nagbabantay. Hahanapin ko nalang siya mag-isa. Salamat nahanap, di tulog, pero nanaginip ng nakamulat. Gisingin ang diwa, pumunta sa realidad, langhapin ang hangin, at ang mundo'y batiin. Kaibigan, maraming isda sa karagatan.

Magiging madali ang lahat. Gagana ang paraan, pagpapalain ang mga sumubaybay. Sa agos lang ay magmatyag at maghintay. Sumabay. Maghintay. Kumaway. Gumawa ng gagawin, umpugin ang sarili kung hindi magising, sa mga katotohanan na wari'y isang matigas na balimbing.

DesperadoWhere stories live. Discover now