Wag mo kong tignan ng masama!

112 0 0
                                    

Habit nyo na ba ang pagkunot ng noo at pagkakasalubong ng kilay? Papanget lang kayo lalo! Nakakastress sa 'yo ang pag simangot nag nagdudulot ng pagkalay-lay ng mga maskels sa ating mga mukha. Ang mga sumisimangot segu-segundo, oras-oras, araw-araw, at taon-taon ay yung sinasabi nilang tatanda ng dalaga/binata. Pero wag kayo mawalan ng pag-asa kasi habang di nyo pa ramdam ang paglukot ng balat ay maari ninyo nang patinuin ang sarili na huwag sumimangot. Ang pagsimangot ay dulot ng pagkabagot, pagkainis, pagkabadtrip, at pagturing sayo na isa kang saling pusa sa laro ninyong patintero. Kaya ayaw sayo lumapit ng mga tao sa paligid mo o ng taong mahal mo eh dahil lang naman mukha kang di approachable at mukha kang pug or pitbull para sakanila. Kung ako sayo ay hindi ako sisimangot para wala sa aking lumalayo. Bibigyan kita ng iilang paraan na sa ngayon ay alam ko para hindi ka magmukhang nalugi sa peryahan.

-Huwag problemahin ang problemang hindi dapat prinoproblema, huwag mo rin problemahin kung pano mo hindi proproblemahin ang pagbabasa nito dahil sa dami ng salitang may kaakibat sa problema.

-Huwag problemahin ang problema ng iba.

at

-Maging optimistic sa buhay.

Yan lang naman tatlo ang ibibigay ko dahil yan lang naman ang ginagawa ko para hindi ako problemado, ewan nalang kung hindi mo susundin to.

Mapa babae o mapa lalake man ay isa sa mga tinitignan na basehan sa ugali ng tao ay ang kanilang mata. Kung paano sila tumingin sa mga taong nadadaanan nila(kung singkit ka ay ligtas ka dito). Kung nasa habit mo talaga ang pagtingin sa tao ng masama, maging sociable ka nalang pag nilapitan ka na nila, dahil hindi naman binabase ang ugali ng tao sa panlabas na anyo nito. Binabase to kung magiging asong itim siya sa gabi o hindi, pag lahat ay ganun ay out na talaga ako sa society. Ngumiti ka paminsan-minsan, huwag magmukhang siga ng Kalye Walangdaan. Magbigay ka ng mga banat na makapagpapakilig sakanya tulad ng ano ang ulam niya nung umaga. Humingi ng tulong sa mga kaibigang alam mong may mataas na level ng lakas ng loob pagdating sa mga paraan ng paglapit sa tao ng hindi ito iniilang sa una palang na pagkikita. Sila ang mga bihasa sa mga reporting, pagsasalita at pagtatanghal sa harap. Sila yung mga hindi nangangatog ang tuhod pag hinarap mo sa malaking bilang ng madla, kumbaga nasa genes na siguro nila ang walang takot sa harap ng tao. Importante ang confidence, lalo na kung poporma ka o magpapaganda ka sa kras mo. Pero huwag sosobrahan at baka sabihin nilang isa kang linta. Masasabi mo lang na may confidence ka na kapag hindi ka na NBSB, NGSB, Torpe, Basted, at iba pang kumokonekta sa salitang "Walang pag-ibig." Dahil nga ang gawa kong ito ay para sa mga (pakiulit nalang yung mga nabasa mo nung unang beses dun sa pinakaunang parte ng gawa) Ay tinutulungan ko kayo na magkaroon ng move na magbibigay ng pagkakataon na mapalapit sa taong kras mo. Yan lang naman ang unang tandaan mo kapag makikipag socialize sa mga taong di mo ka vibes. Ako, adapted ako sa mga taong nasa paligid ko. Minsan nasa maingay ako, minsan nasa tahimik ako, minsan kasama ko yung mga pasaway, yung mga matatalino, kahit anong uri ng tao kaya ko pakisamahan. Nakakaboring din naman ang makipag-usap, minsan maiisip mo nalang na galit ka sa mundo at gusto mong kuhain ka ng taga ibang planeta at dalhin ka sa sariling mundo mo na ikaw lamang ang nakakaalam. Simple at maning-mani lang ang mawalan ng gana sa pag-iingay, kung hindi ka makatiis na mag-ingay at ramdam mo nang mamamatay ka kapag hindi ka makapag-ingay ay mag-ingay ka nalang. Wala eh.

Dahil sa galit ay ika'y pumapangit, habang ang unang mga parte kanina ay tungkol sa pagsimangot. Ngayon ay nilalayo kita sa topic para magalit ka, at magtanim ng kangkong sa sobrang inis. Pero ilalapit naman kita ulit kahit papano, kaso bibilisan natin ng kaunti para hindi ka matagalan sa kakahintay.

1.

2..

3...

Ta-da! Nakabalik ka na, ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay ay masama sa 'yo. Dahil magmumukha kang Angry Bird na pula .(Buti pa yung blue na ibon mukhang hindi nalugi) Ibigay sa tamang tao ang ngiti mo't tawa. Dahil baka sila na rin ang dahilan mo kung bakit mananatili na yan sayo. Sa totoo lang, ang impression nila sa 'kin ay tahimik, na kabaligtaran ng nasabing impression nila sa akin. Isa pa nga daw na akala nila sa akin ay isa daw akong siga, dahil kung makatingin daw ako ay kikilabutan kana. Kaya ko lang nilalagyan ng daw ay para masabing tumitingin talaga ako ng masama.

Ginugulo kita ngayon, hindi ko alam kung ano ang topic talaga. Naglagay lang ako ng random na title para lang may pumasok sa isip mo kung ano ang nakapaloob sa kabanatang ito. Guguluhin ko ang utak mo ng hindi mo alam, yung tipong ang isip mo na ikaw ang naglalaro pero ikaw na pala ang nilalaro. Magic? Huwag na. Sa ngayon nanonood ako ng movie, Man of Steel. Astig. Hindi ko gusto maging si Superman, pero kung may pagkakataon man ay ayoko pa din. Wala lang, gusto ko lang ibahagi yung pananaw ko. Hindi ako sumasang ayon sa salitang ayoko sa halip pa nga ay ito ang pinakapanata ko na dapat ko sabihin lagi. Ayoko, ayoko, at ayoko. May mga sitwasyon kung saan ay pwede kang magsabi ng "Ayoko" dahil alam mo nang hindi mo kaya tanggapin ang naibigay sa 'yo. Tanda lang nito ay sa lahat ng oras ay hindi ka nagagamit ng ibang tao, lalo na yung mga ayaw mong gamitin ka. Mahirap magamit ng ibang tao, dahil kapag dinalas nila ang paggamit sa'yo ay hindi mo lang alam yun. Mabilis kang makaunawa sa sarili mo kung sa ilang beses palang ng paggamit sa'yo ay alam mo na ang pakay ng isang tao. Wag maging mabait, hindi ka good boy o good girl. Iilan nalang ang may busilak na puso, sila yung matulungin, magalang, masipag, matapat, at iba pang salitang makakapag describe sa isang mabuting samaritano. Di ko sinabi na maging good, huwag lokohin sarili. Kung may taong makakapagbago man sa iyo, ikaw na ang bahala dun. Mahirap mapunta sa isang relasyon, tulad nga ng nangyari kay Aries dun sa unang kwento, ayaw naman niya din magkaroon ulit ng kasintahan o relasyon dahil sa mga consequences o hindrance na mangyayari. Di mo aasahan yung nangyari sakanya, at gusto mo rin ng ganoon panigurado. Mahirap mapasok sa isang relasyon. Yan ang totoo. Pero kung gamay mo na ang mga problema at kung paano sila panghahawakan ng wala man lang ginagawa. Magsalita ka lang at magsasabi na hindi magpapalala sa inyong dalawa. Mahalaga ang communication. Mahalaga rin ang may action. Hindi ka estatwa para lang tumunganga at maghihintay na ikaw ang hulugan niya ng barya para ka gumalaw. Hindi ka isang game na arcade na kelangan hulugan pa ng barya para lang magpalaro ka. Kelangan mo gumalaw ng hindi na kinakailangan ng dahilan o motibo. Gumalaw ka ng umaayon sa pag sang-ayon. Wala akong maisip na maihahalindtulad sa paggalaw ng kusa. Bahala na si Batman. Naks.

P.S

Wala pa ko maisip na susunod na kwento. Magbigay naman kayo! Message nyo ko! At Follow nyo ko! Share nyo na rin to sa friends nyo! Salamat. :) 

DesperadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon