Panimulang Paglandi, este Pagbati

273 1 3
                                    

DESPERADO

Ang babasahin na ito ay para sa mga:

NGSB

NBSB

Sawi

Basted

at

Tigang sa pag-ibig

Pwede rin yung may mga nahanap nang pag-ibig.

--------------------------------------------------------------------------------------------

 Naranasan mo na ba? Na-feel mo na ba? Na-experience mo na ba? Kung oo, pati ako nangyari na rin sakin ang magsuka sa bus. Buti nalang may extrang plastic bag akong dala nun para ibigay ko sa katabi ko, kung sakaling mahilo at masuka siya habang umaandar ang bus. Papuntang Baguio ang destinasyon ko, bibisitahin ko lang ang mga kamag-anak ko nang may exciting adventure na dumating ng hindi inaasahan.

Parang masusuka na ata to, matanong nga."Miss, ah, nahihilo ka?" Tumango ang babae ng may konting ngiti. Nagagandahan ako sakanya: maputi, mapungay ang mga mata, at buhok na hanggang balikat. Oo, aaminin ko na isa siyang tipikal na crush ng bayan pero wala sa isip ko ang mga pakikipagkaibigan sa isang random na pangyayari, sa random na sasakyan, at sa random na tao. Hindi ko na sinundan pa ang tanong ko, umiglip ako saglit para maibsan ang antok. Halos isang araw na rin ako walang tulog dahil sa busy ako sa kakaisip sa breakup namin ng ex-girlfriend ko, ex kagad nilagay ko kasi baka isipin nyo mahal ko pa yun. Ew. Nagising ako na lumubog na ang araw, nangangapa ang bus sa daan papaakyat, ayokong asahan na sa pag gising ko ay biglang may tumugtog na kanta sa isip ko na What a Wonderful World ni Louis Armstrong. Tinanggal ko kagad sa isip yun at napatingin sa pinapalabas na movie sa bus habang nakapatay ang mga ilaw,  Final Destination ang movie, astig naman dahil perfect timing na saktong nasa kalagitnaan kami ng daanan na may bangin sa kanan. Nag imagine ako na na-flat yung gulong sa likod tapos nawalan ng preno at ikaw na ang bahala kung ano ang kasunod nun. Balik tayo, gising ako at hindi na dinalaw pa ng antok, ang katabi ko naman kaninang nahihilo ay natutulog. Bumukas ang ilaw at tinitigan ko siya, hindi ko alam kung bakit, pero ang ganda niya talaga, kahit tulog. Napatingin ako sa relo ko at 11pm na pala, nang ipagpapatuloy ko titigan ang katabi ko ay nakadilat na pala siya, agad akong tumingin sa ibang direksyon dahil nahiya ako sa ginawa ko. Hindi na ko inantok nakaiglip naman ako ng ilang oras, nag-iisip ako ng mga bagay nang marinig ko ang boses niya. "Kuya? Tanong ko lang kung anong oras na?" Tanong nya ng may pagpikit-pikit pa ng mata. "Ah, 11 na" Sagot ko ng may pagkabilis."Okay, salamat." Bumalik ulit siya sa pagpikit at sisimulan sanang matulog ulit ng nag stop-over ang bus sa isang kainan, sakto gutom na ko, eto ang favorite part ko ng pagsakay ng bus, yung bababa at kakain. Pagtungtong sa lupa ng kainan ay ramdam ko ang lamig sa aking katawan, nag unat ako ng pagkatagal-tagal at dumiretso sa kainan. Umorder ako ng mainit na lugaw at kape, pumwesto sa isang mesa at sinimulang kumain. Habang ngumangata ng laman ng baboy sa lugaw ay nakatingin ako sa iba't ibang tao sa kainan, nilalamig din sila at kumakain na makapagpapainit sa kanilang sarili, ang iba'y nagkakape naman. Biglang may lumapit sakin, yung katabi ko sa bus. "Pwede makiupo?" Tanong niya na may kasamang ngiti. "Sige lang." Binalikan ko din ng konting ngiti ang sagot sakanya. Napansin ko ang inorder niya: lugaw with egg, 3in1 na kape at may kasamang sigarilyo. Napatingin siya sa sakin nang mapansin na wala man lang akong sigarilyo miski lighter. "Hindi ka naninigarilyo?" Tanong niya sakin. "Ay, hindi ako naninigarilyo." Sagot ko naman."Goodboy pala to, hehe. Jessica nga pala. :)" Inabot niya ang kamay niya sakin, ngayon lang may nagpakilala sakin na babae sa ilang taong pamumuhay ko dito sa ibabaw ng lupa, dati kasi akong elemento na pumupupuksa ng kasamaan. Joke lang. Hindi pa ko nagkakaroon ng matinong girlfriend, sa totoo nga hindi ako torpe, malakas ang confidence ko sa lahat, sociable akong tao. Hindi ako yung taong nangangain ng kausap, kung ako ay kausap mo ngayon, hindi kita binabaon sa lupa dahan-dahan habang sinasabi ko ang mga salita ko. Nanligaw na rin ako at naranasan na rin ma-reject, sa una ay hindi ko tanggap pero habang tumatagal ay hindi ko na nararamdaman ang pagkalungkot, natatawa pa nga ko dahil ayaw nila sakin. Alam ko sa sarili ko na wala akong lakas ng dating para maakit sa 'kin ang isang babae, at hindi ako tatanda ng walang magiging babae sa buhay ko(except for nanay, siya pa rin number one love ko). Inabot ko ang kamay ko nang walang pagdadalawang isip at sinabi ang pangalan ko. "Aries. Aries pangalan ko." Nagtagpo ang aming kamay at nag shake hands kami. Malamig ang kamay niya pero ang lambot nito, kala mo yung kasimlambot ng favorite kong unan nung wala pa kong muwang. Atsaka nagkatinginan kami ng mata sa isa't isa, yun na yung pinaka unang formal na tinignan ko siya ng maayos. Tumuloy lang ako sa pagkain ng mainit na lugaw, at sinasabayan na rin ng paghigop ng mainit na kape. Habang siya ay kumakain ay tinanong niya ko."Saan punta mo dito sa Baguio?" Tuloy lang rin siya sa pagkain habang hinihintay ang sagot ko. "Bibisitahin ko lang yung mga kamag-anak ko dun, matagal na rin ako di nakabisita sakanila. Konting bakasyon rin kumabaga, pangangamusta. Ikaw?" Tuloy lang din ako sa pagnguya at pagngata, walang tunog ang pagnguya ko at tanong-sagot lang ang magagawa namin dahil abala kami sa pagkain. "Bakasyon, libot, foodtrip, tsaka kukuha ng mga magandang larawan."ani Jessica. "Photographer ka? Astig." Wala na ko maisip maisagot kundi yun nalang dahil para masabi ko sa sarili ko na nakikinig ako at magtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. Tapos na ko kumain at natapos na rin siya, nagkaroon kami ng konting usap tungkol sa mga bagay-bagay nung mga oras na iyon. Pumunta na ang mga pasahero sa bus at umakyat na rin kami, habang papaandar hindi pa rin maawat ang pag-uusap namin, hanggang sa tumahimik ang paligid at napagpasyahan ko na matulog, ganoon rin siya. Nagising ako ng saktong nakarating na sa terminal ang bus, nasa Baguio na talaga ako. Bumaba na ko at nagpalipas muna sa terminal, nakita ko si Jessica na bitbit ang kanyang mga gamit. Lumapit ako at tinulungan siya, pumayag naman siya at dinala ko ang mga gamit niya a puwesto ko. Alas tres na pala ng madaling araw, hindi ko napansin ang oras. akala ko ay malapit na mag-umaga. Kinuha ang lighter at may usok na sumasabay sa dampi ng hangin, naninigarilyo si Jessica, siguro pampainit dahil sa lamig. "Saan ka mags-stay?" Nagtanong ako dahil curious ako kung saan siya magpapalipas ng ilang oras hanggang umaga, baka makatulog siya dito sa terminal at kunin ng manananggal na nanggaling kung saan ang mga gamit niya. "Yun na nga inaalala ko e. Wala akong alam dito sa Baguio pag dumating ang gabi, baka may magpakita dito na multo ng sundalo." Ayokong tumawa sa sinabi niya pero totoo, may multo dito sa Baguio, pero yung manananggal, walang ganun dito. Nakakapagod kaya lumipad ng Manila to Baguio ng kalahati lang ang katawan. Duh. "Dun ka muna magpalipas sa'min gusto mo?" Nagvolunteer na ko, dahil ako lang naman ang makakatulong sakanya. Actually wala akong balak magkagusto sakanya, pero kapag binalak niya baka balakin ko din, mutualism kumbaga. Pero ngayon wala talaga akong balak manligaw ulit sa babae, ayoko na, magpapari nalang ako. Seryoso walang halong biro, mamatay ka man. Joke lang. "Sige, umaga aalis na din ako. Malapit lang ba sa inyo dito?" Agad siyang pumayag dahil siguro wala siyang choice kundi ganun nalang, wala rin akong choice kasi ayoko iwan si Jessica dun sa oras ng kadiliman sa terminal. "Sakto lang, tricycle lang naman papunta dun sa 'min, kabisado ko pa naman yung address ng bahay ng lola ko. Tara na?" Nag-aya na ko kagad umalis sa terminal dahil feel ko susugurin kami ng galit na taumbayan na may dalang mga apoy at kalaykay na sisigaw ng "Sunugin si Aries!", hindi ganun, nilalamig lang talaga ako ng sobra kaya uwing-uwi na ko, matagal ko na kasing di napupuntahan 'tong Baguio at ang lola't mga kamag-anak na hindi ko kilala ang iba. "Tara," Sagot niya habang bibitbitin ang gamit niya, pero ako na ang nagbibit ng gamit niya kahit may sarili rin akong bitbit at ako ang lalaki dito. Kelangan ko rin naman magpakita ng konting pagka-gentleman. Nagtawag na ko ng tricycle at sumakay na kami patungo sa bahay na pupuntahan ko, habang umaandar ang tricycle ay dumadampi ang malamig na hangin sa mukha ko. Habang si Jessica naman ay inaantok nanaman at pipikit-pikit, ilang minuto lang at narating na namin ang bahay. Ang bahay ay partikular, may katandaan na. Subalit makikita pa din ang katatagan upang suportahan ang mga naninirahan sa loob. Sa labas ay natanaw ko ang isang babae na nakaupo sa papag sa labas ng bintana, natanaw ko si lola. "La! Dito na po ako!" Lumingon ako kay Jessica."sabay ka lang sa 'kin" Tumango lang siya at nakasunod lang, sinalubong ako ni lola, kasagsagan ng madaling araw pero hindi pa natutulog si lola? Sabagay, maagang natutulog ang lola, maaga rin siyang nagigising upang asikasuhin ang iba't ibang bagay dito sa kanilang bahay. Kahit nung bata pa ko ay ganyan na ang habit ni lola, pero di naman ako nababahala dahil wala naman siyang sakit o bisyo. Nakikitawa lang siya sa mga naglalaro ng tong-its, at nakikisama lang sa mga mahjong players na nagkakamot ng singit from time to time. "Apo, matagal na ring di ka napunta dito, kamusta ang nanay mo?" Napansin niyang ang aking kasamang babae."Teka, gerlpren mo ba yan? Aba'y ang ganda naman niyan. "Anong pangalan mo iha?" Nakangiti si lola ng makita niya si Jessica, pero dapat kong sabihin ang totoo."Ay la nagka-" Bigla akong naudlot ng marinig ko ang boses ni Jessica."Jessica po lola, natutuwa po akong makita ko kayo." Ngumiti siya kay lola at nagmano, napamano ako bigla dahil nakalimutan ko. "Ang ganda mo naman Jessica, maswerte ang apo ko sayo. Pumasok na kayo." Papasok na si lola nang kinausap ko si Jessica ng may mahinang boses. "Hala, ba't mo sinabi yun?" Natanong ko ng may halong pagkagulat. "Para payagan ako magpalipas dito. Aalis din ako bukas, ikaw nalang bahala magpalusot kung bakit ako nawala pag nakaalis na ko. Haha." Natawa siya sakin, dahil para kasi akong nataranta sa nangyaring yun, ang pagtawa niya ay nagdulot sa'kin ng saglit na pagkatanga. Nabobo ako, parang biglang may sumalpok na asteroid sa akin, yung tipong may nadiskurbeng bagong species ng tipaklong sa utak ko. Di ko alam yung naramdaman ko yung mga oras na yun. "Pumasok na nga tayo, hanggang umaga ka lang dito ah. Kumuha ka ng mahimbing na tulog para hindi ka antukin ulit." Nag remind ako sakanya na hanggang umaga lang siya dito dahil baka magkaroon ng job interview dito sa bahay pagdating ng umaga at ang interviewer ay si lola. Hindi naman alam ni lola ang totoo kaya papalipasin ko muna 'tong pagkukunwari na girlfriend ko si Jessica. "Oo na Kuya, inaantok na ko. Pumasok na tayo dali na." Nakatulog na siya kaagad matapos lang ang ilang minutong nag-usap kami sa labas, samantalang ako ay gising at hindi dinalaw ng antok simula kanina. Iniisip ko kung ano ang mga masasayang bagay na mangyayari kung magiging girlfriend ko si Jessica(Professional daydreamer pala ko). Bigla ko kagad inalis sa isip ko yun at nag-focus sa ibang bagay at katanungan tulad ng ano ba talaga ang paraan para makapunta ng Fountain of Youth? Kung bakit may kulay ang blacklight? At kung saan yung bahay nung magaling mag chess dun sa kanto namin. Haynako itutulog ko na nga lang to. Gigising pa ko ng maaga-aga bukas para tumulong sa mga gawain dito. Kailangan ko ulit ng lakas para gumawa ng kung anu-ano, at libangan.

DesperadoWhere stories live. Discover now