Rosario

9 0 0
                                    

Mataas ang sinag ng haring araw, sa oras na ding 'yon ay naglalaro ang dalawang musmos sa gitna ng napakainit na panahon. Hindi alintana ang tindi ng init, bagkus sila pa nga'y nagtatawanan habang naghahabulan sa tabi ng kabukiran. Ang dalawang bata ay lalaki't babae, ang lalaki ay nasa 8 taong gulang. Ang babae ay 7 taon ang edad. Masaya silang naglalaro ng habulan kahit na silang dalawa'y pawisan, hindi iniisip ang nasa kapaligiran, basta't masayang naghahabulan. Marami pa silang ginawa noong araw na ding 'yon, walang katapusang halakhak ang ngiti ang makikita mo sa kanilang mga mukha, animo'y masasayang tutubi na nagliliparan sa iba't ibang uri ng bulaklak na kanilang madapuan.

Napagpasiyahan muna nilang dalawa na magpahinga sa ilalim ng punong mangga, na-upo para sa pansamantala. Walang boses na maririnig sa mga bata, tanging tunog lang malakas at malamig na hangin ang maririnig sa mga sandaling iyon, na nagpapagalaw naman at nagpapasayaw sa punong mangga. Sa ilang minuto ng pagpapahinga ay bumalik na ang kanilang lakas, pero biglang may umalingawngaw na pagkalam ng tiyan. Natawa ang batang babae ng marinig niyang tumunog ng malakas ang tiyan batang lalaki. Medyo natulala ang lalaki. Kasunod nito ay tumunog na rin ang tiyan ng batang babae. Napahagalpak sa tawa ang dalawa dahil parehas silang nagkaganoon. Kung kaya nama'y napagdesisyunan ng batang lalaki na akyatin ang puno para makakuha ng hinog na mangga sa itaas nito. Nang makakababa ay halos punong-puno ang damit ng batang lalaki ng hinog na mangga na kaniyang ginamit bilang pansalok o sisidlan nito. Tuwang-tuwa naman ang batang babae sa dami ng mangga na nakuha ng kaniyang kalaro. Pinaghatian nila ito ng patas at sabay silang kumain ng hinog na mangga.

Pagkalipas ng ilang saglit, naubos ng dalawa ang kanilang kinain na prutas. Kanilang natanaw na may papunta sakanila mula sa malayo. Yung may-ari ng punong mangga, mukhang galit na galit. Hinawakan ng batang lalaki ang kamay ng batang babae at nagmadaling tumakbo papatakas mula sa may-ari. Habang tumatakbo ay tumatawa silang dalawa dahil sa kanilang ginawa, tuloy-tuloy lang sa pagtakbo at walang paglingon mula sa kanilang likuran. Hindi sinasaisip kung maabutan pa ba sila nung may-ari na may dalang tungkod.

--

Kalahating oras na ang nagdaan, at sila'y nagpahinga muna saglit, ang nanghahabol sakanila'y wala na, at habang sila'y napahinga ay humagalpak ng malakas na tawa ang isa. Na sinundan na rin ng ikalawa. Bakas ang lubos na kasiyahan at hindi pag-aalintana sa mga nangyari ng mga nakaraang oras. "Jepoy, aalis na kami mamaya, nabanggit ng inay na pagsapit ng hapon ay babalik na kami pauwi sa Maynila." sambit ng babaeng kalaro kay Jepoy. "Ibig sabihin matagal ka na ulit bago makapunta dito?" Sagot ni Jepoy na may pagkalungkot ang tono sa kanyang pagsambit. "Naman, sinabi ng nanay na dun muna kami sa Maynila, baka nga lumipat pa kami sa ibang bansa para dun ako makapag-aral. Pero Jepoy, wag ka malungkot, maging masaya ka lagi kasi makakapag-usap naman tayo kung bumisita ako ulit dito." Sambit ni Gi, habang hindi pinapakita ang ekspresyo na tulad kay Jepoy. Ayaw niyang mag-alala ito sakanya dahil gusto niya lang na laging masaya ito. Tulad ng kanilang pag-lalaro sa bukirin at pakikipaghabulan. "Sige Gi, ipangako mo na bibisita ka dito ulit sa barrio, para naman hindi na ko mag-alala sa'yo sa hindi mo pagbisita ulit pagdating ng ilang taon." Tinaas ni Jepoy ang kaniyang kanang kamay, at hinliliit ay ini-angat. Ganoon din kay Gi. "Pramis mo Gi ha?" "Naman Jepoy, pagdating ng ilang taon, malaki na tayong mga bata non, pero ganito pa rin ang unang gagawin natin pagkapuntang-pagkapunta ko dito ulit. Hahaha!" Naglapat ang hinliliit ng dalawa, patunay na hindi masisira ang kanilang pangako. Pagkatapos noon, ay bigla silang nagtawanan. "Tara balik na tayo Gi, baka hanapin ka na ng nanay mo." "Sige Jepoy, tara. Hahaha." Masayang naglakad pabalik sa kanilang mga tahanan ang dalawa.

--

Sumapit ang hapon, habang naglalaro si Jepoy ng basketbol ay natandaan niyang sa hapon na din pala na 'yon ay aalis si Gi. Agad niyang binitawan ang hawak na bola at tumakbo papunta sa tinutuluyan nila Gi. Nakarating na si Jepoy kila Gi at nakita niyang papasok na ng sasakyan ang kalaro para makabalik na sa Maynila. "Gi!" Sigaw ni Jepoy para makuha ang atensyon ni Gi bago pumasok ng sasakyan ang batang babae. "Jepoy! Nay, teka lang po kakausapin ko lang po si Jepoy." Pinayagan siya ng kaniyang ina at dali-daling pumunta kay Jepoy. "Aalis na kami Jepoy, mag-iingat ka lagi dito." Tumawa lang si Gi. "Ingat ka lagi dito sa barrio, at wag ka magpapahabol sa matandang si Mang Epi." Tumawa ng bahagya si Gi, pero kita sa kanyang mga mata na maluha-luha na ito dahil nais niya na masamahan pa ang kalarong si Jepoy para sa mga susunod pang pagkakataon, pero hindi. Sa tingin niya na ito na ang huling mga sandali ng kanilang huling pagkikita. Dahil hindi niya sinabi kay Jepoy na sa ibang bansa sila maninirahan ng kaniyang mga magulang at siya'y doon mag-aaral. Hindi niya lubos naisip na siya pa ang maluluha imbis na matuwa dahil makakasama niya pa si Jepoy makalipas ng ilang taon. Pero alam niya sa sarili niya na hindi niya sisirain ang pangako nila ni Jepoy sa isa't-isa, na balang araw ay babalik si Gi upang makita si Jepoy at makpaglaro ulit tulad ng dati. Hindi niya bibiguin si Jepoy at alam niya rin na ganoon din ang gagawin ni Jepoy. Napansin ni Jepoy ang bakas ng kalungkutan at maluha-luhang si Gi. "Gi, huwag ka nang malungkot, malulungkot ako lalo kapag ganyan ang nakikita ko sa pag-alis mo. Ayoko ng ganyan, kailangan masaya kang aalis at hindi ganyan. O heto, may baon akong tissue punas mo diyan sa luha mo tsaka sa sipon mo. Tumutulo na o. Hahahaha!" Imbis na patuloy sa pagluha si Gi, bigla itong napatawa ng malakas. Iyak-tawa ang bata. Nagtawanan silang dalawa, kita na hindi na nalulungkot si Gi dahil pinasaya siya ni Jepoy. "Gi, halika na rito. Aalis na tayo, magpaalam ka na kina lola't lolo mo." Tawag ng kaniyang nanay na nagsambit na kailangan na nilang umalis dahil aabutin sila ng gabi kapag sila pa ay hindi aalis ng mas maaga ngayon. "Gi, bago ka umalis.". Handa nang magsalita si Jepoy para sa kaniyang mga huling salita bago umalis si Gi. "Mag-iingat ka doon sa Maynila ha." Ito nalang ang nasambit ng batang lalaki sa pag-alis ng kalaro. "Oo naman Jepoy, lagi. Babalik ako dito. Pinapangako ko. Sige Jepoy, aalis na kami. Mag-iingat ka din!" Nginitian niya si Jepoy at pumunta na sa sasakyan. Habang papaandar ito, nakatayo lamang si Jepoy habang tinitignan ang pag-alis ni Gi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DesperadoWhere stories live. Discover now