Kunwari Lang (Part One)

111 1 0
                                    

*Cellphone Alarm rings

*RIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGG

*RIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGG

"Ugh. Ayoko paaaaa. -_-"

*Pinindot ang Snooze

(Teka... Kailangan ko nang pumasok. Halos ilang araw na rin ako hindi nagpaparamdam sa klase.)

Bumangon ako nang may pagka-antok pa mula sa aking kinahihigaan, ayoko pa pumasok pero kailangan ko pilitin muna ang sarili ko para naman magkaroon ako ng presensya kahit saglit lang. Halos ilang araw na ko wala, at panigurado marami akong na-miss na lessons, events, at ilang announcements. Ako nga pala Andres Apolinario, College Student ng Business Management. Nag-aaral ako sa isang sikat at malaking kolehiyo, pero hindi ako mayaman, nag-aaral ako dun bilang scholar. Madali nga lang mag-aral, pero ang mga gastusin ay mahirap iwasan. Nandyan yung mga fee para sa projects, events, activities, at yung mga tickets sa mga concerts na ginaganap sa school.  Para nga lang talaga sa mayayaman, kasi araw-araw nakikita ko yung mga ibang estudyante na nakasasakyan kapag papasok, ang iba'y hinahatid ng kanilang magulang, ang iba nama'y may sariling sasakyan. Hindi maabot yung yaman nila, halos ang lahat ay anak mayaman. Hindi nakaranas ng simpleng pamumuhay. Tulad ko. 

Lumabas na ko ng kwarto, nadatnan ko ang aking Tatay na nagkakape sa tabi ng bintana. Napansin niya ko at nagtanong "Papasok ka?", tumango nalang ako direcho papuntang kusina upang magtimpla rin ng kape. Pagkatimpla ay umupo ako sa at nag-isip kung ano na ang gagawin ko pagkapasok. Kahit na hindi naman ako pumapasok masyado ay napapanatili ko pa rin ang mga grades ko para hindi matanggal sa pagka scholar. Noong una ay sinesermunan pa ko ng pagkahaba-haba ni Nanay, habang si Tatay naman ay nakikinig lang din sa sermon at nakakaiglip. Pero ngayon ay parang normal nalang sakanila na makita akong hindi pumapasok sa eskwela. Wala pala ang Nanay, umalis na para magtinda sa Palengke. Ang Itay naman ay nagmumuni-muni muna at mamaya lang ay papasok na siya ng trabaho. Ang mga kapatid ko ay pumasok na sa kanilang mga eskwela, isang nasa Grade 1, ang isa naman ay nasa Highschool. Bale tatlo kaming nag-aaral pa rin.

Pagkatapos ng magkape ay naligo, nagbihis, at umalis na ko ng bahay. Tulad parin ng dati, biyaheng tumatagal ng halos kalahating oras makarating lang sa eskwelahang pinapasukan ko. Pagkababa ay naglakad ako papunta habang nag-iisip ng mga kawalan. Di ako lutang o kung ano, siguro ganito talaga ako lagi. Punong-puno ng blangko ang utak ko, di ko nga alam kung bakit ako naging scholar samantalang hindi naman ako nag-aaral gaano. Gusto ko rin umunlad, yung tipong gagawan ko ng sariling palengke yung Nanay, at si Tatay naman ay may sarili nang sasakyan, gusto ko rin sila mabilihan ng mas malaking bahay syempre. Balang araw kapag umunlad ako. KAPAG. Dejk lang. Gagawin ko talaga lahat ng yun. "I'm a man of my words." Quote mula kay Joker.

Hanggang dito ba naman ay tinatamad parin ako kahit nakatapak na ko sa loob ng klase, inaantok pa ko. Habang nagtuturo ang prof. ay ramdam kong gusto nanaman pumikit ng mga mata ko. Nabulabog ako ng marinig ako ng prof. "Mr. Apolinario! How dare you sleep when I'm teaching!? Instead answer this problem on the front of the class!" Nako. Tinatamad na nga 'ko tatawagin pa 'ko para magsagot, masagutan na nga. Yun, pumunta ako sa harap at kinuha ko ang marker at sinulat sa whiteboard ang sagot sa problema. Mukhang nagulat yung prof. "Meron pa po kayong ipapasagot?" Nagtanong ako habang pumipikit-pikit pa. "Alright. Go back to your seat!." Habang pabalik ako sa upuan ko ay parang tinitignan ako ng buong klase. "Galing." "Partida tulog pa yan." "Nakanam" Yan ang mga naririnig ko sa paligid, hindi ko nalang pinansin at bumalik sa pagkatulog. "And class that's how you solve......" Patuloy lang sa pagtuturo yung prof. ng parang walang nangyare. Hindi na ko ginising ulit para pasagutan yung ibang problem, alam naman siguro na walang mali sakin dahil nakikinig naman ako at alam ko naman siguro ang tinuturo niya. 

DesperadoWhere stories live. Discover now