Kunwari Lang (Part Two)

48 1 0
                                    

"From now on starting tomorrow, you Andres, and my daughter Aphrodite will be your fiancée."

....

"From now on starting tomorrow, you Andres, and my daughter Aphrodite will be your fiancée."

 " Fiancée "

-------------------------------------------------------

"Wha!?"

Nagising ako, nang tinignan ko kung anong oras na, 4:38AM na. Kahapon pa pala yun, kala ko panaginip lang talaga. Pinagkalulo talaga ako ng ama niya sa babaeng yun, di ko ba alam kung nanaginip pa rin ba ko o bangungot na 'to. Papasok ako bukas, kailangan ko magparamdam sa school, medyo tinatamad na 'ko dito sa bahay. Bukod sa pagtulong sa gawaing bahay, natutulog lang ako maghapon pagkatapos ko gawin ang mga yun. Naririnig kong tumitilaok na ang mga manok, di na 'ko babalik sa pagka iglip, mag-aalmusal na ko. 

Amoy ko ang niluluto sa kusina ni Nanay, bawang.. Sinangag! Naks, favorite ko. Maaga kasi siya nagigising para magluto ng agahan tapos aalis na siya para magtinda sa Palengke, tapos si Tatay na ang bahala sa baon namin magkakapatid.  Pumunta na kong kusina, nadatnan agad ako ni Nanay. "Aga ah, ano nakain mo?" Nanay talaga, aga-aga magjo-joke eh. Hahaha. "Wala pa nga Nay eh." "Oh, hintayin mo 'tong sinangag, nandyan na sa mesa yung galunggong. Papasok ka?" "Opo Nay, maaga ako papasok. Nagising lang ako ng maaga, di ako makatulog eh." Patuloy lang sa paghalo ng nilulutong sinangag si Nanay habang ako ay nagtimpla ng kape at pagkatapos ay umupo. Nakatulala sa kawalan at animo'y inaalimpungatan pa, iniisip kung paano matatanggap yung nangyari kahapon.

----

"If you don't accept it, you will be expelled from the campus."

----

Pumayag na ko, ayoko mawala sa pagka scholar, tinanggap ko nalang kahit labag sa kalooban ko yung kasunduan na 'yun.. Walang sinabi kung kailan matatapos yung kasunduan, ayun kaagad yung sinabi. Di ako pwede magreklamo, siya yung may-ari ng school, at mayroon siyang kakayahan na paalisin ako sa isang salita at sulat lang ng kanyang signature sa isang papel na nakasaad ng expulsion ko. Kailangan ko talagang tanggapin.

Ilang minuto lang ay luto na ang sinangag, kumuha na ko ng plato at nagsandok, naglagay ng dalawang pritong galunggong sa plato ko. Kumuha ako ng toyo na may pinigang kalamansi bilang sawsawan bago ako magsimulang magdasal at mag almusal. Yung dalawang kapatid ko hindi pa gising, pareho silang alas siete ang pasok pero ala sais pa sila nagigising. Pagkatapos ko kumain ay naligo kagad ako. Anlamig ng tubig, kala mo nasa North Pole ka! Nanginginig ako sa sobrang lamig papalabas ng banyo, nakabalot sa tuwalya at direcho toothbrush at ayos ng sarili. Nagbihis ako ng uniporme at naglagay ng pabango, binitbit na ang bag. Handa na ko pumasok!! Pero 5:41AM palang, at wala pang tao sa campus panigurado maliban sa mga maagang pumasok para magtrabaho dun. Sabagay, wala naman akong gagawin dito sa bahay ngayong nakabihis na ko. At pagpapawisan lang ako dito kakahintay para sa tamang oras ng pag-alis paputang eskwela, kinuha ko na ang baon ko kay Nanay at umalis.

------

6:25 na ko nakarating. Walang trapik. Astig. Sakto lang para sa akin. At ngayong meron pa 'kong konting minuto para mag muni-muni, dun muna ko sa Plaza tatambay. 

------

Plaza aka "Lovers' Plaza" dahil maraming tumatambay ditong nag-iibigan, mas marami kapag hapon at uwian. Hindi ako pumupunta dito, pero ngayon susubukan ko lang maexperience tumambay sa Plaza. Mag-isa lang naman ako at naglalaro ng Snake n' Ladders sa isang bench dito, halos may mga estudyante na ring dumadating. Hinihintay ko lang mag 6:50. Himala. Di ako inaantok sa araw na 'to, binabagabag parin talaga ako nung kahapon. Sana di ako makita nung babaeng yun, si Aphrodite Louise Ty. Baka sinabihan na siya ng ama niya tungkol dun sa pinag-usapan namin kahapon, simula na ng kontrata, simula na ng kasunduan. Di ako kinakabahan o ano man dahil handa na ko ngayon. Wag ko nga lang siya makita ngayong umaga, as in ngayon para di ako ma-tense. 

DesperadoWhere stories live. Discover now