Epilogue

191K 4.5K 737
                                    

To all the women who were abused in any other way, I understand that it's never easy to be strong all the time. But God will fight for your battles. Never lose hope.

Whether you were sexually abused, harassed, or maltreated, it's not and never will be the end for you. Our Almighty Father exalts the poorly treated. Justice is in His hands.

If you were called to love, may you joyfully trust again. One man will still look at you like you're the most precious gem in this world. 

In God's eyes, we are never too filthy and too broken. A true man of God will look at you the same way.

To all the women who've thought that they are weak, I hope this story reminded you that we are still strong in our own ways. 

The love of Christ is the strength in us.

Believe in Him.

Yours in Truth,

FGW 

***

EPILOGUE

"ANG TUNAY na lalaki, marunong maghintay."

"Ang tunay na babae, pakipot!"

"Kaya kailangan mong maghintay," natatawang advice ni Heart kay Caleb.

Napasimangot ang binata. Hindi matanggap na inayawan ito ng isang babae sa school nila. Sabi ng babae, tatapusin muna daw nito ang high school bago mag-boyfriend.

Tinapik-tapik niya ito sa likod. "Okay lang iyan, Caleb. Buti nga, matinong babae ang hihintayin mo. Inuuna ang pag-aaral kaysa landi."

Tumingin ito sa kanya. "At anong tawag mo sa'kin? Malandi?"

Mas inuuna kasi nito ang panliligaw kaysa ang pag-aaral.

"Hindi naman. Ahm, medyo. Hindi, oo talaga! Malandi ka!" natatawang sabi niya. "Alam mo kasi, kung hindi mo kayang pagbalansehin ang pag-aaral at pagi-girlfriend, then, choose to study. A real man knows his priorities. At sabi ni Papa, dahil bata pa tayo, ang gusto ni God, nag-aaral pa tayo!"

Ginulo nito ang buhok. Natawa lalo si Heart.

"Ang heartthrob ng school, super laki ng problema dahil sa babae?" panunuya niya. Sabi sa school, crush daw ng bayan si Caleb. Mula freshmen hanggang senior year girls, gusto ito.

Well, guwapo naman talaga ang kababata niya. Kahit seventeen pa lang sila, nagsta-stand out ito sa lahat ng lalaki sa school nila. Soccer player pa. Varsity.

"Argh! Nanligaw na nga ako, nabasted pa!" he frustratingly said.

Napahawak na si Heart sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa. Pati yata ang driver nila ay pinipigilang matawa. Walang umaayaw kay Caleb na babae. Pero ang tibay ng huling niligawan nito na hindi niya alam ang pangalan. Hindi niya na inalam. Maiinggit lang siya sa girl na iyon.

"Walang nakakatawa, Heart Elizabeth Aragon Arguelles."

Pero hindi niya pinigilan ang tumawa. "Looks like you've met your match, Caleb Sebastian Pedralvez!" Pedralvez na ang bagong apelyido ni Caleb dahil nakilala na nito ang tunay na ama years ago. Pinakasalan ng Papa ni Caleb si Auntie Reigh. Kaya natanggal na ang "Aragon" sa pangalan nito. Kahit si Auntie Reigh ay hindi na ginagamit ang "Aragon" kahit sa maiden name nito.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon