Chapter Twenty-Seven

130K 3.5K 250
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Five months later...

NAHATULAN si Darren ng habang buhay na pagkakakulong. Hindi na ito nakapalag pa sa korte lalo na ng maipakita nila lahat ng ebidensya laban dito—ang pagnanakaw nito sa kompanya, ang paggamit nito ng ilegal na droga, at ang ginawa nito sa kanya.

Si Edan sana ay kasama nito sa loob ng bilangguan ngunit napunta ang lalaki sa mental hospital dahil bumigay ang katinuan nito. Si Darren din yata ay tila mawawala na rin sa katinuan nito dahil hindi na ito makausap nang matino pagkatapos mahatulan ng korte.

The two lost their sanity.

Ang Diyos na mismo ang nagbigay ng hustisya para sa kanila.

Nagsindi ng kandila si Tanya sa puntod ng kapatid na si Roxanne habang ang Mommy naman niya ay nagsindi ng kandila para sa puntod ng Daddy niya. Magkatabi lang ang puntod ng ama at ng kapatid niya sa museleo ng mga Aragon.

Hinaplos ni Tanya ang pangalan nito na nakaukit sa puting lapida.

"It's over, Xan," she said, smiling. "We finally got our justice. Everything's normal now." Pinigil niya ang mga luha at pinilit na ngumiti. "By the way, I miss your laughters, your funny stories, your bright smiles. I miss you so much, Xan. Idol pa rin kita. Ikaw ang inspiration ko sa lahat. Thank you for being my angel. I know wherever you are, you're smiling. I love you, Xan."

"Mama..."

Naramdaman ni Tanya na niyakap siya ni Heart at ng Mommy niya. Pinunasan niya ang luha at saka sila sabay-sabay na nagdasal.

Pagkatapos niyon ay nanatili pa sila roon.

"Mama, can I tour around the mausoleum?"

"Alright. Ingat ka lang, baka makakita ka ng mumu," biro niya. Heart just laughed and left.

Hindi totoo ang lahat ng akusasyon ni Darren patungkol sa Mommy nila. Her mother married her father when the first wife died. 

Oo, nagpakamatay nga ang ina nina Darren ngunit hindi dahil sa sama ng loob sa Daddy niya. Kundi, ito ang nagtaksil at nakikipagkita ng palihim sa totoong ama nina Edan, Darren at Reigh. Nang iniwan muli ito, hindi na kinaya ng ina ng mga ito. Kaya't winakasan na lang ang buhay.

Ngayon, malinaw na lahat kay Tanya. Akala niya, mali ang kuwentong alam niya tungkol sa mga magulang niya. Iyon pala, sina Darren ang may maling kuwento tungkol sa nanay ng mga ito.

Huminga siya nang malalim. Ah, basta! Tapos na ang lahat. Naibalik na sa kanila ang Aragon Airlines at pinagtutulungan nila ng Mama niya na maisalba iyon sa pagkakalubog.

Nalaman na rin ng lahat na buhay pa siya. Ngunit, hindi na pinaalam pa ng Mommy niya na buhay ito. Since, bago na ang mukha nito, she'll stay as Attorney Christine Atayde. Sa pamilya na lang hindi sikreto ang tunay na pagkatao nito.

Naipaliwanag na rin sa kanya ng ina kung bakit nito kailangang magpanggap na ibang tao—para malayang makakilos at makagawa ng plano kung paano maipapakulong sina Edan at Darren. Dahil noong buhay ito ay ito ang laging tinatarget. Sabihin nang, oo, tumakas ito sa ganoong paraan pero ginawa nito iyon upang hindi bantay-sarado ang mga plano nito.

Gusto rin daw nitong tulungan siya at alisin sa pagiging Xan niya sa umaga at Tanya sa gabi. Ang Mommy niya mismo ang nagpahanap kay Eugene dahil alam ng ina na ang lalaki ang makakatulong sa kanya. Aside from his wide connections, her mom knows that she can't resist Eugene.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon