Chapter Thirteen

130K 3.1K 331
                                    

CHAPTER THIRTEEN

TANYA ARAGON has Dissociative Identity Disorder. Or more popularly known as the "split personality" disorder. 

The incident that triggered Tanya to release her alter ego was because of her sister Xan's death. It was Tanya's escape from the cruelty she experienced and saw.

Alam ni Tanya na may sakit ito, ngunit kahit kailan ay hindi ito nagpagamot. Mas gusto nitong mamuhay bilang isang tao na hindi ito.

She built a new Xan. At iyon ang sikreto ni Celeste Aragon hanggang sa mamatay ito. Pinayagan nitong mamuhay ang anak na si Tanya bilang si Xan Robles. Hanggang sa mamatay ito ay wala itong nagawa para mahimok ang anak na magpagamot.

Tanya continued living as Xan in the morning. But when eleven PM strikes, lumalabas ang totoong Tanya. 

Huminto naman ang split personality ni Tanya isang taon bago nito nakilala si Eugene hanggang manganak ito kay Heart.

Ngunit bumalik ang DID nito nang muling ma-trigger dahil sa isang insidenteng gustong alamin ni Eugene.

Nang magkakilala sila sa California noon ay magaling na si Tanya. But what happened to trigger her illness again?

"Eugene," Tanya moaned when he started to undress her.

"Tell me to stop," he whispered. "Tell me to stop, Tanya..."

Namungay ang mga mata nito at kinabig siya sa batok upang muling hagkan ito.

Ayaw ni Tanya na magpagamot pero kung malalaman ni Xan—Tanya's other self, ang katotohanan, matutulungan siya nito. 

Kailangan niyang kumbinsihin si Xan na pumunta ng ibang bansa kasama si Heart at doon magpagamot.

Xan is the clueless alter ego. Wala itong kaalam-alam na parte lang ito ni Tanya. Kaya't umaasa siyang oras na malaman ni Xan ang katotohanan ay tatanggapin nito ang tulong niya.

He wanted to save her daughter from the cruel Aragon clan. Kailangan niya ring protektahan si Xan o si Tanya upang walang makaalam na buhay pa ang bunsong Aragon.

Dapat malaman na ni Xan kung ano at sino talaga ito.

Tanya moaned louder. Pigil ni Eugene ang sarili ngunit nang maramdaman niya ang mga kamay ni Tanya na humahaplos sa kanya, tuluyan na siyang tinupok ng apoy.

Mahal na mahal niya si Tanya. Gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti nito. 

Sa naiwang testamento ng ina nito, sa kanya buong ipinagkatiwala ang sikreto. Gusto ni Celeste Aragon na mahikayat niya si Tanya na magkaroon ulit ng normal na buhay, kasama ang anak nito.

Kasama siya. Maging buong pamilya sila.

Ibibigay niya kay Tanya ang lahat. Iaalay niya ang lahat ng kaligayahan para rito. 

Lahat ng siya ay para rito.

***

PAGMULAT pa lang ng mga mata ni Tanya, bumungad na agad sa kanya ang nahihimbing na si Eugene. Mabilis siyang bumangon at binalot ang kumot sa sarili.

She made love with Eugene?! What was she thinking?! 

Sa oras na mag-take over na ulit ang other self niya—or which she prefers to call "Xan"—siguradong magtataka ito kapag may kakaiba itong naramdaman sa katawan.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon