Prologue

221K 3.5K 235
                                    

Written: 2014

Revised Edition Posted: 2020

The True Man Trilogy 1: Irresistible Eugene was self-published (2017, 2018) & published under PHR (2019).

***

PROLOGUE

Year 1994.

HINDI matigil sa pag-iyak ang pitong-taong gulang na si Tanya kahit pa nagamot na ang kapatid niyang si Xan sa mga sugat na natamo nito mula sa pagkahulog sa basement kanina.

Dapat hindi sila pumunta sa basement dahil ipinagbabawal iyon ng Mommy nila. Pero pumunta pa rin sila. Iyan tuloy ang nangyari.

"Stop crying now, Baby. Xan's fine already," alo sa kanya ng Mommy niya.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay bumangon si Xan. May benda sa ulo at braso nito pero nakangiti pa ito habang nakatingin sa kanya. "I'm okay, Tanya! Huwag ka nang umiyak."

Lumapit siya sa kapatid. "T-Talaga? Hindi ka made-dead?"

Tumawa ito nang malakas ngunit agad ding nahinto dahil sumakit ang sugat nito sa ulo. "Ay, hindi naman ako made-dead. Strong kaya ako! Ikaw rin dapat, strong! Kaya huwag ka na umiyak, Tanya. Kapag magaling na 'ko, magpe-play ulit tayo," her sister smilingly said.

Huminto na siya sa pag-iyak. She crawled up the bed and hugged her sister. Hindi sila magkakambal pero halos magkasing-edad lang sila.

Eleven months lang ang pagitan nila kaya hindi niya na 'to tinatawag na "ate". Sila lang ang anak ng Mommy Celeste nila pero may tatlo pa silang kapatid sa Daddy nila. Malalaki na ang mga ito. Second family na kasi sila.

Ayaw niya sa two big brothers at sister nila ni Xan. Lagi lang silang inaaway ng mga ito. Kaya nga hindi sila nakatira sa bahay ng Daddy nila kasi pati Mommy nila ay inaaway ng mga kapatid niya.

Si Xan lang ang gusto niyang kapatid. Kasi laging nakangiti at nakatawa si Xan. Lagi siyang pinapasaya ng kapatid dahil iyakin siya.

"I love you, Xan."

"I love you too, Tanya. Huwag ka nang umiyak. Smile ka na. Smile ka na for me."

Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at saka nginitian ang kapatid.

"Yehey! Naka-smile na si Tanya! Ang ganda-ganda ni Tanya!" Kinurot pa nito ang pisngi niya. "Dapat lagi kang naka-smile. Sabi ko sa'yo huwag ka lagi iiyak, e."

"You learned your lesson now, Roxanne?" singit ng Mommy nila.

"Yes, Mommy. Hindi na po kami maglalaro sa basement. Sorry po."

Their mother hugged them both. "Lagi kayong mag-iingat na dalawa, okay? Don't get yourself in trouble. You're all I've got. Ayaw namin ng Daddy ninyo na mapahamak kayo."

Tanya hugged her Mommy too. "Yes, Mommy."

"Buti pa si Tanya laging behaved. Ikaw, Xan, sobrang kulit!"

Her sister giggled. "Sorry, Mommy." She also hugged their mother. "Hindi na ko magiging makulit," sabi pa nito pero nakatingin si Xan kay Tanya at kumindat.

Tanya silently chuckled. Si Xan magbe-behave? Xan wouldn't be Xan kung hindi ito makulit.

"TANYA, wake up! Let's play outside!"

Niyakap ni Tanya ang kanyang brown teddy bear at tinalikuran ang kapatid. "Ayoko, Xan. I'm still sleepy," inaantok na wika niya.

She felt Xan pulled her feet. "Come on, Tanya! Come on!"

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon