Chapter Eighteen

135K 3K 153
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

NANGALUMBABA si Xan at saka isa-isa tiningnan ang pictures ng mga nakatatandang kapatid ni Tanya o mga kapatid "niya". Ibinigay iyon sa kanya ni Eugene para daw kilala niya rin ang itsura ng mga taong kailangan nilang iwasan sa ngayon.

Edan Aragon at Darren Aragon.

Madalas niyang mabasa sa mga business magazines ang dalawa. Dating nakakulong si Edan dahil sa isang krimen na ginawa nito na itinago sa madla. Pero alam na ni Xan kung ano iyon dahil sa pagkukuwento ni Eugene. 

Si Edan ang kumidnap kina Tanya at Roxanne Aragon noon. Ito rin ang responsable sa pagkamatay ng huli. Pero ngayon ay nakalaya na ang Edan na iyon kahit lifetime imprisonment ang naging hatol rito noon.

Nagagawa nga naman ng pera. Tsk. Tsk.

Awtomatiko namang nagsalubong ang kilay ni Xan nang mapadapo ang mga mata niya sa picture ni Darren Aragon. May kung anong bumangon na emosyon sa dibdib niya pagkakita sa itsura ng huli.

"Guwapo sana, maiitim naman ang mga budhi," nanggigil na sabi niya. Pero hindi niya alam kung bakit mas nanggigil at nagagalit siya sa picture ni Darren Aragon. Mas tinitigan niya pang mabuti ang picture hanggang sa bigla siyang mahilo.

Napapikit siya sandali.

"Let me go! Let me go, kuya Darren! Hayop kayo! Hayop kayong magkakapatid!" sigaw ni Tanya.

Ngumisi lang ang half-brother niya at hindi siya pinakinggan. Malakas na hinila nito ang buhok niya at pabalibag na isinakay siya sa kotse.

No! Kailangan niyang makatakas! Kailangan niyang makauwi nang ligtas sa bahay nila. Hinihintay siya ng anak niyang si Heart.

Napasinghap si Xan at napaupo sa kama niya. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Nahihilo rin siya.

Nakita niya ang sarili niya kasama ang Darren na iyon na malademonyo ang mga ngisi. 

It's a part of the past, specifically from Tanya's memory. Ano kayang nangyari noon?

Ayaw pa ring tumigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya. Nanuyo rin ang lalamunan niya at nanginig ang buong katawan.

"Tanya, jusko. Ano pa bang hindi ko alam from your past?" nasambit niya sa sarili. Tumayo siya at bumaba sa kusina. Mabilis siyang uminom ng napakalamig na tubig bago kumalma ang buong sistema niya.

Hinilot-hilot niya ang magkabilang sentido. Grabe. Ibang-iba na talaga ang feels ngayon. Masyadong seryoso ang atmosphere, nakakaloka!

"Hindi bale, matatapos rin 'to. After this, happily ever after na kami ni Eugene. Charot!" konsula niya na lang sa sarili. Natawa na lang din siya mag-isa para naman mawala ang kung anong takot na naramdaman niya dahil sa isang alaala na hindi naman buo. Ang dami talagang lihim ni Tanya.

Medyo sanay na rin si Xan na isiping siya rin si Tanya. Sa tulong ni Google at ng psychiatrist na kaibigan ni Eugene, mas lalo niyang naitindihan ang sakit nila. Although, ang creepy lang kapag matutulog siya sa kuwarto niya at pagkatapos ay magigising siyang nasa kuwarto na ni Heart. Nangyari na iyon last week at nasundan pa ng ilang beses kaya natutulog na lang din siya sa tabi ni Heart. Baka kasi gusto ni Tanya na katabi ang anak nito.

"Hay nako, Tanya. Bakit hindi mo i-try na tumabi kay Eugene sa gabi para magising naman akong very very happy inside his arms?" natatawang kausap niya sa sarili. Susmaryosep. Lagi na lang niyang kausap ang sarili. Diyata't natuluyan na siyang mabaliw?

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon