Chapter Twenty-Three

121K 3.6K 470
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"AUNTIE?" tawag sa kanya ni Caleb.

"Yes, baby boy?"

"Will I see my Mommy before we leave?"

Yumuko siya at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Hindi na, eh. Pero she promised na tatawagan ka kapag nasa States na tayo."

Bumagsak ang mga balikat nito ngunit pinilit ng bata na ngumiti. "Okay po!" anito at saka bumalik na sa pakikipaglaro kay Heart.

Pagkatapos ng tatlong araw, tuluyan nang naayos nina Eugene ang kailangan para makalabas sila ng bansa. Nang ipinakilala niya si Caleb sa mga ito at ipinaliwanag ang sitwasyon ni Reigh ay agad na pumayag si Attorney Atayde na isama ang bata. Ganoon din si Eugene.

Maya-maya ay dumating na si Attorney Atayde at Eugene. May ilang bodyguards na pumasok sa bahay at kinuha na ang mga maleta nila.

Napahikab si Xan. Malapit na mag-eleven PM. Lalabas na si Tanya.

"Are you ready to go?" tanong sa kanya ni Eugene.

Tumango siya. "Puwede magtanong?"

He nodded.

"Kailan ulit kita makikita?"

He shrugged. "I don't know. But if you want, you can always call me. Balitaan mo 'ko lagi sa anak natin."

Napatingin siya kay Heart na nakahawak sa kamay ni Eugene. Nasabi naman na rito ang pag-alis nila ngayon. Kaso, sobrang attached si Heart sa Papa nito kaya kahit nasa bahay pa lang sila ngayon, nagbabadya na ang mga luha ng bata.

Umalis na silang lahat papunta ng airport. Habang nasa kotse ay pinipilit ni Xan na huwag antukin ngunit hindi niya na napigilan ang mga mata sa pagpikit. Hinawakan ni Eugene ang kamay niya at marahang pinisil iyon.

"May wish ako," inaantok na bulong niya rito.

"What wish?" she heard him whispered.

"Pagbalik ko, pakakasalan mo ko, okay? Puwede ka mag-girlfriend habang wala pa 'ko, pero sa'kin ka magpapakasal. Intiendes?"

He lightly chuckled. "Is this a marriage proposal?"

Pinisil niya ang kamay nito. "Oo! Kaya sumagot ka nang tama kung gusto mo pang makita si Heart."

"Yes. I will marry you."

Napangiti siya at saka sumandig sa balikat nito. He intertwined their fingers. Kinintilan pa siya nito ng halik sa sentido.

Lalo siyang napangiti. Pagdating ng tamang oras, kung kailan naayos na ni Tanya ang lahat, talagang itotodo niya ang pag-ibig sa lalaking ito!

Gumaling man si Tanya, sisiguraduhin ni Xan na hindi siya mawawala. Her personality will surely be a part of Tanya's.

Good night, Philippines! See you soon!

Tuluyan nang nakatulog si Xan. 

Now, it's Tanya's time to say goodbye to Eugene.

***

NAKAHINGA nang maluwag si Tanya nang ligtas na makapasok ng eroplano sina Heart at Caleb. Kasama din si Attorney Atayde. Susunod na sana siya ngunit naramdaman niya ang kamay ni Eugene sa kanya.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon