Chapter Twenty-Five

133K 3.4K 293
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

NATUTULOG pa si Eugene sa tabi ni Tanya nang magising siya isang araw. Patalikod siyang nakahiga habang yakap siya nito sa likuran. Mainit ang dulot ng mga hubad nilang katawan sa ilalim ng kumot. Paharap siyang humiga rito at mas nagsumiksik.

Eugene groaned and held her tighter.

Tatlong araw ang mabilis na lumipas simula nang may mangyari sa kanila sa office nito. Pagkatapos ay nag-replay ulit. Paulit-ulit. What a beautiful life, isn't it?

Isinubsob ni Tanya ang ilong sa leeg ng lalaki. She inhaled his natural masculine scent. Kakaiba talaga ang amoy nito. Napakabango. Kahit kailan ay hindi ito gumagamit ng ganoon.

Dumapo naman ang mga kamay niya sa hubad nitong dibdib. Pinakiramdaman niya ang pagtibok ng puso nito. Pagkuwa'y marahang dumulas ang kamay niya sa muscular abdomen nito. Napangiti siya sa mga pasimpleng tsansing niya.

Iniangat niya ang mga labi at inabot ang mga labi nito. Hindi pa rin ito nagigising. Napapahagikgik na lang sa isip si Tanya. Bahagya niyang iniangat ang sarili at tinitigan ang natutulog na si Eugene.

"Grabe talaga," nasambit niya habang tinititigan ito. "Kahit tulog, guwapo? Saan banda ka ba banda pangit, Love?" Pinagsawa niya ang pagtingin dito at saka siya biglang napabalikwas ng bangon. Agad siyang napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding.

Ten A.M!

Shit! May scheduled meeting pala siya kay Attorney Atayde! Mabilis siyang umalis ng kama at hindi na inabala pang gisingin si Eugene. Nagmamadali siyang nagsuot ng bathrobe at saka maingat na lumabas ng kuwarto nito. Nagmamadali siyang bumalik sa sariling kuwarto at nag-ayos.

"Dalawang oras na 'kong naghihintay rito, Miss Tanya Aragon," mariin ngunit kalmadong wika ni Attorney nang tawagan niya ito.

"Sorry na, Attorney. Puyat kasi ako. Peace na tayo. Papunta na 'ko diyan. Eto na, pasakay na 'ko ng kotse." Pero pababa pa lang siya ng hagdan kung saan niya nakasalubong si Heart na may dalang isang baso ng juice.

"Mama? Where are you—"

Sinenyasan niya itong huwag magsalita. Hinalikan niya ito sa pisngi. "Bye, baby. I'm in a hurry."

"I don't have all the time in the world, Tanya," sabi pa ng abogado sa kabilang linya.

"Sorry talaga, Attorney. I know. I know, hindi dapat ako nagpuyat."

Ngunit, subalit, datapwat... ang hirap tanggihan ni Eugene sa kama. Sobrang hirap.

"But, I'll be there. Twenty minutes! Twenty minutes, I promise!"

Napabuntong-hininga ito. "Hurry up!"

"Alright! Bye!" Tumakbo siya pasakay ng kotse niya kahit naka-four inch high heels at saka pinabuksan sa isang maid ang gate.

Then, she's hitting the road. Her phone rang again.

"Attorney, promise, papunta na talaga ako diya—"

"You didn't wake me up," came that male sexy and husky voice from the other line.

"Eugene..." Abot ang ngiti ni Tanya hanggang sa mga mata. "Hi! Sorry, hindi na kita nagising. Nagmamadali kasi ako. Late na 'ko sa appointment ko with Attorney," paliwanag niya.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon