KABANATA 18

31.5K 895 52
                                    

"Hayaan mo na s'ya Nathaniel." Matigas na sabi ni Nana Biring. "Kung mahal mo talaga s'ya alam mong mas makabubuti sa kanya at para sa lahat ang pabayaan na lamang s'yang... mamatay."

"Napakadali para sa inyo ang sabihin 'yan dahil hindi n'yo kilala sa Victoria! Wala kayong pakialam sa kanya kaya wala kayong nakikita kundi ang kawalang pag-asa sa kanyang sitwasyon!"

Akala siguro ng mga ito, natutulog ako't hindi naririnig ang kanilang pag-uusap sa paanan ng papag na hinihigaan ko.

"Bakit? Anong pag-asa pa ba ang nakikita mo sa kanya? Masdan mo siya. Hindi ba't siya rin ang naghihirap sa pagpupumilit mong mailigtas ito? Anumang oras, kukunin na s'ya ng mga kampon ng kadilimang bumuhay sa kanya. Anumang oras, hindi na rin s'ya ang babaeng nakilala mo. Mas gugustihin mo bang gamitin ng diyablo ang kanyang katawan, para sa paghahasik ng nito ng kasamaan bilang paghihiganti nito sa Diyos? Hayaan na lamang natin s'yang mamahinga sa ilalim ng lupa."

Umiiyak na sinuntok ni Nathaniel ang dingding. Kubo lamang ang bahay ni Nana Biring, kaya tila nayanig ang buong bahay sa ginawa nito.

"Alam mong tama ako, 'di ba?" Pagtutuloy ni Nana Biring. "Alam mong tama ako pero hindi mo matanggap dahil tuluyan ka nang nahibang sa sobrang pagmamahal mo sa babaeng it--"

"Victoria." Mariing sagot sa kanya ni Nathaniel. "Victoria ang pangalan niya at hindi ito basta isang babae lang dahil mahal ko s'ya." Humahagulhol ito, "Kung hindi n'yo namam pala kami matutulungan. Ano pa ba ang ginagawa namin dito?"

Hinawakan ni Nathaniel ang aking mga paa. Naramdaman kong naglakad ito sa gilid ng aking kama, bago nito ako binuhat.

Daig ko pa ang lantang gulay. May malay ngunit nanlulupaypay. Hindi ko pa rin malaman kung bakit ako nanghihina, gayung, nakakain na naman ako nang maayos doon at naalagaan.

Muli akong dinala at inihiga sa likuran ng sasakyan ni Nathaniel. At bagama't pinipigilan ito ni Nana Biring, nagdirediretso lamang ito papasok sa sasakyan, saka nagmamaneho upang maglakbay papunta sa kung saan.

"Huwag kang mag-alala, mahal ko." Dinig kong sambit nita habang nagmamaneho. "Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakahahanap ng solusyon para sa 'yo." Sumusinghot ito. "Mahal na mahal kita Victoria.. h'wag kang bibigay, ha? H'wag mo akong iiwan."

Nanghihina man, tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko kasi akalaing ganoon ako kamahal ng napangasawa ko. Sa totoo lang, kahit na pinakasalan na ako nito, hindi ko pa rin maiwasang isiping gusto lamang talaga ako nito dahil sa aking katawan, partikular na, dahil ako ang nakatutugon sa kanyang makamundong pagnanasa. Sa gano'n kasi nag-umpisa ang aming relasyon.

Dalawang oras ang lumipas, at huminto na ang sasakyan. Bahagyang iminulat ko ang mga mata ko. Nakahinto pala kami sa gasolinahan. Binuksan ni Nathaniel ang pintuan ng kotse sa side n'ya, bago ito bumaba sa sasakyan; kinse minutos din ang lumipas, bago ito nagbalik at sumakay sa driver's seat.

"Mahal." Anya. Nakaririnig din ako ng tunog ng plastic bag. "Bumili ako ng ilang makakain natin dito. Hihinto lang muna tayo sa isang maliit na hotel dito ha? Papagabi na kasi eh."

"Salamat..." Nanghihinang sagot ko.

Naaninag ko itong nakalingon sa akin. Nakangiti. Ngiting tinraydor naman ng kanyang malulungkot na mga mata.

Walang kalahating oras, nakarating din kami sa hotel. Nanlalata man, pinilit kong bumaba sa sasakya upang maglakad mag-isa. Sumiray-siray ako, pero naroon naman agad si Nathaniel upang alalayan ako. Ibang-iba na talaga ito sa Nathaniel na unang nakilala ko. Kung noon, hindi ito nag-aatubiling iparamdam sa akin kung ga'no n'ya ako kinamumuhian. Ngayon, halos ibigay na nito ang lahat sa kanya, mailigtas lamang ako't maalagaan.

"N-Nathaniel..." iniuupo na ako nito sa gilid ng kama. "Bakit mo ba ginagawa para sa akin 'to?" Tinanggalan muna ako nito ng mga tsinelas, bago nito iniangat ang aking mga binti upang ihiga ako sa kama. "Nahihirapan ka na. Pati ang buhay mo, ninanakaw ko na."

Hindi ito sumagot. Sa halip, inayos na nito ang laman ng mga pinamili nitong nasa plastic bag. Inihanda nito ang mga 'yun upang aming maging hapunan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hay naku, ang lalaking ito! Napakaguwapo, matipuno't mayaman pa. Bakit ba ako pa ang nagustuhan nito? Isang maruming babae. Literal na walang kaluluwa. Walang silbi, puro pa problema. Hinahabol na ng kadiliman...salat pa sa pag-asa.

Kung inaalala n'ya ang bilin ng kanyang ama, wala na naman ito 'di ba? Ano ba ang magagawa nito kung hindi na sundin ni Nathaniel ang tagubilin nito sa anak? Ang totoo, mas dapat nga na kamuhian n'ya ako't pabayaan na lang. Tutal, ako naman talaga ang dahilan ng lahat-lahat ng kanyang kamalasan sa buhay.

"Heto Mahal," hawak nito ang ham and cheese sandwich na ginawa niya; sinamahan din nito ito ng isang bote ng softdrink. "Kumain ka muna para lumakas ka."

"Hindi mo ba ako narinig, Nathaniel?" Habang nakatalikod ito. "Pabayaan mo na lang kaya ako. Bakit ba pinakakain mo pa ako? Ako ang sanhi ng mga problema mo 'di ba?"

"Kumain ka na lang, Victoria."

"Ako ang dahilan ng mga problema mo ngayon. Marami namang babae d'yan na hindi hamak na mas higit sa ak--"

"Kumain ka na, Mahal." Tila wala itong naririnig. Sumalampak lamang ito ng upo sa sofa habang kinakain ang sandwich n'ya.

"Nathaniel, hindi mo ba ako naririnig?"

Iniiwasan nitong tingnan ako; tuloy-tuloy lang ang kanyang pagkain at pag-inom.

"Nathaniel!" Sigaw ko. Umiiyak. Ipinatong ko ang pagkain ko, sa gilid na lamesa.

Hindi pa rin nito ako pinapansin, hanggang sa maubos na nito ang kanyang pagkain.

"Nathaniel ano ba?!" Hinihugasan na nito ang kanyang mga kamay sa lababo.

"Binilhan din pala kita ng toothbrush," anya. "May tootpaste din tayo dito at mouthwash." Nag-umpisa na itong magsipilyo.

Sa sobrang inis ko, pinilit kong tumayo. Ginamit ko ang natitira ko pang lakas, upang tumakbo sa puntuan ng aming silid. Pinipihit ko na ang doorknob, nang maramdaman kong yumakap ito mula aking likuran.

"Mahal na mahal kita, Victoria." Bulong nito; hinahalikan din nito ang aking leeg. "Lumaban ka naman para sa 'kin oh." Nanginginig ito. "Aanhin ko ba ang napakaraming babae sa mundo kung hindi naman ikaw ang kasama ko?" Tumangis na ito nang tuluyan. Naramdam ko na rin ang pagtulo ng mga mga luha nito sa aking balikat. "Kung sumusuko ka na, mas mabuti pang patayin mo muna ako. Dahil hindi ko na kaya..." Tumitindi lalo ang pag-iyak nito. "Hindi ko na kayang mabuhay pa, kung iiwanan mo ako."

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon