KABANATA 2

49.6K 1K 69
                                    

"Teka nga sandali!" Hiyaw ko, habang hinahabol ko si Marco.

Hindi nito ako pinapansin. Nagdirediretso lamang ito sa paglalakad; nagmamadali. Binibilisan at nilalakihan ang kanyang mga hakbang, upang hindi ko s'ya abutin.

Pero determanado ako, kaya tumakbo na ako hanggang sa maabutan ko ito at mahagip sa braso.

"Marco, sandali nga!"

"Bitiwan mo nga 'ko!" Bulyaw n'ya sa mukha ko; pabiglang binawi rin nito ang kanyang braso.

"Huwag ka nang magalit, para binibiro lang naman kita eh!"

"Binibiro? Pwes! Hindi maganda 'yang biro mo!" May halong pandidilat pa ng kanyang mga mata, "Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo, ha?! Hindi ka naman dating ganyan ah!"

"Ibaba mo nga ang boses mo, please?" Sabi ko, habang lumilinga-linga sa paligid. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao.

"Ibang klase ka rin 'no," Ibinaba naman n'ya ng kaunti ang kanyang tono, "Nahihiya kang mapagtinginan ng mga tao, pero hindi ka nahihiya sa mga pinaggagagawa mo?! Ano ba talaga ang problema mong babae ka?! Nag desi-otso ka lang, nagkaganyan ka na!"

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya; pansamantala akong napatulala. Lalo na't may nakikita na naman akong hindi kaaya-ayang nakatayo sa may bandang likuran n'ya.

Isa 'tong lalaking naputla ang mukha. Wala naman itong ginagawa. Nakatayo lamang ito sa bandang likuran ni Marco. Halos nakadikit na ang mukha nito sa batok ng best friend ko. Nakatunganga lamang naman ito ro'n na tila may sinisipat sa likuran ng kuwelyo ni Marco.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Kinilabutan ako para kay Marco. Magsa-siyam na buwan na rin akong ganito. Magsa-siyam na buwan simula nang nag-desi otso ako

"Hoy!"

"H-ha?"

"Anong ha? Hindi mo ba narinig ang tanong ko?"

"Hindi ko rin alam, Marco." Halos pabulong na sagot ko; hinihilot-hilot ko ang aking sentido, "Hindi ko rin alam ang nangyayari sa 'kin."

"Anong hindi mo alam?" Iritableng ito, "Pwede ba 'yun? Isa ka sa pinaka-level headed na taong nakilalala ko. Napaka-imposible naman na hindi mo alam ang pinaggagawa mo. Ano na? Ano ba talaga?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved

"Bakit, kung sasabihin ko ba sa 'yo, maniniwala ka ba?"

Natigilan ito. Lumalim at bumilis ang paghinga nito.

"Try me."

Hinila ko si Marco sa mas pribadong lugar; sa isang bakanteng classroom.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito?"

Ang totoo. Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahang ilahad sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Bukod kasi sa hindi ko rin talaga sigurado, natatakot din ako na hindi nito ako paniniwalaan.

"I think I am..."

"You're what?"

"I am..."

"What?!" Tumaas na ang tono niya.

"Possessed."

Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

"What do you mean?"

Hindi pa man din nito nakukumpleto tanong na iyon, may kung anong di nakikitang elemento, o enerhiya ang bigla na lamang sumaklob sa aking katawan.

"Shit!" Tila kiti-kiting hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.

"Shit, what?!"

"I don't know... I don't know!" Daig ko pa ang kinukuyente ng kung ano, bagama't pinaglalabanan ko naman ito.

"What do you mean you don't know?"

"Hindi ko alam ang nangyayari sa akin Marco." Naiiyak na ako, "Basta't ang alam ko, nagising na lang ako sa mismong ikalabing-walong taong kaarawan ko, na ganito na ako."

"What do you mean ganito?"

"Ganito! H-hindi ko na kontrolado ang katawan ko! Ahhh!" Ramdam ko ang pagguhit ng hindi ko matukoy na enerhiyang nanonoot sa aking mga ugat; dahilan kung bakit napakapit ako nang mahigpit, sa pasimano aking kinauupuang armchair.

Ilang segundo rin ang lumipas, bago tuluyang humupa, ang tila kuryenteng nanoot sa aking pagkatao. Sa ilang segundong 'yon, nakatulala lamang sa 'kin si Marco. Nakanganga. Dilat na dilat ang mga mata.

"What was that all about?" Pagbasag n'ya sa aming katahimikan.

"Hindi ko sigurado, Marco." Nanlalatang sagot ko, "Ang alam ko lang, nagkaganito na ako simula nang mag-eighteen ako. Nakakakita ako ng mga nilalang na hindi nakikita ng ibang tao. Kaalinsabay ito ng, tila pagsakop ng mga espiritu sa aking pagkata. E-espiritung nagtutulak sa 'kin na gamitin ang katawan ko, para makipagtalik kung kani-kanino. Mapababae man o lalaki."

Hindi makapagsalita si Marco; nakakunot ang noo.

"Tulungan mo 'ko." Pagtutuloy ko, "Paniwalaan mo naman sana 'ko. Hindi ko rin gusto ang nangyayaring ito. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi na ng katawan ko. Nandidiri ako, lalo na kapag naiisip kong pati ang kapatid ko, tinukso at pinatos ko."

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Ha?Hindi makapaniwala sa mga naririnig n'ya mula sa akin.

"You did what?!" Mataas ang kanyang boses.

"'Yun pa lang ang naririnig mo, nagugulat ka na?" Naiiyak na ako, "Paano pa kaya kung malalaman mo pa ang iba."

"Iba? Anong iba?"

"Humingi ako ng tulong sa Pastor namin. Umaasang matutulungan n'ya akong mapaalis ang kung ano man itong elemento na susmasakop sa aking pagkatao. Pero mas lalo lamang lumala ang problema ko, dahil pati ang Pastor na 'yon, pinatos ko."

"What the--"

"Hindi lang 'yan. Marami pang iba. Araw-araw iba-iba. At ngayon nga, tila may nagdidikta sa 'kin, na ikaw naman ang--"

"Stop right there!"

Nag-umpisa na akong umiyak.

"You're fucked up!"

"I know."

"Kumunsulta ka na ba... kahit kanino?"

"Hindi pa. Sa iyo ko pa lang nasasabi ang tungkol ang mga pinagdadaanan kong 'to." Humahagulhol na ako, "Tulungan mo ako, Marco." Hinawakan ko ang kanyang braso, "Pakiramdam ko, unti-unti na akong winawasak ng kung ano man itong sumasakop sa katawan ko."

"Kailangan mo muna magpatingin sa isang eksperto."

"Anong klaseng eksperto."

"May kilala akong Psychiatrist."

"Hindi ako baliw, Marco!"

"Oo, naniniwala naman ako, sa 'yo." Anya, "Pero kung sinasapian ka nga, tulad ng iniisip mo. Kailangan muna nating i-eliminate ang Psychological factor, bago tayo bumaling sa iba pang eksperto."

"Ibang eksperto? Anong klaseng eksperto?"

"Ibang eksperto, katulad ng mga espiritista, a-albularyo o di kaya naman...i-isang exorcist."

"Sasamahan mo ba ako?"

"Oo, sasamahan kita. Huwag kang mag-alala. S-sa ngayon, kailangan mo munang kontrolin ang sarili mo. Alam mo naman palang winawasak ka, kaya dapat lang na mas paglabanan mo ito. Kakausapin ko na ang Psychiatrist na kakilala ko. Para ma-check ka na n'ya sa lalong madaling panahon."

"Lalaki ba ito, o babae."

"Babae."

Nakahinga ako ng maluwag.

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon