KABANATA 23

24.7K 663 43
                                    

Kada sampong minuto, may ipinapasok silang tao sa loob ng silid. Kaya makaraan ang isa't kalahating oras, halos mapuno na ang bawat hilera ng mga bangko.

Marami-rami na rin akong nakilala. Mga taong kinuha nila mula sa iba't-ibang lugar;  at nagbuhat pa sa iba't ibang uri ng pamumuhay. Ang lahat, may sariling k'wento. At ang bawat isa, binigyan ng kani-kanilang misyong magkalat ng iba't ibang uri ng kasiraan sa ibabaw ng lupa. Kapalit ito ng kaligtasan ng maraming buhay, maging ng mga kabuhayan, aria-arian at iba pang mga bagay na mahalaga para sa bawat isang indibiduwal.

"Wala na tayong ginawa kundi ang pagtaluntalunan ang mga walang kakwenta-kwentang bagay na may kinalaman sa relihiyon." Umiiyak na sambit ng isang Protestanteng Pastor kay Father Ramon. "Ang punahin ang mali ng bawat isa upang mas lalo pang lumala ang ating pagkakawatakwatak. Lingid sa ating kaalaman, nagpipyesta na pala sa ating alitan ang ating mga kalaban. Ang mga tunay na kalaban na walang hinto sa paggawa ng mga karumaldumal na bagay laban sa ating Diyos."

"Ano ba iniuutos nila sa 'yo?" Tanong ng isang ministro sa huling nagsalita.

"Dapat ko raw palalain ang pagkakawatak-watak ng mga Kristyano. Pati na rin ang..."

"Ang ano?" Tanong ni Father Ramon

"Ang linlangin ko raw ang aking mga tagasunod. Ang mas pagsumikapan pa ang maging popular at maging idolo ng mga Kristyano." Sagot ng Pastor, "ang maging mas karismatiko para mas marami ang sumunod at magtiwala sa akin. Ang lumabas sa telebisyon. Ang magsulat ng mga aklat na mukha ko ang nasa pamagat. Upang nang sa gayo'n ay matuon ang atensyon ng mga tao mula sa Diyos papunta sa 'kin. Sa huli, ang gusto nila'y ako na ang sambahin ng mga tao. Ako na ang hahangaan nila't pupurihin upang mas galitin ang Diyos na seloso, na ang isa sa mga tunay na pangalan ay Seloso (1)"

"Paano po kapag hindi n'yo ginawa?" tanong ko.

"Papatay sila ng tatlumpong Protestante mula sa iba't ibang denominasyon. Pahihirapan at ipapako raw nila ang mga ito isa-isa sa krus. Isasabit daw nila ang mga ito nang pabaliktad sa aking harapan."

"Diyos ko!" Sabay-sabay na bulungan 'yun ng mga taong naroro'n.

"Kailangan nating makatakas dito!" Wika ng isang lalaki sa aking likuran.

"Papa'no?" Tanong ng isang babae sa harapan ko, "Alam n'yo bang nasa ilalim tayo ng lupa?"

"Ha?" May magkakasabay na nagbigkas no'n sa iba't-ibang direksyon. Sinundan ito ng sabay-sabay na pagbubulungan ng lahat ng mga naroro'n.

"Oo," sagot ng nagsalita kanina. "Nasa ilalim tayo ng lupa. Nasa ilalim tayo ng isang kapatagang walang mga tao."

"Pa'no mo naman nalaman?" Tanong ng isang lalaki sa aking gilid, "Mga nakapiring naman tayong lahat nang dinala nila tayo rito, 'di ba?"

"Nasilip ko ito, nang aksidenteng inilipad ng hangin ang taklob sa ulo ko." Sagot nito. "Sa isang bukaskas na Jeep kasi ako isinakay papunta rito."

Bago pa may makapagsalita nang panibago, may ipinasok na namang muling bagong tao. Isa itong lalaking matipunong walang saplot.

Natahimik kami. Nagpanggap na walang pakialam sa isa't-isa. At mukha namang walang nakahalata sa pag-uusap-usap namin kanina.

"Tumayo ka ro'n!" Sigaw ng isang lalaking nakapulang cloak; may suot ang mga itong maskara. Ang kinakausap nito ay 'yung lalaking walang saplot. Itinuturo nito ang altar.

"Ayoko po." Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng lalaki. Hindi naman ito pinakinggan ng mga ito. Sa halip ay paulit-ulit nila itong hinataw ng panghaplit sa bandang pigi at puwitan.

"Bilis!" Hiyaw ng lalaking nakamaskara. Muli nitong hinaplit ang nakahubad na lalaki.

Napapa-iktad ito sa tindi ng paghaplit sa kanya habang sapo-sapo nito ang katikasan sa harapan nito.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Pinatayo ng nakamaskarang lalaki ang nakahubad na lalaki sa isang dulo ng parihabang lamesang nasa gitna. Sumisenyas din ito sa kanyang kasamahan, upang ipasok na ang susunod na tao o...hayup.

Nagkatinginan kami ng katabi ko, nang may pinapasok silang isang tupang may makapal na puting balahibo. Dinala nila ito sa may parihabang lamesa sa gitna at ipinatong ito sa ibabaw--patalikod sa nakahubad na lalaki.

"Ito!"  Hiyaw ng isa sa mga maskarado.  "Ito ang kordero ng Diyos! Ang nagkakalat ng lahat ng kabuwisitan sa sanlibutan!" At saka sabay-sabay na nagsipaghalakhakan ang mga ito.

Hindi pa humuhupa ang kanilang pagtatawanan nang biglang nagdilim ang paligid. Tanging mga kandila na lamang sa unahan ng altar ang nagsilbi ritong liwanag.

Daig pa namin ang nasa teyatro o nasa sinehan. Nakapako ang aming atensyon sa mga nasa unahan.

"Umpisahan na ang pagdiriwang!" Hiyaw ng isa sa mga nakapulang cloak na may maskara.

Binilang ko ang nga ito. Labing-dalawa silang naroro'n.

Nag-umpisa nang manalangin ang mga ito sa salitang latin, habang isa-isa nang pumupuwesto ang mga ito sa palibot ng parihabang lamesa.

"Ano pang ginagawa mo?!" Hiyaw ng isa sa mga maskarado sa lalaking nakahubad.

"Ayoko po! Parang awa n'yo na po!" Pagmamakaawa nito. Hinawakan ito ng dalawa sa mga maskaradong katabi nito nang mag-umpisa na itong mag-wala.

"Gagawin mo ba?" Hinablot nito ang isang matandang babaeng nakatayo sa kanyang gilid. Tinutukan nito ito ng punyal sa leeg nito. "O ngayon mismo'y papatayin ko ang iyong ina!"

"Inay!" Iyak ng lalaking nakahubad.

"Huwag anak." Namamaos na pakiusap ng ina nito. "Huwag mong hayaang babuyin nila ang pagkatao mo." Umiiyak na rin ito.

"Tumahimik ka!" Hiyaw ng maskaradong may hawak sa matanda. Mas idiniin nito ang punyal na  nakatutok sa leeg ng matandang babae. Bahagya itong nasugata at dumugo.

Nataranta ang nakahubad na lalaki nang nag-umpisa nang umagos ang dugo ng ina nito sa bandang leeg nito.

"Gagawin ko na po!" Hagulhol ng nakahubad na lalaki, "Huwag n'yo lamang pong sasaktan ang inay ko."

"Bilisan mo! Bago kami mainip!" Hiyaw ng isa sa labing-dalawang maskarado.

Pagkatapos noon, hinawakan na ng umiiyak na lalaking nakahubad ang magkabilang pigi ng tupa, at saka nito ito pinanghimasukan sa maselang bahagi.  Halos masuka ang lalaki sa kanyang ginagawa. Umiiyak at nanginginig.

Napanganga ako sa pagkagulat. Nasapo ko ang bibig ko upang ikubli ang aking pagkasindak.

"Diyos ko." Bulong ng isang babaeng relihiyosa sa aking likuran. "Anong klaseng mga demonyo kaya ang mga taong ito?"

"Ito ang kordero ng Diyos!" Nanunuyang hiyaw ng isa sa mga lalaking maskarado, "Ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!"

Muli nagsipaghalakhakan ang mga ito. Nagagalak...nasisiyahan...sa makabaliktad sikmura nilang palabas.

***

Footnote:

(1) Seloso (The Jealous one), one of God's names. [Exodus 20:5, 34:14]

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon