Chapter 2

140 8 0
                                    

Xenia

CHANDICA

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Una kong minulat ang kaliwang mata ko para silipin kung sinu-sino yung mga nagsasalita. Medyo nasilaw pa ako dahil sobrang puti ng paligid. Kalaunan, nakakita ako ng isang babae na sa tingin ko ay doktor. Ibinaling ko ang tingin sa kausap niya, pamilyar ang lalaki.

"---you're safe now.." naalala ko ang boses na yun.. Yung lalaki kanina!

Naimulat ko na ang dalawa kong mata nung maalala ang mga nasaksihan ko. Yung bus, yung mga tao..yung itim na usok.. yung pagtalsik ko..at yung.. malaki na aso.

Gusto ko na sanang magpanic nung lumingon ang dalawa sakin pero nanatili lang akong kalmado at hindi nagpahalata. Walang ekspresyon ang mga mata ni Black, (yun muna tawag ko sa kanya dahil itim yung lumabas sa kamay nya kanina, isa pa di ko pa alam pangalan nya) habang hinagod naman ako ng tingin nung doktora.

"Oh, she's awake.." chineck nya ako mula ulo hanggang paa gamit ang mapanuri nyang tingin. "No body complications. She's good to go." May pinagsasabi pa sya na di ko maintindihan dahil yung isip ko ay kung ano na ang gagawin ko.

May bayad ba sa hospital na 'to? Pero wala akong pera. Nag iisip na ako ng escape plan baka sakaling singilin ako ng doktor dahil sa tingin koy inadmit ako sa isang private room. Shit, paniguradong mahal ang bills. Pano ba, pano ba..

"Don't worry about your hospital bills dear, it's been paid." Tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Dra. Pero nagtaka ako, pano nya nalaman na iniisip ko ang hospital bills? Phsycic ba sya? Mind reader?

What am I thinking? Napakaimposible naman no'n.

"Yes, dear. Sorry if I have invaded your thoughts. Masyado kasing maraming flow of informations sa isip mo at di ko mapigilang marinig ang pinagsasabi mo." she explained pero wala akong naintindihan. Wth? So binasa nga nya ang nasa utak ko?

Palihim akong napasigaw sa isip ko, napansin ko naman ang panandalian nilang pagpikit sa mata, palatandaan na naririnig nga nila ang pagtili ko.

Deym.

Sinubukan kong hindi mag isip ng kung ano ano at baka mabasa nanaman nila.

"You have to come with me, woman." pagsasalita ni Black. Tinapunan ko lang sya ng nagtatakang tingin. Ano ang ibig nyang sabihin? saan ako sasama? Rereypin ba nya ako? Kikidnapin? Kidnap for ransom? Pero wala akong pera!

"For hell's sake, woman. I'm not gonna kidnap you. And why would I even rape you? You're not my type." He said and I even saw him smirked pero mabilis din yong nawala.

Aaaah! Nababasa nga nila yung iniisip ko!

"I should take my leave." yumuko ng bahagya si Dra. kay Black bago umalis sa pinto. Nung nawala na sya sa loob ng silid ay naiwan akong kasama ang mayabang na Black na 'to.

I scoffed.

Ha! Not his type? Well he's not my type too! Akala nya ha!

Napatingin naman ako sa katawan ko. Okay naman ah. Maputi ako at katamtaman ang taas. Di sa pagmamayabang pero may curves din naman ako. Hindi lang ako marunong manamit. (So what?) Isa pa, hindi naman ako pangit no! Pasalamat nalang siguro ako sa genes ng mga magulang ko (na hindi ko alam kung saan na ngayon) at maganda ang lahi namin!

Yun nga ang dahilan kung bakit marami ang umaayaw sakin na babae sa school. Lagi kasing lumalapit sakin ang mga boyfriend nila sa di ko malamang dahilan. Isama mo na rin yung mga step sisters ko na ubod ng kasamaan. Naiinggit siguro sakin kaya hate na hate ako.

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now